wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER TEST PARA SA IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT

Total questions: 36

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ang tatlong rutang gamit ng mga mangangalakal ay isinara nang bumagsak ito sa kamay ng mga Turkong Ottoman noong 1453 na naging daan upang kontrolin at imonopolyo ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa. Ano ang implikasyon nito sa panahon ng paggalugad at patuklas ng mga Kanluranin sa Asya?

a)

Naghanap ng ibang rutang daanan sa pamamagitan ng paglalayag

b)

Pakikidigma at pagdanak ng dugo upang mabawi ang Constantinople

c)

Pakikipagkasundo at paghiling ng kapayapaan sa mga Turkong muslim

d)

Pagbabayad ng kaukulang halaga upang makadaan sa rutang hinarangan ng muslim

2.

Sa Demokrasya, ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao, samantalang ang Republika naman ay sa mga pinili ng mamamayan upang maging kinatawan nila. Paano nagkapareho ang pamahalaang demokrasya at republika?

a)

Nagsimula itong umusbong sa Europa

b)

Pinuno ng pamahalaan ay pinipili ng nakararami 

c)

Ang disenyo ng pamahalaan ay hango sa sulatin ni Homer

d)

Pamahalaan ay parehong may impluwensya ng kultura ng bansa

3.

Maraming lugar sa Timog at Kanlurang Asya ang nasakop ng mga Europeo. Anong bansa sa Timog Asya ang sinakop ng Portugal, England, France, at Netherlands?

a)

A. India

b)

B. Iraq

c)

C. Lebanon

d)

D. Lebanon

4.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo Brahmin, Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang Caste?

a)

A. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura

b)

B. Paghihiwalay ng mga tao sa India batay sa kasarian

c)

C. Pagpapangkat batay sa katayuan at antas ng pamumuhay

d)

D. Inuuri ang mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin

5.

Ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig?

a)

Pagbawi ng banal na lupain ng Jerusalem

b)

Pagkamatay ni Arcduke Francis Ferdinand

c)

Pagbuo ng alyansang mga kanluraning bansa

d)

Pag-uunahan sa pagsasakatuparan ng interes ng mga Europeo

6.

Isang mapayapang paraan ng pagpapakita ng Nasyonalismo na ginawa ni Mohandas Gandhi na kung saan, direktang hindi pagsunod sa pamahalaan at pagprotesta laban sa mga Ingles sa India. Ano ang tinutukoy nito?

a)

A. Ahimsa

b)

B. Civil disobedience

c)

C. Satyagraha

d)

D. Civic duty

7.

Maraming manlalayag ang naglakbay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Asya. Ano ang kahalagahan ang naidulot ng paglalakbay ni Vasco Da Gama sa panahon ng paggalugad at pagtuklas ng mga bansang kanluranin?

a)

A. Natuklasan na ang mundo ay bilog

b)

B. Lumawak ang lupaing sakop ng mga Portuges

c)

C. Natagpuan ang malawak na kagubatan ng Africa

d)

D. Nakahanap ng bagong ruta patungo sa India at mga islang Indies

8.

Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng mga Kanluranin sa pagsakop ng Timog-Kanlurang Asya?

a)

A. Nakita nila ang malapad nitong kalupaan

b)

B. Nakita nilang mayaman ito sa katubigan

c)

C. Wala na silang alam na rehiyon sa Asya na mayaman kaysa sa Timog-Kanluran

d)

D. Natuklasan ng mga Kanluranin ang yamang taglay (petrolyo at langis) ng Timog-Kanluran

9.

May ebidensiya na natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300 hanggang 1500 BCE. Pinapatunayan nito na ang mga Asyano ay may angking talento sa larangan ng pampalakasan, sa natagpuang tabletang luwad. Anong uri ng paglalaro ang nakita dito?

a)

A. Buno (wrestling at boksing)

b)

B. Mahusay mangabayo

c)

C. Takbuhan at pangingisda

d)

D. Paglalangoy bilang bahagi ng pakikidigma

10.

Ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na may maraming kuwento ukol sa mga alamat, engkantada, at pabula?

a)

Gitanjali

b)

Mahabharata

c)

Panchantantra

d)

Shakuntala

11.

Nagkaroon ng iba’t ibang tunggalian ng ideolohiya sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapatunay sa kaganapang ito?

a)

Pagsiklab ng Vietnam war

b)

Pagsailalim ng Taiwan sa China

c)

Paghihiwalay ng North Korea at South Korea

d)

Paglunsad ng Cold war sa pagitan ng US at Russia

12.

Naganap ito noong Abril 13, 1919 kung saan 379 katao ang namatay at 1200 ang sugatan ng pagbabarilin ng mga sundalong Ingles ang mga Indian na nasa isang pagtitipong na lubos na tinututulan ng pamahalaan ng mga Ingles.

a)

A. Amritsar Massacre

b)

B. Punjabi Massacre

c)

C. Rebelyong Boxer

d)

D. Rebelyong Sepoy

13.

Ang kasunduang Versailles ay naging mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa:

a)

pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente

b)

paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera

c)

pag-angkin ng Russia sa Constantinople upang magkaroon ng magandang daungan

d)

paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga bansang magkaka-alyado.

14.

Ang damdaming makabayan ay maipapakita sa pamamagitan ng matinding pagmamahal sa Inang-bayan. Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang dapat gawin bilang isang Nasyonalista?

a)

A. Maging agresibo

b)

B. Maghanda sa panganib

c)

C. Pagpigil sa paglaganap ng mga produkto

d)

D. Pagsunod sa mga batas at pagiging disiplinado

15.

Alin sa sumusunod na pahayag ang kabutihang dulot ng pagpapatigil ng child marriage o maagang pag-aasawang ipinagkasundo sa mga kababaihan?

a)

Mababawasan ang kanilang populasyon

b)

Hindi sila magsisilbing pabigat sa kanilang magulang

c)

Mabibigyan ng sapat na panahon ang mga Kabataang kababaihan na makapag-aral pa

d)

Maaari silang maligtas mula sa panganib na maaring idulot ng maagang pagbubuntis sa kanilang kalusugan

16.

Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga naiwang kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya, alin sa sumusunod ang HINDI mabuting paraan upang ito ay maipapakita at maisasagawa?

a)

A. Pagtukoy at paglalarawan sa mga ito

b)

B. Pagsasagawa ng mga laro at gawain na ibinahagi nila sa kasaysayan

c)

C. Pagbibigay galang, respeto at pag-unawa sa kanilang mga paniniwala at tradisyon

d)

D. Pagpapakilala at pagmamalaki sa ibang lahi bilang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan at kasaysayan

17.

Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa panganganak, pag-aasawa, at kamatayan. Ano ang mas binibigyang-diin ng mga Asyano sa larangan ng pagsasayaw?

a)

A. Galaw ng ulo at katawan ng tao

b)

B. Kilos ng paa at katawan ng tao

c)

C. Hindayog ng kamay at katawan ng tao

d)

D. Kembot ng beywang at katawan

18.

Ano ang paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang?

a)

A. Karma

b)

B. Polytheism

c)

C. Reinkarnasyon

d)

D. Veda

19.

Alin ang pangyayari sa Timog Asya ang nagpapakita ng Aggressive Nationalism o mapusok na nasyonalismo?

a)

A. Ahimsa

b)

B. Rebelyong Sepoy

c)

C. Salt March

d)

D. Satyagraha

20.

Ang mga sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa bansang India MALIBAN sa:

a)

Maternity Leave

b)

Pantay na sahod

c)

Mga pasilidad ng pahingahan ng lalaki

d)

Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki

21.

Paano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?I.  

I. Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day

  II.  Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon

  III. Paglusob ng Hapon sa Manchuria

  IV. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland

a)

II, IV, III, I

b)

IV, III, I, II

c)

III, IV, II, I

d)

I, II, IV, III

22.

Ang Defensive Nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo ay ang pagnanais na ipaglaban ang kanilang bansa laban sa mga mananakop na ipinapakita sa mapayapang paraan upang makamit ang kalayaan. Alin sa sumusunod na pahayag ukol sa ating mga bayani ang nagpakita ng ganitong uri ng nasyonalismo?

a)

A. Ang paglaban ni Lapu Lapu sa hanay ni Magellan sa Mactan

b)

B. Rebolusyong isinagawa ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio

c)

C. Pagiging punong tagapayo at hukom ni Apolinario Mabini sa panahon ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

d)

D. Mga sulatin ni Dr. Jose Rizal tulad Noli Me Tangere at El Filibusterismo at mga naisulat na artikulo sa La Solidaridad at La Liga Filipina

23.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng wastong impormasyon tungkol bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya MALIBAN sa isa?

a)

Nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan, at pagsulong ng bayan ang Nasyonalismo.

b)

Nagkaisa ang mga Asyano na wakasan ang pananakop ng mga Ingles sa gitna ng pagkakaiba.

c)

Ang nasyonalismo ang pangunahing dahilan ng mga pandaigdigang himagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan.

d)

Positibo ang naging epekto ng pananakop ng kanluranin sa mga Asyano sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang Asyano.

24.

Anong dahilan ang nagbigay-daan upang makapaglakbay ang Kanluranin patungo sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

A. Krusada

b)

B. Pagbagsak ng Constantinople

c)

C. Paglalakbay ni Marco Polo

d)

D. Renaissance

25.

Ang konsepto ng kolonyalisasyon ay tumutukoy sa pananakop sa isang teritoryo upang ipasailalim ito sa kapangyarihan ng dayuhang bansa. Ano ang HINDI naging layunin ng pananakop ng mga bansang Kanluranin sa Asya?

a)

A. Pakikipagkaibigan at pakikipag-alyansa

b)

B. Pagpapalakas ng kapangyarihan at pagpapalawak ng lupain

c)

C. Pakikipagkalakalan at pagpagpapalaganap ng panibagong paniniwala at pilosopiya

d)

D. Paghahanap ng ruta patungo sa Asya upang marating ang mga lupain ng pampalasa

26.

Hanggang sa kasalukuyan, limitado pa din ang karapatan ng kababaihan sa ilang bansang Arab. Ano ang nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi marinig ang kanilang mga hinaing?

a)

Naging balakid ang patuloy na digmaan na nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine

b)

Dahil sa mga pisikal na kakayahan sa isang babae na naglilimita sa kanyang mga kayang gawin

c)

Karamihan sa mga kababaihan doon ay tanggap na ang kanilang katayuan at ayaw nang makilahok sa mga Samahan

d)

Nagsilbing balakid rito ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala dahil mas angat sa lipunan ang mga kalalakihan

27.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tugon ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa neokolonyalismo?

a)

A. Pagtanggap ng tulong pinansiyal mula sa Estados Unidos ng ibang bansa

b)

B. Pakikipagkasundo na pananatilihin ang base-militar ng Estados Unidos sa Dharan

c)

C. Pagpayag sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo ng magkabilang panig

d)

D. Pagsasawalang bahala ng mga bansa sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa pamamalakad ng mga Kanluranin

28.

Alin sa mga epekto ng Neokolonyalismo ang nagpapakita na mas pinahahalagahan ng tao ang mga dayuhang musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa kaysa kanilang mga sariling gawa?

a)

A. Inferiority complex

b)

B. Neokolonyalismo-Ekonomiko

c)

C. Neokolonyalismo-Kultural

d)

D. Superiority Complex

29.

Naisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na naging simula ng pananakop ng mga teritoryo. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naging epekto ng pananakop ng mga kanluranin?

a)

A. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi

b)

B. Pagtangkilik ng mga Asyano sa produktong Kanluranin

c)

C. Naipakilala ang mga sistema ng transportasyon at komunikasyon

d)

D. Natutuhan ng lahat ng Asyanong mapamahalaan ang kanilang sarili

30.

Anong katotohanan ang pipiliin upang maipakita ang Neokolonyalismo isinagawa ng mga Kanluranin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

A. Ipinakikita ng mga dayuhan ang kanilang mga musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa na mas pinahahalagahan ng tao kaysa kanilang mga sariling gawa.

b)

B. Nagagawang tumulong ng Kanluraning bansa sa mga dating kolonya na nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.

c)

C. Ipinakikita ito sa pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad ng isang bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa mga patakaran na pabor sa kaniya.

d)

D. Sa pamamagitan ng pautos na paraan, nagagawa ng makapangyarihan na kontrolin ang pamamahala sa bansang mahihirap tulad ng eleksyon.

31.

Ang kilusang inilunsad ng simbahan at ng mga kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lupain ng Jerusalem mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.

a)

A. Barbarong Mongol

b)

B. Krusada

c)

C. Taliban

d)

D. Uruk

32.

Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ayusin ito batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bansang Sri Lanka.

I. Pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang isyu tungkol sa kanila

II. Sumalakay ang militanteng gerilya na nakilala sa tawag na LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)

III. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang Kodigo Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan

IV. Isa sa mahahalagang samahang pangkababaihan na naitatag ay ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya at ikinulong na mga sundalo

a)

I, II, III, IV

b)

IV, III, II, I

c)

II, IV, I, III

d)

I, III, IV, II

33.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na ginampanan ng mga naitatag na samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.

a)

Nabigyan ng higit na karapatang pampulitika ang mga kababaihan at pagkakataong pamahalaan ang bansa

b)

Naging matapang ang mga kababaihan at higit na naging edukado nang mabigyan ng karapatang makapag-aral

c)

Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang makamit ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa lipunan

d)

Dahil na rin sa pagkakatatag ng samahan ay nakuha ng kababaihan ang simpatya ng nakararami at ito ang naging daan sa pag-angat ng kanilang ekonomiya

34.

Maraming tao ang nakinig at sumunod kay Hesus. Gayunpaman, may mga Jew na hindi nagustuhan ang kanyang mga turo at gawain. Ipinahuli, ipinako, at namatay si Hesus sa krus. Anong paniniwalang Kristiyanismo ang pinaniniwalaan ng mga tagasunod nito?

a)

A. Si Hesus ay umakyat sa langit bilang isang espiritu at hindi na muling babalik sa sangkatauhan

b)

B. Darating ang panahon na si Hesus ay muling magbabalik upang husgahan ang lahat- buhay man o pumanaw na, upang malaman kung siya ay pupunta sa langit o sa impiyerno

c)

C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng isang ibon at huhusgahan ang mga makasalanan

d)

D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan ay mabibiyayaan ng magandang buhay at karangyaan sa lupa.

35.

Sa panahon ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo, naging makapangyarihan ang mga Kanluranin sa aspetong pampolitika, pangkabuhayan, at kultural, ngunit sa kabila nito ay hindi nagkaroon ng interes ang mga Europeo na sakupin ang Kanlurang Asya dahil sa mga Turkong Muslim. Ano ang naging implikasyon nito sa kapangyarihan ng kanluranin

a)

A. Nais nilang makaiwas mula sa gulo na dala ng hukbong muslim

b)

B. Mahina ang naging depensa ng Europeo para sila ay kalabanin

c)

C. Takot ang mga Europeo sa mga Turkong muslim dahil sa kanilang karahasan

d)

D. Hindi kayang sagupain at sabayan ng Europeo ang mga labanan na maaaring mangyari

36.

Ipagpalagay na magkakaroon na eleksiyon para sa pinakapangulo ng buong Timog at Kanlurang Asya. Ikaw ay isa sa mga kandidato. Para sa iyong pangangampanya, sumulat ka nang isang plataporma tungkol sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy tungo sa hinaharap ng rehiyong iyong kinakatawan. Alin sa mga sumusunod ang mabubuong plataporma na higit na makakatulong sa pagpapahalaga ng mga naiwang kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan?

a)

A. Ligtas at pangalagaan ang mga gawang likha ng ating mga ninuno

b)

B. Bigyan ng sapat na pondo upang magtayo ng museo para sa mga artifacts

c)

C. Bigyan ng award ang taong makakatuklas ng bagong pamana ng sinaunang panahon

d)

D. Isagawa, ipakilala, ipagmalaki at pangalagaan ang naiwang pamana ng sinaunang lipunan