NEW
Font size
WorksheetsPAGSASANAY
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang mga katagang na, ng/-ng at –g na nag-uugnay sa magkakasunod-sunod na salita sa isang pangungusap ay tinatawag na _____.
A. Pang-abay
B. Pangatnig
C. Pang-angkop
D. Pandiwa
2. Ang pang-angkop na _____ ay iniuugnay sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.
A. -g
B. na
C. ng
D. -ng
3. Mahigpit ______ ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno sa kagubatan. Pang-angkop na ____ ang nararapat sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
A. -g
B. na
C. ng
D. -ng
4. Lagi nating isa-isip at isapuso ang kahalagahan ______ kalikasan sa bawat nilalang sa mundo.
A. -g
B. na
C. ng
D. -ng
Ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag ay tinatawag na _________________.
A. Pang-abay
B. Pangatnig
C. Pang-angkop
D. Pandiwa
6. Ang mga pang ugnay na ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit ay mga halimbawa ng Pangatnig na ______________.
A. Pamukod
B. Panalungat
C. Panlinaw
D. Pananhi
7.Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy, napahiya ka! Ang pang-ugnay na may salungguhit na ginamit sa pangungusap ay pangatnig na ____________.
A. Pamukod
B. Panalungat
C. Panlinaw
D. Pananhi
8. Ang mga pangatnig na _________ ay ginagamit upang ihiwalay, itanggi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.
A. Pamukod
B. Panalungat
C. Panlinaw
D. Pananhi
9. Ang mga pang-ugnay na kung, sakali, disin sana, kapag, o pag ay mga halimbawa ng pangatnig na ______________.
A. Pamukod
B. Panalungat
C. Panlinaw
D. Pananhi
10. Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang kanyang ama. Ang pang-ugnay na may salungguhit na ginamit sa pangungusap ay pangatnig na ____________.
A. Pamukod
B. Panalungat
C. Panlinaw
D. Pananhi
