NEW
Font size
WorksheetsQ3 Mastery Test in Filipino 10 (Part 1)
Total questions: 25
Worksheet time: 1hrs 15mins
Ang tawag sa pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono____________.
millenial
matrilinear
patrilinear
generation z
Kilala bilang dakilang guro sa pagpapatawa sa bansang Persia.
Liongo
Sundiata
Nelson Mandela
Mullah Nassreddin
Piliin ang pinakamalapit na salin.
His father was a silent, hardworking farmer.
Isang matiyagang magsasaka ang kanyang ama.
Ang kanyang ama ay isang tahimik at matiyagang magsasaka.
Magsasaka ang kanyang ama subalit isa itong masipag.
Isang magsasaka niyang ama'y tahimik at matiyaga.
Piliin ang pinakamalapit na salin.
After he was unhitched the carabao from the flow, he led it to its shed and fed it.
Inalisan niya ang tali ng kalabaw at pinakain ito pagkatapos.
Matapos niyang alisan ng pang-araro ang kalabaw, inililim niya ito at pinakain.
Sa lilim niya pinakain ang kalabaw na inihaon mula sa bukid.
Hinango niya sa bukid ang kalabaw, ibinalik sa kural at pinakain ito.
Ang anekdotang ‘Mullah Nasrreddin ay isang tekstong ___________.
naglalahad
naglalarawan
nagsasalaysay
nangangatwiran
Paano mo sinusuri ang akdang pampanitikan bilang isang salin?
maayos ang pagkakasalin
malaya at madaling mauunawaan
nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
ang lahat nang wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Filipino at ng ibang bansa
Ito ay paglilipat sa pinagsalinang wika sa pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.
panlapi
pagsasaling-wika
gramatika
pagpapakahulugan
Sa pagsasalin, anong mga hakbang ang dapat isaalang-alang?
rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal
muling isalin
magdagdag at magbawas ng salita
ihambing sa iba ang ginawang salin
Alin sa apat na elemento ng tula ang maituturing na pinakapuso ng tula?
kariktan
sukat
talinghaga
tugma
Katangian ng isang pormal na sanaysay_____________________________.
nagsisilbing aliwan/libangan
pakikipagkaibigan ang tono
maingat na pinipili ang mga salita
subhetibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
Sino ang tumalo sa makapangyarihang si Soumaoro?
sarili niyang anak
Noumonkeba
Liongo
Sundiata
Ano naman ang sandata na pweding pumatay kay Soumaoro?
patalim
karayom
tari ng tandang
itak
Bata pa lang si Sundiata ay naging mahusay nang mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kanyang ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak sa pang-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani, sampu ng kadugo ay nakahanap ng kanlungan sa kaharian ng Mema.
Batay sa pangyayari, sino ang binalak ngunit nabigong patayin?
Dankaran
Manding Bory
Sassouma
Sundiata
Ano ang inyong nararamdaman sa ginawa ng reyna sa angkan ni Sundiata?
kaligayahan
pagkagulat
pagkalungkot
pangamba
Saan namayani ang pamilya ni Sundiata matapos silang itaboy sa Niani?
Dayala
Niger
Mema
Sosso
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak sa pagkatao ng kanyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kanyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kanyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ariariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit sa lahat, pagkilala mula sa mga katribo
Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kanyang mga desisyon sa buhay?
mapaghiganti
may iisang salita
may sama ng loob
malakas ang loob at may determinasyon
Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
mahina ang kanyang ama
gusto niyang maghiganti sa kanyang ama
dahil walang kuwenta ang kanyang ama
gusto niya ang karangalan, pangalan at katanyagan
Batay sa mga pahayag sa itaas, umangat ang buhay ni Okonkwo dahil sa sarili niyang pagsisikap, anong teorya ang nangingibabaw dito?
simbolismo
humanismo
naturalismo
eksistensyalismo
Ang espirituwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo-sundo. At sa tuwing nakikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging Pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Batay sa Talumpati ni Nelson Mandela
Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati at nangangahulugang____________________.
pagtanggi at paglaban sa batas
hindi pagkakapantay-pantay sa pagtingin sa magkakaibang lahi
pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
Ito ang epekto sa pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo
pangtanggi sa rasismo
pagkalugmok ng sarili
espirituwal at pisikal na kaisahan
paghihiwalay ng mga tao sa mundo
Ano ang maaaring dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
di pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
pagkakaroon ng matalinong pinuno
pagkakaroon ng maraming empleyado
ANALOHIYA - Ugnayan ng mga salita
pagkain:gutom::_______________:uhaw
pagkain
inom
kain
tubig
Alin ang pares na magkasalungat?
malayo-matapa
maganda-kaaya-aya
maingay -tahimik
masipag-mabait
Aling pares ng salita ang HINDI magkaugnay?
matapat - malungkot
lungkot - lumbay
masaya - maligaya
selebrasyon - pagdiriwang
Aling pahayag ang tuwiran?
Ang kakulangan sa pagkain ng mga kabataan ay isa ring sanhi ng pagbaba ng kanilang grado.
Batay sa survey, mas marami sa mga babae ang nagpapatuloy sa pag-aaral kaysa mga lalaki.
Maging maunlad ang bayan kung tayo ay magtutulungan
Ang bawat isa ay hindi dapat magbubulag-bulagan sa tawag ng pangangailangan.
