NEW
Font size
WorksheetsReviewer for 3rd Quarter Exam
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpapaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
A. Ideolohiya
B. Pampolitika
C. Nasyonalista
D. Panlipunan
Isa sa instrumento ng neokolonyalista ang pagkakaloob ng tulong pang-ekonomiya sa mga papaunlad na bansa.
A. Foreign Aid
B. International Monetary Fund
C. Debt Trap
D. Monetary Fund
Bakit nag-alsa ang mga sundalong Indian sa pamahalaang Ingles?
A. Naimpluwensyahan sila ni Gandhi na magsagawa ng ahimsa.
B. Tinutulan nila ang pagtatangi ng lahi o racial discrimination
C. Hinadlangan nila ang pag-uwi ng mga Hudyo sa Palestina.
D. Nais nilang matigil ang malupit na pamumuno ni Ayatollah Khomeini
4. Nais kong matutunan ang mga kontribusyon ng kulturang Asyano sa Timog at Kanlurang Asya, kung kaya’t ako ay maglalakbay sa mga bansa nila. Saang bansa kaya ako dapat magtungo?
A. Japan at Syria D. Pilipinas at China
B. Malaysia at Pakistan
C. India at Saudi Arabia
Prinsipyong pang-ekonomiya kung saan nakabatay sa dami ng pilak at ginto ng isang bansa ang yaman at kapangyarihan nito. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa konseptong ito?
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Kristiyanismo
D. Merkantilismo
Sino ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ng Buddhismo?
A. Confucius
B. Moses
C. Zoroaster
D. Siddhartha Gautama
Alin ang bansa na hindi kabilang sa Central Powers na nabuo sa Europa noong Unang DIgmaang Pandaigdig.
A. Austria-Hungary
B. Germany
C. Italy
D. Russia
Ang mga bansang Asyano na sinakop ay mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay direktang nanggaling sa imperyalismong bansa. Sa anong pamamaraan ng pananakop nabibilang ang mga sumusunod na sitwasyon?
A. Kolonyalismo
B. Mandate System
C. Protectorate
D. Sphere of Influence
Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ni Mahatma Gandhi sa kalayaang natamo ng India?
A. Isa siyang pinuno ng mga Hindu na nanguna sa pagpanig sa mga Briton.
B. Siya ay isang lider na espirituwal at pulitikal na nanguna sa pagtatamo ng kalayaan.
C. Isa siyang Briton na namuno sa mga Hindu at Muslim.
D. Siya ay nakipaglaban para sa kalayaan gamit ang espada
Sa Unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya nagkaroon na ng ugnayan ang mga Europeo at Asyano sa pamamagitan ng_______.
A. Pagbili ng kalakal
B. Pagkuha ng kalakal
C. Palitan ng kalakal
D. Pagsasama-sama ng Kalakal
Ang karapatan sa edukasyon ng mga kababaihan ay isang halimbawa ng;
A. Pagkakapantay-pantay
B. Pang-ekonomiya
C. Pampolitika
D. Pampaganda
Alin ang HINDI kabilang kahalagahan ng demokrasya sa pagtataguyod ng mga bansa
A. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga mamamayan na makilahok sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagboto
B. Ito rin ay nagbibigay ng proteksyon sa karapatan at kalayaan ng mga tao
C. Sa pamamagitan ng demokrasya, may pagkakataon ang mga mamamayan na magkaroon ng boses at impluwensya sa mga desisyon at polisiya sa buhay at lipunan
D. Nakatulong upang lubusan pamahalaan ng isang pamunuan na hindi pinipigilan ng batas, konstitusyon, o ibang panlipunan o pampolitikang dahilan sa loob ng estado
Bago magsimula ang palabas sa sinehan ay inaawit ang Lupang Hinirang, ano ang iyong nararapat na gawin?
A. Umupo at antayin ang palabas na iyong papanoorin habang tinutugtog ang Lupang Hinirang.
B. Tumayo at lumabas ng sinehan upang bumili ng pagkain na iyong kakainin habang nanonood.
C. Tumayo ng tuwid, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at umawit ng Lupang Hinirang.
D. Magtulug-tulugan upang hindi na kailangang tumayo pa at umawit ng pambansang awit.
Sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa ay naging pala asa ang umuunlad at mahihirap na bansa. Madalas na nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) upang magamit sa kanilang pangangailangan? Sa anong anyo ng neokolonyalismo ito nabibilang?
A. Ekonomiko
B. Kultural
C. Politikal
D. Relihiyon
Alin sa mga salik ng Nasyonalismo sa India ang naganap noong April 13, 1919 kung saan pinaputukan ng mga sundalong Ingles ang isang malaking grupo ng mga Indian na mapayapang nagtitipon upang tutulan ang mga patakarang Ingles sa India.
A. Amritsar Massacre
B. Sepoy Rebellion
C. Sutee o Sati
D. Racial Discrimination
Alin sa mga sumusunod ang layunin ng neokolonyalismo?
A. Tulungan na makaahon at umunlad ang mga bansang kabilang sa Thirld world.
B. Upang mapanatili ang kapangyarihan at katanyagan.
C. Pagnanais na maipagpatuloy ng makapangyarihang bansa ang kanilang layunin at interes sa mga dating kolonya.
D. May mapagkukunan ng likas na yaman.
Ito ay isang kulturang India na kung saan isasakripisyo ng biyudang babae ang sarili sa pamamagitan ng pagsama sa “funeral pyre” sa labi ng kanyang asawang namatay.
A. Female Infanticide
B. Racial discrimination
C. Satyagraha
D. Sutee o sati
Bakit mahalaga ang bansag na “Ama ng Pakistan” para kay Mohammad Ali Jinnah at sa kanyang mga kababayan?
A. Gumawa siya ng paraan para maihiwalay ang estado ng mga Muslim.
B. Itinaguyod niya ang Kasunduang Lausanne para sa Kalayaan ng mga Muslim.
C. Itinatag niya ang Kilusang Zionismo upang mapa uwi ang mga Hudyo sa Palestina.
D. Namuno siya sa All-Indian National Congress para matamo ang Kalayaan ng India.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap noong Agosto 1914? Alin sa mga sumusunod na pangyayaring ang nagpasiklab ng Unang Digmaang pandaigdig
A. Labanan sa kapangyarihan ng Germany at France
B. Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria
C. Pagkampi ng Germany sa Austria
D. Pagkampi ng England sa Russia
Alin sa sumusunod ang HINDI napapabilang sa pananampalatayang mga Muslim ayon sa Limang Haligi ng Islam
A. Ang pagbabasa at pagsunod sa mga turong nilalaman ng Bibliya
B. Magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa mga nangangailangan.
C. Magdasal ng limang beses mula sa madaling araw.
D. Maglingkod at sumunod kay Allah ng buong buhay.
Isinagawa ng Russia at Great Britain ang pag-atake sa Ottoman Empire sa pamamagitan ng bansang Iran. Ano ang idinulot ng pangyayaring ito?
A. Pagkasira ng mga pamayanan, pagkagutom, pagkamatay
B. Pagkilos ng mga mamamayan upang humingi ng kalayaan
C. Pakikiisa sa mga bansang nanakop
D. Pagkimkim ng galit sa Ottoman
Isang deklarasyong ipinalabas ng mga Ingles noong 1917 na nagsasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang kanilang maging tahanan.
A. Tehran Conference
B. Balfour Declaration
C. Treaty of Versailles
D. Azerbaijan Crisis
Ano ang pinakamasamang epekto ng kolonisasyon ng mga Ingles sa Timog Asya?
A. Panganib sa tradisyon at kultura ng mga mamamayan sa Timog Asya
B. Malawakang taggutom sa Timog Asya
C. Pang-aalipin at diskriminasyon ng mga mamamayan sa Timog Asya
D. Paninira sa likas na yaman ng Timog Asya
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig
A. Militarisasyon
B. Imperyalismo
C. Nasyonalismo
D. Pagpapalaganp ng Relihiyon
Ito ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command.
A. Imperyalismo
B. Kapitalismo
C. Kolonyalismo
D. Merkantilismo
Ang makapangyarihang bansa ay ginagawa na kontrolin ang pamamahala ng mga mahihinang bansa. Ito ay sa pamamagitan ng ginagawa nilang impluwensya tungkol sa mga kalagayang panloob at pagsasagawa ng mga batas. Sa ganitong sitwasyon, sa anong anyo ng neokolonyalismo ito nauuri?
A. Ekonomiko
B. Politikal
C. Kultural
D. Pangkabuhayan
Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na nagpakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan.
A. Merkantilismo
B. Nasyonalismo
C. Kolonyalismo
D. Merkantilismo.
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng mga kilusang pangkababaihan?
A. Nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan
B. Nakapagbibigay ng hanap-buhay sa lahat ng antas ng kababaihan
C. Nagsisilbing gabay sa mga gawaing pangkababaihan
D. Tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan
Hangad ng sosyalismo ang pagkamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon sa bansa. Anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang nagpatupad ng ideolohiyang ito?
A. Iraq at Iran
B. Iraq at Saudi Arabia
C. Saudi Arabia at Turkey
D. Turkey at Syria
Ayon sa paniniwala ng relihiyong Buddhismo makakamit lang ang Nirvana kung susundin ang walong daan na itinuro ni Buddha. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Ganap na katiwasayan at kalinisan ng kaluluwa
B. dito nakalagak ang labi ni Buddha
C. pook sambahan ng relihiyong Buddhismo
D. pinaka sagradong lugar sa relihiyon
Nagkaroon ng kolonisasyon ang mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng mga Europeo.
A. Gold
B. Glory
C. Gratify
D. God
Bakit itinatag ang mga kilusang Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen; ang Arya Mahila Samaj; Bharat Mahila Parishad at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam sa India? Ito ay upang ____________
A. mabigyan sila ng Karapatan na bumoto.
B. maging malaya sa mga mananakop
C. maisulong ang karapatan sa edukasyon.
D. magnomina ng mas maraming kababaihan sa eleksyon.
Kilala bilang “Mahatma” o “Dakilang Kaluluwa” na nanguna sa paghingi ng kalayaan ng India sa mga Ingles.
A. Mohamed Ali Jinah
B. Mustafa Kemal Ataturk
C. Mohandas Karamchad Gandhi
D. Ibn Saud
Ang Treary of Versailles ay kasunduan na naging hudyat sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigidig. Alin ang hindi kabilang sa naging epekto ng digmaang sa Timog at Kanlurang Asya
A. Pagbagsak ng Imperyong Ottoman
B. Pagkabuo ng kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
C. Pag-usbong ng mga Ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya
D. Paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Anong aral ng Islam ang nagsasaad na kailangan nilang mag ayuno sa loob ng 30 araw. Ang mga Muslim ay hindi kakain mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito
A. Hajj
B. Sawn
C. Salah
D. Zakat
Kung ikaw ay makikipagpalitan ng kalakal noong panahon ng pagtuklas at paggalugad, paano mo tutuntunin ang Hilagang Ruta na dinaanan ng mga mangangalakal na Asyano at Europeo?
A. Papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia
B. Nagsimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.
C. Maglalayag mula sa India, tatahakin ang Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea
D. Tatawirin ang Mediterranean Sea, Karagatang Indian patungong India
Ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Ano ito ayon sa Hinduismo?
A. Dharma
B. Analects
C. Karma
D. Darma
Ano ang magandang epekto ng samahang kababaihan sa Timog Asya?
A. Lumaki ang kanilang sahod ayon sa Indian Factory Act
B. Nabigyan ng puwang ang karapatan ng mga kababaihan sa lipunan
C. Nagtatag sila ng mga malayang estado
D. Sinuway nila ang kapangyarihan ng mga kalalakihan
Ito ay isang kulturang India na kung saan isasakripisyo ng biyudang babae ang sarili sa pamamagitan ng pagsama sa “funeral pyre” sa labi ng kanyang asawang namatay
A. Female Infanticide
B. Racial discrimination
C. Satyagraha
D. Sutee o sati
Ang mga sumusunod ay mga uri ng banal na aklat ng mga relihiyon maliban sa:
A. Zend Avesta
B. Bibliya
C. Ahriman
D. Qu’ran
Ang paghahanap ng mga lupain sa ibang mga kontinente ang layunin ng kolonyalismo at imperyalismo. Bakit mahalaga sa mga umuunlad na mga bansang kanluranin ang pagkakaroon ng mga bagong teritoryo sa kontinente ng Asya?
A. Upang mapalawak ang kanilang impluwensya at maging maunlad
B. Upang magkaroon ng mga bagong lugar bakasyunan
C. Upang magkaroon ng mga bagong produkto at alipin
D. Upang magkaroon ng maraming kakampi
Paano mo ilalarawan ang ideolohiyang demokrasya?
A. Walang uri ang mga tao sa lipunan. Lahat ay pantay-pantay
B. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
C. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa isang tao lamang
Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamagandang epekto ng kolonisasyon ng mga Ingles sa Timog Asya?
A. Nalinang ang mga lupain sa Timog Asya
B. Nagkaroon ng sistema ng edukasyon at mga paaralan sa Timog Asya
C. Dumami ang trabaho sa Timog Asya
D. Umunlad ang pamumuhay sa Timog Asya
May mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya, isa dito ay inilunsad ng simbahan at Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang may kaugnayan dito?
A. Krusada
B. Pagbagsak ng Constantinople
C. Paglalakbay ni Marco Polo
D. Renaissance
Ang mga bansa sa Timog Asya ay tinaguyod ang Ideolohiyang Demokrasya maliban sa:
A. India
B. Pakistan
C. Nepal
D. Sri Lanka
