WorksheetsGrade 6 Q3 ESP
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Sina Lea Salonga, Pia Wurtzbach, Manny Pacquiao, at El Gamma Penumbra ang ilan sa mga Pilipino na nagtagumpay sa kani-kanilang larangan sa ibang bansa at nagbigay ng karangalan sa ating mga Pilipino. Bilang bata, gagawin kong inspirasyon ang kanilang tagumpay upang maabot ko rin ang aking mga pangarap.
TAMA
MALI
Hindi nag-eensayo si Miko para sa kanyang patimpalak sa pagtakbo para sa kanilang paaralan.
TAMA
MALI
Nagbabasa si Lena ng mga kwento tungkol sa mga bayani at pinag-aaralan ang kanilang mga saksripisyo para sa bansa.
TAMA
MALI
Nag-hiking sa bundok ang magkakaibigang Gino, Riva, Baldo at Aya. Habang naglalakad, tinatapon ni Gino kung saan-saan ang kanyang basura. Tama ba ang ginawa ni Gino?
HINDI
Oo
Ilan ito sa mga katangian na maaaring makatulong para sa iyong tagumpay sa buhay MALIBAN SA ISA. Ano ito?
Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
Pagiging tamad
Pag-aaral nang mabuti
Gawing inspirasyon ang mga taong naging matagumpay din
Ayon sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, layunin nito na maibahagi sa bawat isang mamamayan ang tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga basura sa bawat barangay. Bilang mag-aaral, ano ang iyong dapat gawin sa iyong basura?
Itapon sa gilid ng kalsada
Itapon sa ilog
Itapon sa tamang basurahan
Iwan na lamang ito sa aking upuan sa silid-aralan
Paano mo mapapanatiling malinis ang tubig sa ilog ng inyong lugar?
Magtapon dito ng basura
Hayaan ang ibang tao na magtapon ng mga maruruming bagay dito
Tumulong sa barangay sa paglilinis ng ilog
Pabayaan na lamang ito
Alin dito ang HINDI mo dapat gawin bilang bata at mamamayan ng inyong barangay.
Paglilinis ng kapaligiran
Magtapon ng basura sa ilog
Magtapon ng basura sa angkop na basurahan
Magtanim ng puno
Bumagsak ka sa exam sa inyong klase, nakaramdam ka ng lungkot at pagkadismaya. Ano ang susunod mong gagawin?
Maglaro na lang kasama ang mga kaklase.
Babangon muli at sisipagan pa sa pag-aaral para makabawi sa susunod na exam.
Magagalit sa titser.
Hindi na ulit papasok sa klase.
Kakatapos mo lang kumain ng biscuit. Plastic ang wrapper nito at kailangan mo nang itapon sa basurahan. Alin dito ang lagayan kung saan angkop mong itatapon ang iyong basura?
Nabubulok
Di-nabubulok
