wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 3RD QUARTER QUIZ

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Maraming pagbabagong naganap sa kultura nating mga Pilipino mula sa impluwensya ng mga

      Espanyol. Bilang isang batang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga magagandang

      kultura na ating minana?

a)

Ipagmalaki, linangin at mahalin ang mga kulturang namana sa mga Espanyol.

b)

Huwag pagtuunan ng pansin ang mga ito.

c)

Ibasura ang mga kulturang natutunan mula sa mga Espanyol.

2.

Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino noon at sa kasalukuyan ang pagbabago sa kultura na hatid ng mga Espanyol?

a)

Naging mahirap ang mga Pilipino sa pagbabago ng Kultura.

b)

Naging mayaman at napalawig ang kultura ng mga Pilipino.

c)

Naging sagabal sa mga Pilipino ang mga pagbabagong nararanasan.

3.

Isa si Juan Luna sa mga Pilipinong nagpakita ng husay at galling sa larangan ng sining.  Ano ang kanyang        nagawa bukod sa pagiging isang bayani ng bansa?                   

a)

 Siya ang kilalang pintor na nagpinta ng Spolarium.    

b)

Naging patnugot at manunulat siya ng La Solidaridad

c)

Siya ang sumulat sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo

4.

Ang Doctrina Christiana ay ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas na nalimbag noong panahon  ng

            Espanyol. Ano ang nilalaman ng aklat na ito?

a)

Mga batas na ipapatupad sa mga Pilipino.

b)

Mga dasal na ipinapabasa sa mga Pilipino.

c)

Mga katungkulan ng mga pinunong Espanyol                                                  

5.

Napatanyag ang kaugaliang harana o isang uri ng kundiman pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas.         Paano nila isinasagawa ito?

a)

Pagkakaroon ng isang programa sa entablado para sa dalaga.

b)

Pagsulat ng isang o mga awitin para sa mga dalagang nililigawan.

c)

Pag-aalay ng awitin sa harap ng tahanan ng dalagang nililigawan.

6.

Ang pagsusuot ng mantilla, panuelo at peineta ay ilang pagbabago sa kasuotan ng mga kababaihan.             Paano nila isinusuot ang panuelo?

a)

Inilalagay nila ito sa kanilang braso.

b)

Ipinapatong nila ito sa kanilang balikat.

c)

Ginagamit nilang panali ng kanilang buhok.

7.

Alin sa mga pagbabagong kultural noong panahon ng Espanyol ang nananatili pa rin sa kasalukuyan ?

a)

Lahat ng tirahan ay yari sa bato. 

b)

Karaniwang nagsusuot ng kimono ang kababaihan.

c)

Nagluluto ng menudo, afritada, at mechado ang mga Pilipino.

8.

Ano ang nagtulak sa mga Espanyol upang baguhin ang estilo ng arkitektura sa Pilipinas?

a)

Dahil masyado maliit ang tahanang para sa mga        mamamayang Filipino.

b)

Dahil ginawa itong imbakan ng bigas at iba pang       kagamitan sa pagsasaka.

c)

Dahil sa mga salik tulad ng mainit na klima, malimit na paglindol at pagbagyo at likas na               matatagpuan sa bansa

9.

Ito ang unang aklat pangrelihiyon na nilimbag sa Pilipinas noong 1593.

a)

Doctrina Cristiana

b)

Koran

c)

Bibliya

10.

Anong uri ng tirahan na malaki at matibay na ipinakilala ng mga Espanyol na kalimitang may una at        pangalawang  palapag?

a)

Bahay na bato                                      

b)

Bahay kubo                                            

c)

Bahay na bakal

11.

Gumawa ng sariling disenyo ng simbahan ang mga Pilipino. Anong katangian ang  ipinakilala nito?

a)

masipag

b)

malikhain

c)

matapat       

12.

 Ito ay ang buhay at paghihirap ni Kristo na binabasa o inaawit?

a)

tula

b)

parada

c)

pasyon                 

13.

Ipinamalas ng mga bayaning Pilipino ang pagmamahal nila sa bayan sa pamamagitan ng             pakikipaglaban sa  mga dayuhan. Ano ang naging epekto nito sa ating mga Pilipino?                          

a)

Nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban para sa kalayaan ng bansa.                        

b)

Ikinintal nila sa ating puso at isipan na ang bansang Pilipinas ay para lamang sa mga Pilipino.

c)

Ipinagmalaki nila na ang mga Pilipino ay hindi kayang talunin ng sinumang dayuhang  mananakop.

14.

Noong panahon ng pananakop, laganap ang pagmamalabis ng pamahalaan na nagdulot ng

            labis na kahirapan sa ating bayan. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga Pilipino noon?

a)

Humirang sila ng isang pinakamatapang na pinuno para sa pakikipaglaban.

b)

Nakipagkaibigan sila sa mga mananakop upang itigil nila ang pagmamalabis sa kanila.

c)

Nakipag-ugnayan sila sa ibang bansa upang tulungan silang mapaalis ang mga             mananakop

15.

Maraming katutubong Pilipino ang nagpakita ng lakas upang makawala sa gapos ng pananakop sa iba’t           ibang paraan. Ano ang naging iisang layunin ng kanilang pakikipaglaban sa mga mananakop?          

a)

Ang maging malaya ang bansa.

b)

Ang makalaya sa kahirapan ng buhay.

c)

Ang makipagkaibigan sa mga dayuhan.

16.

Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Mahalaga ang     bahaging ginampanan niya sa kasaysayan ng Pilipinas. Alin dito ang ipinamalas niya?

a)

Ang katapangan ng isang pinuno ay ang siyang mahalaga sa pakikipaglaban.

b)

Ang kakapusan ng mataas na edukasyon ay hindi hadlang sa pag-usbong ng damdaming     makabayan.

c)

Ang pakikipagsanduguan ay tanda ng pakikiayon sa anumang layunin ng mga mananakop.

17.

Kung sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena ay gumamit ng pluma at papel sa        pakikipaglaban sa mga mananakop, ano naman ang ginawa nina Juan Luna at Felix R. Hidalgo?

a)

Gumamit sila ng mga baril at sandata sa pakikipaglaban sa Espanyol.

b)

Humikayat sila ng iba pang mga dayuhan upan labanan ang mga Espanyol.                       

c)

Gumawa sila ng ilang taktika sa pakikipaglaban at itinuro sa mga katutubo.

18.

Bakit mahalaga sa mga Muslim sa Mindanao na mapanatili ang kalayaan, lalo na sa  aspeto ng

            relihiyong Islam?

a)

Dahil ito ay pamana sa kanila ng kanilang ninuno.

b)

Dahil hindi nila naiintindihan ang salita ng mga Espanyol.

c)

Dahil ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kundi isa ring paraan  ng pamumuhay.

19.

Bakit nagsagawa ng mga pag-aalsang politikal ang mga datu at babaylan.

a)

Upang maipakita ang pagtutol sa sapilitang paggawa o Polo Y Servicio.

b)

Upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan

c)

Upang ipaglaban na sila na ang maniningil ng buwis sa kanilang nasasakupan.    

 

20.

Iba’t iba ang mga naging layunin ng pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino. Alin sa mga  pag-aalsang          isinagawa ang may panrelihiyong layunin?

a)

Pag-aalsa ni Diego Silang

b)

Pag-aalsa no Hermano Pule         

c)

Pag-aalsa ni Magat Salamat