NEW
Font size
WorksheetsQ3 REVIEWER SA ESP
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ang pagbabayanihan ay isa sa kaugaliang Pilipino. Paano mo ito maipapakita?
Pagtulong sa nangangailangan na may hinihintay na kapalit
Pagtulong sa nangangailangan ng bukal sa iyong loob
Pagtulong sa nangangailangan kapag may ibang taong nakatingin
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino?
Pagsasabi ng masamang salita
Pagsasabi ng “po” at “opo”
Pakikipag-away sa kaklase
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa kaugaliang Pilipino?
Aking ikakahiya at hindi ito ipapakita
Aking kukutyain at babalewalain ang mga ito
Aking isinasabuhay at gagawin ng buong puso
Bilang isang Pilipino, mahalagang isabuhay ang mga kaugaliang Pilipino. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
Si Rosa ay umaalis nang hindi nagpapaalam sa kanyang magulang
Hindi pinapansin ni Roy ang kanyang lolo at lola kapag sila ay nasa bahay
Magalang na nakikipag-usap si Cris sa mga mas nakakatanda sa kanya
Magkakaroon ng isang family reunion ang inyong pamilya. Dumating ang iyong
mga tiyo, tiya at iba pang kamag-anak. Ano ang iyong gagawin?
Lalayo at magtatago sa kwarto.
Salubungin sila, patutuluyin at magmamano.
Hindi papansinin ang mga dumating na kamag-anak.
Tinanong ka ni Gng. Gomez kung nasabi mo kay Gng. Mendoza na may
pagpupulong mamayang hapon. Ano ang isasagot mo sa kanya?
Hindi ko sinabi kay Gng. Mendoza.
Opo sinabi ko kay Gng. Mendoza at dadalo daw po siya.
Tumango ka lang kay Gng. Gomez.
Linggo ng umaga patungo kayong magkaibigan sa simbahan. Nakita ninyo ang
inyong guro na si Bb. Cruz. Ano ang dapat na sabihin at gawin?
Hindi papansinin at lalayo na
Iiwasan si Bb. Cruz
Lalapitan at babatiin ng magandang umaga po.
May hinahanap nalugar ang isang matandang babae, nagtanong siya sa iyo
kung saan ito matatagpuan. Ano ang iyong sasabihin at gagawin?
Ituturo nang maayos at sasabihing doon po ang daan.
Titingnan lamang ang matanda sabay alis.
Lalayuan ang matanda at sasabihing hindi ko alam.
Ang iyong magulang ay nagbilin na huwag basta magpapasok sa bahay
habang wala sila. Biglang dumating ang iyong tiyo Lando ngunit wala pa ang
iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
Magalang kong pakikiusapan na sa susunod na lamang siya pumunta dahil wala ang iyong magulang
Paaalisin ko agad siya kasi wala ang aking magulang
Huwag pansinin ang iyong tiyo Lando
Bakit kailangan nating sundin ang mga tuntunin sa paaralan at tahanan?
Upang matagal matapos ang gawain
Upang maging maayos ang takbo o daloy ng gawain
Upang maging mahigpit ang mga namamahala
Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad sa bahay pagkagaling sa
paaralan. Nang araw na iyon, may mahalagang proyekto kayong gagawin.
Ano ang dapat mong gawin?
Umuwi at magpaalam muna sa magulang
Sumama sa paggawa ng proyekto dahil saglit lang naman ito
Hindi na ako makikisali sa paggawa ng proyekto
Alin ang nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin sa paaralan?
Pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan
Umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaaralan upang makapasok
Naglalakad ng tahimik sa pasilyo
Ano ang dapat mong gawin sa mga bilin ng mga magulang mo?
Iwasan
Sundin
Ipagpaliban
Nakita mong hindi nakapila ang iyong kaklase sa pagbili sa kantina.
Ano ang gagawin mo?
Hayaan ko siyang mauna
Isusumbong ko sa aming guro
Hihilahin ko siyang pumila sa likuran
Habang ikaw ay naglalakad nakita mong may balat ng saging sa sahig na
pwedeng magdulot ng disgrasya dahil kapag ito ay naapakan ng iyong kamag-
aral ay pwede siyang madulas. Ano ang iyong gagawin?
Huwag ito pansinin dahil hindi naman ikaw ang madudulas
Pagtawanan ang kamag aral kung ito ay madulas dahil hindi siya nag-
iingat
Pulutin ito at itapon sa tamang basurahan
Napagutusan ka ng iyong nanay na magtapon ng inyong basura dahil darating
ang trak na kumokolekta nito ngunit ito ay malayo at tinatamad ka. Ano ang
iyong gagawin?
Magkunwaring wala kang narinig
Kunin ang inyong basura at iwanan sa isang tabi na hindi tanaw ng iyong
nanay para hindi mapagalitan
Sundin ang utos ng iyong nanay at dalhin ang inyong basura sa trak na
kumokolekta nito
Ikaw ay kumain ng kendi at nakita mong walang basurahan sa paligid. Ano ang
iyong gagawin?
Ilagay muna sa bulsa at itapon nalang kapag may nakita kang basurahan
Itapon ito sa daan dahil wala naman basurahan
Iwanan ito sa tabi dahil wala naman nakakita sayo na ikaw ang
nagtapon
Iyong natutunan ang tamang pagtatapon ng basura sa iyong klase. Alin sa mga
sumusunod ang tamang paraan sa pagtatapon ng mga ito?
Ikalat ito kahit saan
Paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok
Sundin lamang ang pagtatapon ng iyong basura sa tamang
lagayan kapag may nakakakita
Ikaw ay pauwi na ng makita mo ang isang bata na basta nalang nagtapon ng
kanyang basura sa daanan. Ano ang iyong gagawin?
Magpatuloy sa paglalakad at huwag nalang itong pansinin
Pagtawanan ito dahil hindi siya marunong magtapon ng
kanyang basura sa tamang lagayan
Tawagin ito at sabihin dito na pulutin ang kanyang basura at
itapon sa tamang basurahan
Alin sa mga kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagiging magalang?
Pagsunod sa utos ng magulang
Paggamit ng “po at opo”
Pagsasabi ng totoo
Namasyal kayo ng pamilya mo sa Luneta park. Nagutom kayo at kinain ang
dala-dala niyong pagkain. Ano ang gagawin niyo sa kalat o basura?
Itatapon sa kanal
Ihahagis ito sa gitna ng kalsada
Wawalisin at itatapon nang maayos ang basura.
Araw ng sabado, naglinis kayo ng inyong bakuran, nakita mong marami ang
mga basura. Ano ang dapat mong gawin?
Ibabaon lahat ng mga basura sa lupa.
Itatapon lahat ng basura sa compost pit.
Itatapon ang mga nabubulok na basura sa compost pit at sa basurahang dram naman ang mag di-nabubulok na basura.
Ikinalat ng mga aso ang mga basura ninyo sa daanan. Ano ang maari mong
gawin?
Hihintayin ang trak ng basura.
Hayaan na ang kasambahay ang maglinis.
Wawalisin at ibabalik sa basurahan.
Saan dapat itapon ang basurang nabubulok?
Sa ilog
Sa compost pit
Sa gilid ng kalsada
Bakit dapat makipagtulungan sa pamayanan sa tuwing may proyekto?
Dahil magkakapera tayo tuwing may proyekto.
Dahil makakapagnegosyo tayo tuwing may proyekto.
Dahil ito’y nakakatulong upang makaiwas tayo sa mga sakuna.
May proyekto ang barangay tungkol sa pagpaparami ng mga punongkahoy.
Ano ang nararapat mong gawin?
Hayaan silang magtanim
Magtanim sa sariling bakuran
Alagaan ang tanim ng iba
May nakita kang babala na “Huwag Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang gagawin
mo?
Tumulong sa pag-aalaga ng mga bulaklak.
Paglaruan ang mga bulaklak.
Pitasin ang mga bulaklak
Namamasyal ka sa isang parke nang maramdaman mong naiihi ka at
natapatan mong lugar ay may paalalang, “Bawal Umihi dito”. Ano ang
gagawin mo?
Itutuloy ang pag-ihi
Huwag pansinin ang nakasulat
Maghahanap ng palikuran at doon iihi
Ito ay ang mga basura na maaring magamit bilang fertilizer o pataba sa lupa.
Halimbawa: papel, balat ng prutas at gulay).
Di-nabubulok o non-biodegradable
Nabubulok o biodegradable
wala sa nabanggit
Pinatawag ang lahat para sa isang proyekto ng barangay na may kinalaman sa
kalusugan. Ano ang maaari mong gawin?
Dadalo at ibabahagi ang kaalaman tungkol sa pinag-usapan.
Hihikayatin na ang kapitbahay ang dumalo.
Manatili na lang sa bahay.
Nagmamadali kang tumawid ngunit hindi pa “green light”. Ano ang nararapat
mong gawin?
Babalik sa kinatatayuan at maghihintay na maging berde ang ilaw.
Maghahanap ng ibang matatawiran kahit bawal.
Sisigawan ang pulis.
Alin sa mga sumusunod ang dapat sundin?
Tumawid sa “Pedestrian Lane”
Maglaro sa kalsada
Tumawid kahit saan
Masyadong malayo pa ang “overpass” nakita mo na may tumatawid sa ibaba
kahit ito ay bawal. Ano ang nararapat mong gawin?
Maglakad na lang papunta sa overpass at doon tumawid.
Mag-antay ng maraming tao upang makatawid sa bawal na tawiran.
Sumabay sa taong tumatawid sa bawal na tawiran.
Anong dapat gawin kahit walang bantay ng traffic lights o trapiko?
Tumawid kahit saan
Tumakbo habang tumatawid
Sundin ang traffic lights
Gusto mong sumakay sa bus. Saan ka dapat pumunta?
Nakita mong may isang matanda na hindi makatawid sa daan. Ano ang
gagawin mo?
Hahayaan lang siyang makatawid.
Maghihintay na may tumulong sa matanda.
Tutulungan siyang makatawid sa tamang tawiran.
Nabalitaan mo na may darating na malakas na bagyo sa inyong lugar. Ano ang
maaari mong gawin?
Hayaan na lang ang balita.
Maghanda na lang kapag bumabagyo na.
Paghandaan ito, makinig sa anunsiyo at pumunta sa ligtas na lugar.
Ano-ano ang mga pangunahing bagay na dapat mong ihanda kapag may
darating na bagyo?
Mga kasangkapan
Mga damit, sapatos at bag
Mga pagkain, damit, flashlight at first aid kit
May balita sa radio at TV na may darating na napakalakas na bagyo. Mataas at
matibay ang bahay niyo. Ano ang gagawin mo?
Huwag pansinin ang balita
Uuwi sa probinsiya
Susunod sa payo ng mga namamahala sa kaligtasan ng mga tao.
May baha sa kalsada na di aabot sa tuhod. Walang masakyan. Nais mong
pumunta sa tindahan upang bumili ng pagkain. Ano ang gagwin mo?
Pumunta sa tindahan pero magsuot ng bota upang maiwasan ang Leptospirosis.
Maghintay na humupa ang baha, tiisin ang gutom.
Lumusong sa baha upang makabili ng pagkain.
