NEW
Font size
WorksheetsQ3 Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.
pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.
Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito. Piliin ang pinakaangkop na pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan.
Pag-iwas
Pananahimik
Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan. Piliin ang pinakaangkop na pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan.
Pag-iwas
Pananahimik
Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan? Piliin ang pinakaangkop na uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay nagpaalam sa kanyang lola, hindi ito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Ngunit tumakas ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay:
kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba
kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan
kawalan ng pagpapahalaga sa sarili
kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas
Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan
pagsunod sa batas ng may awtoridad
pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party
pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito
Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
mangmang ang taong walang alam sa batas
makukulong ang taong walang alam sa batas
payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa
hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan ukol rito
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at pagmamahal sa magulang?
Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
Hindi humihingi ng kapatawaran sa Ina si Jean tuwing nagkakamali.
Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
hindi pagtalima sa mga nais ng kaibigan
paghingi ng payo sa mga magulang sa pagpapasya
pakikipag-usap ng pabalang
umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang
