wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 REVIEWER SA AP3

Total questions: 38

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng paraan ng pamumuhay ng mga tao.

a)

Sining

b)

Kultura

c)

Agham

d)

Tradisyon

2.

Ito ang kultura na di-nahahawakan.

a)

Teknolohiya

b)

Materyal na Kultura

c)

Sining at Agham

d)

Di-materyal na Kultura

3.

Ito ang kultura na nahahawakan.

a)

Teknolohiya

b)

Materyal na Kultura

c)

Sining at Agham

d)

Di-materyal na Kultura

4.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng materyal na kultura?

a)

kasuotan

b)

tradisyon

c)

edukasyon

d)

paniniwala

5.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-materyal na kultura?

a)

wika

b)

kasuotan

c)

pagkain

d)

mga lumang kagamitan

6.

Alin ang TAMA ang isinasaad tungkol sa kultura ng ating mga ninuno?

a)

Pare-pareho ang mga hanapbuhay ng ating mga ninuno.

b)

Yari sa pinatuyong putik ang kasuotan ng mga sinaunang tao.

c)

Palipat-lipat ng tirahan ang ating mga ninuno dahil sa paghahanap ng pagkain.

d)

Ang pagkatutong makapagluto ay di pagpapakita ng pagiging malikhain ng ating mga ninuno.

7.

Datu ang tawag nila sa kanilang pinuno.

Anong kulturang di-materyal ang ipinapahayag nito.

a)

Paniniwala at Relihiyon

b)

Edukasyon

c)

Pamahalaan

d)

Wika

8.

Si Maria ay isang katutubo na lumipat sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Kukunin ang gamit na kakaiba.

b)

Aawayin dahil iba ang kanyang itsura.

c)

Magpapakilala at pakikisamahan siya ng mabuti.

d)

Pagtatawanan ang kanyang itsura at pananamit.

9.

Alin sa mga sumusunod na di-materyal na kultura ang nagpapahayag ng pagsamba ng mga tao kay Bathala?

a)

Paniniwala at Relihiyon

b)

Edukasyon

c)

Pamahalaan

d)

Wika

10.

Ang kultura ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon ngunit dapat pa ding manatili ang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Ang pahayag na ito ay _________.

a)

tama

b)

mali

c)

di-tiyak

d)

di-totoo

11.

Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa Pambansang Punong Rehiyon na pamayanang urban?

a)

Pagmimina

b)

Pag-oopisina

c)

Pagsasaka

d)

Pagpapastol

12.

Bakit maluluwang at maninipis na damit ang suot ng mga taga-Maynila?

a)

Mainit sa lugar na ito.

b)

Mahaba ang tag-ulan.

c)

Madalas na bumagyo.

d)

Malamig ang klima sa lugar na ito.

13.

Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa CAMANAVA?

a)

Pagsasaka

b)

Pangingisda

c)

Pagmimina

d)

Pagtotroso

14.

Naaapektuhan ng klima ang paraan ng pamumuhay ng mga tao.

a)

tama

b)

mali

c)

di-tiyak

d)

di-totoo

15.

Ito ay masarap kainin tuwing tag-init.

a)

halo-halo

b)

sopas

c)

lugaw

d)

champorado

16.

Corporate attire o damit pang-opisina ang kasuotan kung ikaw ay

nagtatrabaho sa _____________ ng Makati.

a)

opisina

b)

mol

c)

tindahan

d)

restawran

17.

Dahil napapalibutan ang lungsod ito ng ilog, nakagagawa ang mga

taga_________ ng produkto gamit ang water lily.

a)

Pasig

b)

Marikina

c)

Mandaluyong

d)

San Juan

18.

Ano ang kalimitang ginagawa tuwing tag-ulan?

a)

Manatili sa bahay.

b)

Mamasyal sa mga parke at pasyalan.

c)

Gumawa ng mga tulay at kalsada.

d)

Wala sa nabanggit.

19.

Ano ang masarap kainin tuwing tag-ulan?

a)

halo-halo

b)

ice candy

c)

ice cream

d)

sopas

20.

Ano ang malimit nating gamitin tuwing tag-init?

a)

plantsa

b)

heater

c)

aircon

d)

gas stove

21.

Anong pagdiriwang ang nagaganap sa Valenzuela tuwing ika-7 ng Nobyembre bilang paggunita sa pagiging lungsod nito?

a)

Pamaypay Festival

b)

Putong Polo Festival

c)

Pangisdaan Festival

d)

Valenzuela Foundation Day

22.

Ito ay pagdiriwang ng pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan.

a)

Pamaypay Festival

b)

Putong Polo Festival

c)

Pangisdaan Festival

d)

Valenzuela Foundation Day

23.

Ang pagdiriwang na ito ay nagaganap sa Lungsod Pasay kung saan ipinapakita ang iba’t-ibang kultura hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi sa buong bansa sa pamamagitan ng mga patimpalak sa larangan ng pagpapaganda, pagsayaw at float parade.

a)

Aliwan Festival

b)

Lechon Festival

c)

Caracol Festival

d)

Pista ng Itim na Nazareno

24.

Ito ay idinaraos tuwing ika-9 ng Enero kung saan iniikot ang imahe ng Itim naNazareno sa mga kalsada sa Maynila. Ito ay tinatawag na Traslacion.

a)

Aliwan Festival

b)

Lechon Festival

c)

Caracol Festival

d)

Pista ng Itim na Nazareno

25.

Tuwing ika-30 ng Agosto, ito ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa kabayanihan at katapangan ng mga katipunero sa paglaban sa mga Espanyol.

a)

Pakalog Festival

b)

Lavandero Festival

c)

Pinaglabanan Day

d)

Ka-Angkan Festival

26.

Nagtitipon-tipon ang mga senior citizen ng Pateros tuwing bilog ang buwan kung saan nagkakaroon ng mga pagtatanghal ng mga minanang kultura tulad ng harana, balagtasan, pangdangguhan at iba pa. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ito?

a)

Sunduan

b)

Water Lily Festival

c)

Full Moon Festival

d)

Bulaklakan Festival

27.

Ito ay pagdiriwang kung saan mayroong pagsayaw sa mga kalsada (street dancing) na sinasalihan ng mga paaralan sa lungsod. Gumagamit sila ng mga kasuotang nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng bulaklak.

a)

Sunduan

b)

Water Lily Festival

c)

Full Moon Festival

d)

Bulaklakan Festival

28.

Ito ay pagdiriwanf bilang paggunita sa ipinagmamalaking produkto ng Marikina.

a)

Sapatos Festival

b)

Fluvial Parade

c)

Wattah-wattah Festival

d)

Bayanihan Festival

29.

Ito ang paggunita sa pista ni San Juan Bautista kung saan ang mga tao ay nagbabasaan ng tubig.

a)

Sapatos Festival

b)

Fluvial Parade

c)

Wattah-wattah Festival

d)

Bayanihan Festival

30.

Ito ay ipinagdiriwang sa La Loma, Quezon City kung saan maraming lechon.

a)

Aliwan Festival

b)

Lechon Festival

c)

Caracol Festival

d)

Pista ng Itim na Nazareno

31.

Kung ikaw ay isang katutubo, paano mo ipagmamalaki ang iyong lahi at likhang sining?

a)

Lisanin ko ang aking lugar na aking sinilangan.

b)

Makilahok ako sa mga iba’t-ibang gawain para matuto ako ng mga sayaw, tula at awitin.

c)

Pagbutihin ang pag-aral at mangibang bansa.

d)

Di ako makikialam sa lahat ng larangan. Hayaan kong ang mga magulang ko lang ang bahala.

32.

Ang mga Tagalog ay masayang namumuhay sa Kalakhang Maynila at iba pang karatig Rehiyon tulad ng CALABARZON at MIMAROPA? Alin sa mga nasa kahon ang mga natatanging kaugalian, paniniwala o kanilang tradisyon? (pumili ng 3)

a)

Nagmamano sa mga nakakatanda.

b)

Nanghaharana sa mga babaeng nililigawan.

c)

Tumutulong sa mga nangangailangan.

d)

Dumedepende lamang sa kanyang mga magulang at kapatid.

33.

Nagkasala ka sa iyong magulang dahil tumakas ka papunta sa praktis para sa inyong sayaw. Ano ang dapat mong sabihin sa kanya?

a)

Uulitin ko.

b)

Bahala kayo sa sarili niyo.

c)

Patawad po.

d)

May ginawa naman ako e.

34.

Ito ang ginagamit na katawagan ng mga Tagalog bilang tanda ng paggalang lalo kapag di nila ito kilala.

a)

Tay at Nay

b)

Lolo at Lola

c)

Ate at Kuya

d)

Mama at Ale

35.

Nasa palengke ka sa Libertad upang bumili ng prutas. Gusto mong magtanong sa nagtitinda kung magkano ngunit di mo siya kilala. Ano ang itatawag mo sa kanya?

a)

Ate

b)

Ditse

c)

Manay

d)

Nanay

36.

Ano ang ginagamit sa paghingi ng pahintulot?

a)

hindi

b)

oo

c)

opo

d)

Pwede po ba?

37.

Nabangga mo ng di sinasdya ang isang Ale. Ano ang sasabihin mo bilang paghingi ng paumanhin?

a)

Pasensiya na po.

b)

Patabi ng di mabangga.

c)

Kasalanan mo kasi.

d)

Ayusin niyo mga sarili niyo.

38.

Ikaw ay nakatanggap ng regalo mula sa iyong tiyahin di mo inaasahan. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Nag-abala ka pa.

b)

Mabuti naman at nakaalala ka.

c)

Maraming salamat po.

d)

Ang pangit naman ng bigay mo.