Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative test-Pagbasa at Pagsusuri

Total questions: 25

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Napakaganda ng Grand Palace sa Bangkok, Thailand! Tabi-tabi ang mga bulwagan na may makukulay na bubong. Nagkalat din ang mga imaheng tubog sa ginto. Napakaganda rin ng disenyo ng mismong mga palasyo ng hari at ng kanyang mga anak na prinsipe’t prinsesa na makikita sa kalayuan. Ito ang sagot ng Asya sa kulturang dugong-bughaw ng Europa.

Ano ang paksa ng teksto?

a)

ang disenyo ng Grand Palace

b)

ang hambingan ng monarkiya ng Europa at ng Asya

c)

ang saya ng paglalakbay sa grand palace

d)

ang turismo ng Bangkok, Thailand

2.

Napakaganda ng Grand Palace sa Bangkok, Thailand! Tabi-tabi ang mga bulwagan na may makukulay na bubong. Nagkalat din ang mga imaheng tubog sa ginto. Napakaganda rin ng disenyo ng mismong mga palasyo ng hari at ng kanyang mga anak na prinsipe’t prinsesa na makikita sa kalayuan. Ito ang sagot ng Asya sa kulturang dugong-bughaw ng Europa.

Ano ang pangunahing atraksyon sa Grand Palace sa Bangkok, Thailand?

a)

Ang disenyo ng Grand Palace

b)

Ang hambingan ng monarkiya ng Europa at ng Asya

c)

Ang saya ng paglalakbay sa Grand Palace

d)

Ang turismo ng Bangkok, Thailand

3.

Napakaganda ng Grand Palace sa Bangkok, Thailand! Tabi-tabi ang mga bulwagan na may makukulay na bubong. Nagkalat din ang mga imaheng tubog sa ginto. Napakaganda rin ng disenyo ng mismong mga palasyo ng hari at ng kanyang mga anak na prinsipe’t prinsesa na makikita sa kalayuan. Ito ang sagot ng Asya sa kulturang dugong-bughaw ng Europa.

Ano ang kahalagahan ng Grand Palace sa kasaysayan ng Thailand?

a)

Nagpapakita ito ng kultura at kasaysayan ng bansa

b)

Nagbibigay ito ng libreng pasyalan sa mga turista

c)

Naglalaman ito ng mga sikat na artista sa Thailand

d)

Nag-aalok ito ng murang accommodation sa mga bisita

4.

Napakaganda ng Grand Palace sa Bangkok, Thailand! Tabi-tabi ang mga bulwagan na may makukulay na bubong. Nagkalat din ang mga imaheng tubog sa ginto. Napakaganda rin ng disenyo ng mismong mga palasyo ng hari at ng kanyang mga anak na prinsipe’t prinsesa na makikita sa kalayuan. Ito ang sagot ng Asya sa kulturang dugong-bughaw ng Europa.

Ano ang kaugnayan ng Grand Palace sa kulturang Asyano?

a)

Ito ang sagot ng Asya sa kulturang dugong-bughaw ng Europa

b)

Ito ang nagsisilbing simbolo ng modernisasyon sa Asya

c)

Ito ang tahanan ng mga sikat na mang-aawit sa Asya

d)

Ito ang sentro ng teknolohiya sa Asya

5.

Hindi dahil pumunta ka sa  guidance counselor ay may problema ka na. Ang isang taong may malusog na pag-iisip ay kumikilala sa kanyang mga kahinaan. Malay siya sa kung ano ang mali o kulang sa kanya at gumagawa siya ng paraan upang matugunan ito. Nakikipag-usap siya sa isang propesyonal na alam niyang makatutulong. Lumalabas siya sa tanggapan nito na mas masaya at magaan ang pakiramdam. Hindi naman laging problema ang kailangang pag-usapan, maaari rin namang nakatutuwang mga pangyayari, gaya ng mataas na mga marka, pagkapanalo sa isang kompetisyon, o isang bagong interes o hilig na sinusubukan na lalo pang paghusayin. Maaaring kumuha ng mga pagsusulit na mas makapagpapakilala ng personalidad. Maaaring ilatag ang mga palano tungkol sa binabalak na karera o propesyon at humngi ng mga  tips kung paano maaabot iyon. Ang pagbisita sa guidance counselor ay parang pagbisita sa isang kaibigan.

 Ano ang paksa ng teksto?

a)

Halaga ng komunikasyon

b)

Kalusugan ng pag-iisip

c)

Pagbisita sa guidance counselor

d)

Paglutas sa mga problema

6.

Hindi dahil pumunta ka sa  guidance counselor ay may problema ka na. Ang isang taong may malusog na pag-iisip ay kumikilala sa kanyang mga kahinaan. Malay siya sa kung ano ang mali o kulang sa kanya at gumagawa siya ng paraan upang matugunan ito. Nakikipag-usap siya sa isang propesyonal na alam niyang makatutulong. Lumalabas siya sa tanggapan nito na mas masaya at magaan ang pakiramdam. Hindi naman laging problema ang kailangang pag-usapan, maaari rin namang nakatutuwang mga pangyayari, gaya ng mataas na mga marka, pagkapanalo sa isang kompetisyon, o isang bagong interes o hilig na sinusubukan na lalo pang paghusayin. Maaaring kumuha ng mga pagsusulit na mas makapagpapakilala ng personalidad. Maaaring ilatag ang mga palano tungkol sa binabalak na karera o propesyon at humngi ng mga  tips kung paano maaabot iyon. Ang pagbisita sa guidance counselor ay parang pagbisita sa isang kaibigan.

Batay sa teksto, alin sa mga sumusunod na paksa ang hindi karaniwang dahilan ng pakikipag-usap sa isang  guidance counselor?

a)

mga plano tungkol sa karera o propesyon

b)

mga reklamo sa pamunuan ng eskwelahan

c)

mga tagumpay na naaabot

d)

personal na problema

7.

Hindi dahil pumunta ka sa  guidance counselor ay may problema ka na. Ang isang taong may malusog na pag-iisip ay kumikilala sa kanyang mga kahinaan. Malay siya sa kung ano ang mali o kulang sa kanya at gumagawa siya ng paraan upang matugunan ito. Nakikipag-usap siya sa isang propesyonal na alam niyang makatutulong. Lumalabas siya sa tanggapan nito na mas masaya at magaan ang pakiramdam. Hindi naman laging problema ang kailangang pag-usapan, maaari rin namang nakatutuwang mga pangyayari, gaya ng mataas na mga marka, pagkapanalo sa isang kompetisyon, o isang bagong interes o hilig na sinusubukan na lalo pang paghusayin. Maaaring kumuha ng mga pagsusulit na mas makapagpapakilala ng personalidad. Maaaring ilatag ang mga palano tungkol sa binabalak na karera o propesyon at humngi ng mga  tips kung paano maaabot iyon. Ang pagbisita sa guidance counselor ay parang pagbisita sa isang kaibigan.

Ano ang pangunahing layunin ng pagbisita sa guidance counselor?

a)

Magreklamo tungkol sa mga guro

b)

Magbahagi ng mga tagumpay sa eskwela

c)

Kumilala ng mga kahinaan at maghanap ng paraan para tugunan ito

d)

Makipagkaibigan sa guidance counselor

8.

Hindi dahil pumunta ka sa  guidance counselor ay may problema ka na. Ang isang taong may malusog na pag-iisip ay kumikilala sa kanyang mga kahinaan. Malay siya sa kung ano ang mali o kulang sa kanya at gumagawa siya ng paraan upang matugunan ito. Nakikipag-usap siya sa isang propesyonal na alam niyang makatutulong. Lumalabas siya sa tanggapan nito na mas masaya at magaan ang pakiramdam. Hindi naman laging problema ang kailangang pag-usapan, maaari rin namang nakatutuwang mga pangyayari, gaya ng mataas na mga marka, pagkapanalo sa isang kompetisyon, o isang bagong interes o hilig na sinusubukan na lalo pang paghusayin. Maaaring kumuha ng mga pagsusulit na mas makapagpapakilala ng personalidad. Maaaring ilatag ang mga palano tungkol sa binabalak na karera o propesyon at humngi ng mga  tips kung paano maaabot iyon. Ang pagbisita sa guidance counselor ay parang pagbisita sa isang kaibigan.

Ano ang kahalagahan ng pagtuklas sa sariling personalidad sa guidance counseling?

a)

Para makipag-away sa mga kaklase

b)

Para makahanap ng bagong kaibigan

c)

Para matulungan ang guidance counselor sa trabaho nila

d)

Para makilala ang sarili at magkaroon ng oportunidad sa pag-unlad

9.

Ano ang maaaring maging resulta ng pagbisita sa guidance counselor kung walang problema?

a)

Magkaroon ng mas maraming kaibigan

b)

Makakuha ng tips para sa pag-aaral

c)

Makaranas ng mas maginhawang pakiramdam at magkaroon ng masaya at magaan na pag-uusap

d)

Makakuha ng libreng snacks

10.

Mayaman ang Pilipinas sa mga puno at halaman na mapagkukunan ng pagkain  na sumusuporta sa buhay. Ilan sa mga tanim na marami sa Pilipinas ang palay, mais, kamote, patatas, at iba pang bungang-ugat na nagbibigay-lakas sa tao dahil sa taglay ng mga ito na  carbohydrates. Ang mga gulay naman na gaya ng kalabasa, sitaw, talong, okra, upo, malunggay, carrots, at iba pa, gayundin ang mga prutas tulad ng mangga, saging, pinya, papaya, atis, lansones,  mangosteen, at iba pa ay pawang mayaman sa mga bitamina at mineral na nagpapanatili ng mabuting kalusugan. Lalo namang nagpapasarap ng pagkain ang mga pampalasa tuald ng bawang, sibuyas, luya, sili, yanglad at iba pa. maaari namang pamatid-uhaw ang buko, pakwan, melon, at iba pang prutas na sagana sa tubig. Mayaman din ang Pilipinas sa binhi ng kape, cacao na ginagawang tsokolate, at tabako na ginagawa namang sigarilyo.

Ano ang pakinabang na makukuha sa buko, pakwan, at melon ayon sa teksto?

a)

Maaaring maging pamatid-uhaw

b)

Mayaman sa carbohydrates

c)

Nagagamit na pampalasa

d)

Nagbibigay-lakas sa tao

11.

Mayaman ang Pilipinas sa mga puno at halaman na mapagkukunan ng pagkain  na sumusuporta sa buhay. Ilan sa mga tanim na marami sa Pilipinas ang palay, mais, kamote, patatas, at iba pang bungang-ugat na nagbibigay-lakas sa tao dahil sa taglay ng mga ito na  carbohydrates. Ang mga gulay naman na gaya ng kalabasa, sitaw, talong, okra, upo, malunggay, carrots, at iba pa, gayundin ang mga prutas tulad ng mangga, saging, pinya, papaya, atis, lansones,  mangosteen, at iba pa ay pawang mayaman sa mga bitamina at mineral na nagpapanatili ng mabuting kalusugan. Lalo namang nagpapasarap ng pagkain ang mga pampalasa tuald ng bawang, sibuyas, luya, sili, yanglad at iba pa. maaari namang pamatid-uhaw ang buko, pakwan, melon, at iba pang prutas na sagana sa tubig. Mayaman din ang Pilipinas sa binhi ng kape, cacao na ginagawang tsokolate, at tabako na ginagawa namang sigarilyo.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga suportang detalye na nabanggit sa teksto?

a)

Dapat ugaliin ang pagtatanim ng gulay kahit sa likod-bahay upang may makain.

b)

May mga gulay na maaaring gawing pampalasa at lalong magpapasarap sa pagkain

c)

May mga tanim ang Pilipinas na masabaw  kaya maaaring inumin

d)

May mga tanim sa Pilipinas na mayaman sa  carbohydrates

12.

Tukuyin kung anong Propaganda devices ang isinasaad ng mga sumusunod.

“Sa Jollibee beefy linamnam, saucy linamnam (Ipinakita na masarap at madaling kainin subalit hindi isinasaad na maaaring magkasakit ang tao kapag nasobrahan sa pagkain nito.)

a)

Name calling

b)

Transfer

c)

Card-stacking

d)

Plain Folks

13.

Isang sikat na paraan sa advertising na gumagamit ng mga celebrity figure upang mag-endorso ng mga produkto at serbisyo.

a)

Transfer

b)

Testimonial

c)

Plain Folks

d)

Bandwagon

14.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Transfer bilang isa sa mga propaganda devices?

a)

Ang pekeng sabon, bagitong kandidato.

b)

Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

c)

Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

d)

  Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

15.

Ano ang pangunahing layunin ng tekstong persuweysib?

a)

Magbigay ng impormasyon tungkol sa isang partikular na isyu

b)

Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa

c)

Magbigay ng personal na opinyon at paniniwala ng may-akda

d)

Magbigay ng mga halimbawa ng mga iskrip para sa patalastas

16.

Madaling mahikayat dito ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

a)

Logos

b)

  Pathos 

c)

Ethos  

d)

Anapora

17.

Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.

a)

Naratib

b)

Argyumentatib

c)

Persweysib

d)

Deskriptib

18.

Layunin nitong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon.

a)

Impormatib

b)

Deskriptib

c)

Persweysib

d)

Prosidyural

19.

Ang mga sumusunod ay katangian at nilalaman ng isang mahusay na tekstong argumentatib maliban sa isa

a)

Mahalaga at napapanahong paksa.

b)

Matibay na ebidensiya para sa argumento.

c)

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.

d)

Mahaba at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

20.

Isinulat ito upang makapaghatid ng kaalaman sa mga mambabasa.

a)

Deskriptib

b)

Impormatib

c)

Prosidyural

d)

Persweysib

21.

Naglalayon itong hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang pananaw, tanggapin, o sang-ayunan ang inilalahad na panig.

a)

Argyumentatib

b)

Persweysib

c)

Impormatib

d)

Deskriptib

22.

Ito ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.

Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.

a)

Layunin

b)

Damdamin

c)

Pananaw

d)

Opinyon

23.

Mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng emprikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

c)

Abstrak

d)

Layunin

24.

Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen.

a)

Bago magbasa

b)

Habang nagbabasa

c)

Pagkatapos magbasa

d)

Pagkuha sa kahulugan

25.

Ito ang bahagi ng kasanayan sa pagbasa kung saan nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon – sabay sabay na pagpapagana sa iba’t ibang kasanayan ng isang mambabasa upang lubusang maunawaan ang teksto.

a)

Bago magbasa

b)

Habang nagbabasa

c)

Pagkatapos magbasa

d)

Pagkuha sa kahulugan