NEW
Font size
WorksheetsPagtataya - Mabuting Pagpapasiya
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
Niyaya kang humithit ng sigarilyo ng iyong naninigarilyong kaklase o kaibigan. Ano ang pinakamainam mong gawin?
Hindi muna magdesisyon at pag-isipan pa ang mga pagpipilian
Makihithit ng sigarilyo niya para hindi ka asarin na “kill joy” or “KJ”
Tanggihan at ipaliwanag ang dahilan ng iyong pagtanggi sa kanyang paanyaya
Sapakin agad ang iyong kaibigan o kaklase sapagkat alam mong ito’y hindi tama
Si Juan ay may pagsusulit bukas at inimbitahan siyang mag-overnight swimming. Bakit kailangang tanggihan ni Juan ang imbitasyon ng kanyang mga kaibigan?
Dahil siya ay mapupuyat at kukulangin sa tulog
Dahil ito ay isang imoral na bagay bilang isang estudyante
Dahil ito ay lubos na ikalulugmok ni Juan sa kanyang buhay
Dahil ito ay maaring makapagdulot ng negatibong resulta para sa kanyang pagsusulit kinabukasan
Matalino at gwapong binata si Yñigo. Paano siya dapat tumugon sa mga kung sino-sinong sumusumubok makipag chat at manghingi ng “nude” photos niya?
Ibigay ang litrato pero yung naka smile lang
Ibigay ang mga ito ngunit sabihin sa ka-chat na ito’y sikreto lamang
Replayan at murahin ang mga nagbibigay ng mga bastos na mensahe sa chat
Huwag pansinin ang mga ito o i-block ang mga message request na ’di kaaya-aya
May nag-alok sa iyo na kaibigan ng iyong kaklase ng ipinagbabawal na gamot na nakalagay sa maliit na pakete, bakit ito’y dapat na iwasan?
Dahil isa lamang itong walang kuwentang gamit
Dahil ang nasabing bagay ay iligal at labag sa batas
Sapagkat ang nagtitinda ay walang permit sa munisipyo
Ito ay naglalarawan ng isang mabuting bagay ngunit walang kabuluhan para sa pansariling kapakanan
Si Sofia ay may gaganaping extracurricular activity kasabay ng kanyang pagsusulit bukas sa paaralan. Ano ang kanyang dapat gawin?
Umabsent kinabukasan para lumiban sa lahat ng gawain
Maglaan ng mas maraming oras sa pag-aaral upang mapabuti ang kanyang mga marka sa pagsusulit
Sumali sa extracurricular activity upang magkaroon ng ibang aktibidad at makilala ang ibang estudyante
Kausapin ang guro na hindi ka makakapagtest sapagkat mas uunahin mong gampanan ang extracurricular activity
