Font size
Worksheetsesp 4
Total questions: 51
Worksheet time: 31mins
Ano ang gagawin mo kung inaanyayahan ka ng iyong mga pinsan na maglaro ng isa sa paboritong laruin ng mga katutubong bata doon, ang Siato, na hindi mo pamilyar kung paano ito laruin?
A. Sasabihan ko ang nakababata kong kapatid na manood siyang
mag-isa.
B. Sisigawan ko ang nakababata kong kapatid.
C. Sabay naming panonoorin ang mga katutubong bata doon ng siato upang matutunan namin ito
D. Isususmbong ko sa nanay ang nakababatang kong kapatid
dahil inaabala niya ako sa aking panonood.
Nakita mo ang iyong guro at mga kamag-aral na nagtutulungan sa paglilinis ng inyong silid aralan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kukunin ang cellphone sa bag at kukuhanan sila ng larawan.
B. Magtatago sa likod ng pinto para hindi ka nila makita.
C. Kukunin ang bag at lalabas na ng inyong silid aralan.
D. Tutulungan sila sa paglilinis ng inyong silid aralan.
Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro ng syato, subalit hindi ka pamilyar sa larong ito. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin ang aking mga kaibigan.
B. Iiwasan ko na lamang ang mga kaibigan ko.
C. Magpapaturo ako sa kanila kung paano laruin ang syato.
D. Hindi ako makikipaglaro dahil hindi ko alam ang larong iyon.
Narinig mo na masayang nag-aawitan ang mga kaklase mo ng katutubong awitin. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan ko sila
B. Hindi ko na sila papansinin
C. Isusumbong ko sila sa aming guro.
D. Pakikinggan ko nang may kawilihan ang kanilang inaawit
Habang wala ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay nagyaya ang mga kaklase mo na maglaro kayo ng bugtungan. Subalit wala kang alam na bugtong. Ano ang gagawin mo?
Habang nanonood ka sa youtube ay pinakiusapan ka ng nakababata mong kapatid na mga kuwentong bayan, alamat epiko naman ang inyong panoorin. Ano ang gagawin mo?
Sa iyong palagay ano ang dapat gawin ng bawat mamamayan upang mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran?
A. ugaliin ang paglilinis ng sariling tapat lamang.
B. isagawa at ugaliin ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok
C. sunugin na lamang ang mga basurang nabubulok.
D. itapon na ang mga kagamitan na hindi na ginagamit.
Ang pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran lalo na ang wastong paraan ng pagtatapon ng mga basura ay pangangalaga rin sa ating kalusugan.
A. Oo C. Hindi Sigurado
B. Hindi D. Walang pakialam
Isang umaga inutusan ka ng tatay mo na ayusin ang mga sako ng boteng plastic na nakatambak sa likuran ng inyong bahay, dahil pinamamahayan na ito ng mga langaw at lamok. Ano ang dapat mong gawin?
A. Dadalin sa junk shop at ipagbibili.
B. Lilinisan at gagawing plastik na paso.
C. Susunugin na lamang ang mga ito.
D. Itatapon sa bakanteng lote na malayo sa inyong lugar.
Inutusan ka ng nanay mo na magtapon ng basura at nakita mong nagkahalo-halo ang mga nabubulok sa di-nabubulok na basura. Natutuhan mo sa klase ang wastong pagtatapon ng basura. Ano ang maari mong gawin?
Hahayaan ko na lamang na magkakahalo ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.
Paghihiwa-hiwalayin ko ang mga nabubulok at di nabubulok na basura at pipiliin ko ang mga basura na maari pang gamitin.
Ipatatapon ko ito sa akin kapatid dahil abala lamang kung paghihiwa-hiwalayin ko pa ang mga ito.
Itatambak ko na lamang ang mga ito sa isang bakanteng lote.
Sa isang Mini Park sa Tagalag. Nakita mo na may mga puno na lumalaki pa lang at mga halaman. Ano ang gagawin mo sa mga halaman at puno na nakikita mo?
Kukuha ako ng patpat o maliit na kahoy at papaluin ko ang mga dahon at sanga ng mga puno at halaman.
Pipitasin ko ang mga dahon at bulaklak. At pipirapirasuhin ko at ihahagis na parang confetti sa kalsada.
Pagmamasdan ko lamang ang ganda ng mga halaman at mga puno na nasa parke.
Tatawagin ko ang aking mga kabarkada at puputulin naming ang mga sanga at dahon ng puno at halaman.
Nagtitinda ng banana que ang mga magulang ni Josie kaya marami silang naiipong balat ng saging. Ano ang dapat nilang gawin sa mga balat ng saging.
A. Ihagis sa daan
B. Ilagay sa sako at itapon sa isang bakanteng lote.
C. Gawin itong compost nang maging pataba sa mga halaman.
D. Ipamigay sa mga pulubi.
Isa sa mga aralin na natutunan mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay ang pagbubukod-bukod ng mga basura. Ngunit ninyo ito isinasagawa sa inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pangunahan ang pagsasagawa ng pagbubukod-bukod ng basura.
B. Iutos sa mga nakababatang kapatid ang pagbubukod-bukod ng basura.
C. Hayaan mo na lamang, dahil hindi naman malalaman ng guro mo na hindi ninyo isinasagawa ang pagbubukod-bukod ng basura.
D. Pagalitan ang mga magulang sa hindi pagbubukod-bukod ng basura.
Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na solusyon sa problema sa basura?
A. itapon ang mga bagay na sa palagay mo'y hindi mo kailangan
B. paghalu-haluin ang mga basura
C. ugaliin ang pagrerecycle ng mga gamit na maaari pang gamitin
D. ipagbili online ang mga gamit na hindi na maaaring gamitin
Bilang isang Boyscout o Girlscout. Kasama rin sa iyong pangako ang pangangalaga ng kalikasan. Naglalakad ka nang makita mo sa pasilyo sa paaralan ang isang papel na nakakalat. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko pupulutin ang kalat. Hindi naman akin yung kalat na yon eh.
Sisipain ko palayo sa akin para hindi ko na makita ang kalat.
Pupulutin ko ito at itatapon kaagad sa tamang basurahan.
Hindi ko papansinin dahil wala namang nakakakita sa akin kung pupulutin ko ito.
Bakit sa compost pit ng kanilang paaralan nina Michelle at Jenniline itinapon ang mga tuyong dahon?
A. Dahil ang mga dahon ay nabubulok at ito ay magiging pataba ng mga halaman.
B. Dahil ang compost pit ay ginastusan ng paaralan, kailangan na ito ay pakinabangan
C. Dahil wala na silang ibang mapagtatapunan ng mga tuyong dahon.
D. Upang pagkatapos ng klase ay makuha nila ang mag itinapon nilang mga dahon at iuwi sa kanilang bahay.
Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng inyong barangay?
A. nagtatapon ng basura kahit saan
B. hinahayaang marumi ang aming bakuran
C. nagre recycle ng mga bagay na maaari pang pakinabangan
D. pinababayaang magkalat ng dumiang mga alagang aso
Anong batas sa kalikasan ang nangangalaga sa Malinis na Hangin?
RA 8749. Philippine Clean Air Act of 1999.
Republic Act 9275 Ito ay ang Philippine Clean Water Act of 2004.
RA 9003 (Ecological Waste Management Act of 2000)
Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code
nang magkaroon ng pagpupulong ang mga kabataan sa aming barangay ay itinuro sa amin ang tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok. Ngunit hindi ito isinasagawa sa aming bahay. Ano ang dapat kong gawin?
Hayaan ko na lamang dahil hindi naman malalaman ng mga taga barangay na hindi ito ginagawa sa bahay.
Sabihan ang mga kasama sa bahay na isusumbong mo sila sa aming barangay dahil nila sinususnod ang tamang paraan ng paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
Pagagalitan ang lahat ng mga kasama sa bahay na hindi sumusunod sa sa tamang paraan ng paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
Ituturo sa lahat ng mga kasama sa bahay ang tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok at imumungkahi na simulan na ito.
Ano ang dahilan kung bakit mahalaga na pahalagahan ang kultura ng iba't ibang pangkat etniko sa ating bansa?
Dahil sa mga pangkat etniko, sila ang nangangalaga at nagpapanatili ng kultura at tradisyon na sumisimbolo sa atin bilang isang Pilipino. Na nagpapaalala at nagpapatunay na makulay at mayaman ang kulturang Pilipino
Upang may maikuwento sa mga mag-aaral
Upang maging kakaiba sa buong daigidig.
Upang may maipost sa facebook.
Ano-anong kulay ang nakita niya sa kalangitan habang iniintay ang pagsikat ng araw?
Kulay kahel at dalandan, may bughaw at nahahaluan pa ng rosas na kulay, na may kasama pang lila.
madidilim na mga kulay
mapupusyaw na mga kulay
walang kulay
Ano ang gagawin mo kung sinabihan ka ng iyong guro na gumawa ng isang maiksing video na ikaw ay sumasayaw ng isang katutubong sayaw?
Ayokong magsayaw ng mga katutubong sayaw. Mas mainam ang mga sayawin ngayon.
Bilang pagmamahal ko sa aking bansa. Gagawin ko ng buong giliw ang Pandanggo sa Ilaw. Upang matuto rin ako ng mga katutubong sayaw.
Kunwari wala akong narinig sa aking guro. Kaya hindi ako magpapasa.
Magdadahilan ako sa aking guro na wala akong cellphone kaya hindi ako makakagawa ng video.
Sa inyong palagay, ano ang mangyayari sa ating kapaligiran kung ang mga basurang hindi nabubulok ay itatapon lamang natin kung saan-saan?
A. Maiipon ang mga ito sa mga kanal at maaring magdulot ng pagbara at magiging sanhi ng pagbaha.
B. Kukunin ito ng mga magbabasura at ipagbibili sa junkshop
C. Magiging palamuti sila sa mga ilog at kanal.
D. Mananatili pa rin itong malinis, dahil kukuha ng maraming tagapaglinis ang aming Punong Barangay.
Ang nanay mo ay isang mananahi, marami siyang tira na mga pira pirasong tela. Ano ang gagawin mo sa mga pira -pirasong tela. Bakit?
A. Ipamimigay sa mga kapitbahay para mabawasan ang kalat sa bahay namin.
B. Pagsasama-samahin at gagawin basahan, o kaya at 'potholder', upang mapakinabangang muli.
C. Itapon sa bakanteng lote, dahil ito ay mga basura na at wala ng gamit.
D. Itatago na lamang.
Ano ang dapat mong gawin sa mga basyo ng lata ng gatas
A. itapon sa basurahan.
B. ibaon sa lupa
C. linisin, butasan at taniman ng halaman
D. ilagay sa sako at ilabas sa araw ng pagkuha ng basura sa inyong lugar.
Bakit sa basurahan naman ng mga hindi nabubulok nila itinapon ang papel at mga plastic bottles?
A. Upang magamit nilang muli, tulad ng paggawa ng mga proyekto sa EPP o maipagbili.
B. Upang iuuwi sa kanilang bahay
C. Upang madaling hakutin kapag dumating na ang trak ng basura.
D. Upang madaling makita ng mga humahakot ng basura
Sino ang nagpapakita ng tamang seseggregasyon o pagtatapon ng mga basurang nabubulok at di - nabubulok sa tamang lagayan
Pinagbubukod-bukod ni Divine ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok at inilagay ang mga ito sa tamang tapunan.
Pinagsasama-sama lamang ni Grace sa isang sako ng basura ang mga hasang ng isda at mga plastic na pinaglagyan ng mga isda na nilinis ng kanyang ina.
Basta na lamang inihagis ni Reina ang basag na bumbilya sa basurahan.
Sama-samang inilagay ni Lydia sa isang basurahan ang mga tuyong dahon at mga boteng plastic na nakuha nila sa hardin ng kanilang paaralan.
Makakatulong ka sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran Kapag magtatapon ka ng basura,
A. pagbubukod-bukurin mo ang mga basurang nabubulok (biodegradable) at Di nabubulok (non-biodegradable) at hahayaang na lamang ito sa isang bakanteng lote.
B. pagsama-samahin mo ang mga basura sa isang supot at hahayaang n lamang ito sa isang bakanteng lote.
C. sunugin ang mga basura
D. hindi papansinin ang mga basura
Isa sa patakaran sa paaralan ay ang pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. Maaga kang pumasok sa paaralan at naupo ka muna sa upuan na malapit sa hardin. Nagutom ka at kinain ang biskwit na baon mo. Naubos mo ang biskwit. Itatapon mo na ang plastic ng biskwit. Alam mo na ikaw lang naman mag isa doon sa hardin. Ano ang gagawin mo?
Palihim ko na ihuhulog sa likod ko ang plastic. Para kunwari ay hindi ako ang nagtapon non.
Maari ko naman na ihagis sa malayo ang plastic. Wala naman makakakita.
Kahit na walang nakakakita. Itatapon ko pa rin sa tamang basurahan ang plastik.
Ilalagay ko na lamang ito sa bag ng aking kaklase.
Ano ang masamang epekto ng maruming hangin sa kapaligiran?
Wala itong masamang epekto
Ito ay makakasama sa kalusugan ng mga tao at sa lahat ng may buhay. Magdudulot din ito ng malaking pinsala sa ating kalikasan.
Magkukulayluntian ang buong kapaligiran
Tanging ang mga alaga lamang nating mga hayop at halaman ang maapektuhan ng maruming hangin.
Paano mo mapapahalagahan ang mga kuwento na iyong narinig mula sa iyong lola?
Hahayaan ko lang na magkuwento ang aking lola.
Ako ay maglalaro habang nag kukwento ang aking lola.
Makikinig ako ng mabuti upang malaman ko kung ano ang aral ng kuwento at maaari ko rin maikwento sa aking mga kaibigan
Magkukunwari ako na natutulog na habang nagkukwento ang aking lola.
Isa sa mga proyekto ng inyong barangay na ibinigay sa bawat pamilya ay ang pagrerecycle o paggamit muli ng mga patapong bagay. Sa iyong palagay makikiisa ba ang inyong pamilya sa proyektong ito?
A. Hindi, sapagkat abala kami sa aming mga gawain.
B. Makikisa lamang ang aming pamilya kung alam namin na mababayaran kami sa gagawin naming proyekto.
C. Mas nanaisin pa namin na bumili na lamang ng mga bagong produkto kaysa magrecycle ng mga gamit na nagamit na namin.
D. Opo, makikiisa ang aming pamilya sa proyektong ito ng aming barangay at alam ko na matutuwa ang aming pamilya dahil makakagawa kami ng isang proyekto mula sa patapong bagay.
Ano ang iyong gagawin kung inalok ka na tikman ang ipinagmamalaki nilang prutas, ang Durian, habang kayo ay naglalakad sa Night Market sa Davao?
Hindi ko ito titikman dahil mabaho ang amoy nito.
Papayag akong tikman ito dahil bahagi ng pagpasyal namin sa lugar na iyon ang tuklasin ang ipinagmamalaki nilang kultura.
Sasabihin sa tinder na ayaw mo itong tikman dahil sabi ng iba hindi daw ito masarap.
Titikman ko ito para hindi na ako magtanong kung ano ang lasa nito.
Ano ang iyong gagawin kung naririnig mo ang mga katutubong bata na nagkukwentuhan tungkol sa mga aswang na gumagala daw doon tuwing gabi?
Hindi ako maniniwala kaagad dahil karamihan sa mga kwentong bayan ay kathang isip lang.
Maniniwala ako dahil totoo talaga ang aswang sa bayan na iyon.
Maniniwala ako dahil wala naman masama kung maniwala agad.
Maniniwala ako dahil marami ang bata na narinig niyang nagkukwentuhan tungkol dito.
Abalang-abala ka sa paggawa ng inyong proyekto dahil kailangan na maipasa mo na ito ngayon araw, nang dumating ang mga lolo at lola mo galing sa probinsiya. Ano ang dapat mong gawin mo?
Iiwan muna sandali ang ginagawang proyekto at magmamano sa mga lolo at lola.
Magpapatuloy lang sa ginagawa.
Magtatago sa loob ng kwarto para hindi mapansin ng mga lolo at lola.
Pagsasabihan ang mga kasama sa bahay na hindi ka maaaring abalahin sa ginagawa.
Ano ang iyong gagawin kung pinagtawanan ng ilan sa iyong mga kamag-aral ang iyong bagong lipat na kamag-aral dahil sa kakaibang bigkas nito ng salita?
Hindi ako tatawa dahil ang kaniyang pananalita ay bahagi lamang ng kulturang kaniyang pinagmulan.
Tatawanan ko ang pananalita niya dahil kakaiba ang bigkas niya dito.
Sasabihin sa kamag-aral na hindi maganda ang pagkakabigkas niya ng salita.
Hindi ko kakausapin ang aking kamag-aral dahil hindi ito maayos kausap.
Napansin mo na hindi gumagamit ng 'po at opo' ang mga pinsan mo na pansamantalang nagbabakasyon sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
Sasabihin sa nanay na pabalikin na sa probinsya ang mga pinsan mo.
Ipapaliwanag sa kanila na kailangan na matutunan nila ang paggamit ng 'po at opo'.
Hahayaan na lamang sila, dahil hindi naman sila magtatagal sa bahay ninyo.
Sasabihan sila na kung hindi sila marunong gumamit ng 'po at opo' ay huwag na lamang makipag-usap kahit kanino.
Namasyal kayo ng iyong pamilya sa isang beach sa Zambales. Masaya kang tumatakbo at naglalaro sa buhanginan. At habang umaalon ang tubig sa buhangin nakaramdam ka ng gutom. Pumunta ka sa cottage at kumuha ng hotdog na nakatusok sa isang BBQ stick. Naubos mo na ang hotdog. Anong gagawin mo sa BBQ stick?
Papaanurin ko sa alon yung BBQ stick.
Ihahagis ko na malayo ang BBQ stick sa dagat.
Babalik ako sa cottage at hahanapin ko ang basurahan na malapit doon.
Itutusok ko na lamang sa buhanginan ang BBQ stick.
Ano ang gagawin mo kung inaanyayahan ka ng iyong pinsan na maglaro ng syato, isang laro na hindi mo pa alam?
Nais kong matuto ng iba pang laro. Kaya magpapaturo ako sa aking pinsan.
Tatanggihan ko siya kasi naglalaro pa ako sa tablet ko
Hindi ko siya papansinin kasi hindi naman uso ang laro na iyon.
Magkukulong na lang ako sa aking silid upang hindi na niya ako ayaing maglaro.
Dahil parehong nasa trabaho ang inyong mga magulang at kayo namang magkakapatid ay sa paaralan na kumakain ng tanghalian, kaya sa hapunan na lamang kayo nagkakasabaysabay sa pagkain. Isang gabi inaya ka ng kaibigan mo na sa bahay na lamang nila kayo maghapunan. Ano ang gagawin mo?
Sasama sa kaibigan para doon na kumain ng hapunan.
Ipaliliwanag sa kaibigan na sa hapunan na lamang kayo nagkakasama-sama at nagkakasabay sa pagkain kaya hindi mo siya mapapaunlakan sa kanyang paanyaya na sa bahay nila kumain.
Magtatago sa kaibigan para hindi ka na niya ayain na kumain sa bahay nila.
Aayain ang inyong buong pamilya na doon na rin sa bahay ng kaibigan mo maghapunan.
Dumating ang pinsan mo galing sa Australia at sa bahay muna ninyo ito pansamantalang maninirahan sa loob ng anim na buwan. Pinakiusapan ka ng tiyahin mo na turuan mo siya ng mga larong pinoy upang mawili siya sa pagtigil niya dito sa bansa. Ano ang ituturo mo sa kanya?
Hindi ko papansinin ang pakiusap ng aking tiyahin.
Hahayaan ko siyang matutunan mag-isa ang mga larong pinoy.
Aayain ko siya kasama ng iba ko pang mga kalaro na maglaro kami ng mga larong pinoy tulad ng patintero, tumbang preso at iba pa.
Tuturuan ko lamang siya ng mga larong pinoy kung tuturuan niya rin ako ng mga laro nila sa Australia.
Araw ng paligsahan ng sayaw sa inyong paaralan/ Inutusan na kayo ng inyong guro na magpalit ng costume. Nang kayo ay nakapagpalit na, pinagtawanan ng iba mong kaklase ang iyong kamag-aral dahil sa kulay ng kanyang balat na lalong lumitaw dahil sa kulay ng inyong costume. Ano ang iyong gagawin?
Makikitawa din sa aking kaklase dahil hindi bagay sa kanya ang kulay ng costume.
Sasabihin sa kamag-aral na huwag nang sumali dahil hindi bagay sa kanya ang kulay ng damit.
Pagsasabihan ang mga kaklase na hindi tamang pagtawanan ang tao dahil lamang sa kulay ng balat nito.
Hindi na lang papansinin ang ginawang pagtawa ng mga kaklase.
Ano ang tawag sa sistema ng pagbasa at pagsulat noon ng ating mga Katutubong Pilipino?
Titik
Alpabeto
Baybayin
Panitikan
Ano ang iyong gagawin kung napili ka ng iyong pangkat na sumali sa paligsahan sa pag-awit ng mga awitin ng katutubong Pilipino?
Hindi ako sasali dahil nahihiya akong humarap sa maraming tao.
Sasali ako dahil gusto kong sumikat.
Sasali ako dahil isa ito sa paraan na maipagmalaki ang mga awitin ng katututbong Pilipino.
Sasali lang ako dahil gusto kong tumaas ang aking marka.
Ano ang gagawin mo kung napili ka ng inyong grupo na magpakita ng sayaw ng mga katutubong Pilipino na Pantomina?
Hindi ako pupunta sa praktis dahil ayokong mapagod sumayaw.
Hindi na lang ako sasayaw dahil hindi naman ako Bikolano.
Pupunta ako sa praktis para sa aking grupo, at bilang paggalang sa sayaw na mula sa Bikol at para malaman din kung paano sinasayaw ang Pantomina.
Hindi ako dadalo dahil tinatamad akong pag-aralan ang sayaw na ito.
Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng basura?
A. pagsasama- sama ng basurang nabubulok at hindi nabubulok sa isang sako.
B. paglalagay ng mga pinagbalatan ng mga gulay at prutas sa basurahan na nabubulok o compost pit.
C. paglalagay ng mga papel, plastik kasama ng mga tuyong dahoon sa isang basurahang lata.
D. pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon sa isang plastic bag ng basura.
Araw ng Linggo, naglalaro kayo sa labas ng inyong bahay nang makita niyo ang isa pa ninyong kalarong si Andre na bihis na bihis kasama ang kanyang lola. Noong tinanong mo kung saan sila pupunta nalaman mo na sila ay magsisimba. Inaya ng isa mo pang kalaro si Andre na maglaro na lamang at huwag nang magsimba dahil boring naman. Ano ang gagawin mo?
Kumbinsihin din si Andre na maglaro na lamang at huwag na magsimba.
Sabihin kay Andre na huwag na lang magsimba dahil karamihan ng nagsisimba ay matatanda.
Pagsabihan ang kalaro na huwag yayain si Andre na maglaro at ayain na lang din itong sumama kina Andre na magsimba dahil araw naman ng linggo.
Samahan si Andre sa simbahan at doon maglaro dahil malawak ang lugar doon.
Uwian na. Dahil kasama ka sa mga cleaners ng araw na iyon ay hindi ka agad makauwi. Tapos na kayong magwalis nang mapansin mo na marami pang kalat sa ilalim ng mesa ng iyong kamag-aral, at nakita mo rin na may nakakalat pa ring mga nakalamukos na mga papel sa ilalim ng cabinet ng inyong guro. Gustong-gusto mo ng umuwi. Ano ang gagawin mo?
Itutulak ko na lang ng walis ang kalat sa ilalim ng cabinet at mesa ng aking kamag-aral dahil hindi naman makikita ng guro ang kalat.
Wawalisan ko pa rin ang kalat. at dadakutin ng dustpan at itatapon sa tamang basurahan. Upang maging malinis na ang puwesto ng aking kamag-aral at ang ilalim ng mesa ng aking guro.
Kunwari ay hindi ko nakita ang kalat. Hahayaan ko na lang ang kalat doon at sasabihin ko sa aking guro na tapos na ako magwalis.
Magpapaalam na ako sa aking guro na uuwi na at sabihin na bukas na lamang wawalisin ang mga kalat ng aking kamagaral at ang mga nakalamukos na papel sa ilalim ng cabinet.
Narinig mo ang iyong nakababatang kapatid na pabalang at pasigaw na sumagot sa inyong nanay nang siya ay inutusan. Ano ang magiging reaksyon mo sa inasal ng iyong kapatid?
Tuturuan pa itong sumigaw o magsalita ng hindi maganda sa nakatatanda.
Hahayaan na lamang dahil ganiyan na ang ugali ng mga bata ngayon.
Sisigawan mo din ang iyong kapatid at sasabihg mali ang ginawa nito.
Kakausapin ng maayos at papangaralan ang kapatid na mali ang ginawa nito at sabihin na dapat nating iginagalang ang mas nakatatanda sa atin.
Ano ang gagawin mo kung tinawag ka na ng iyong nanay para kumain ng hapunan ngunit paborito mo ang palabas sa t.v.?
Sasabihin sa nanay na mamaya ka na lang kakain pagkatapos ng palabas.
Kukuha na lang ako ng pagkain at dadalhin sa sala.
Ititigil ko ang panonood at pupunta na sa hapag-kainan dahil mas masaya at maganda na makasalo ang pamilya sa oras ng pagkain.
Magdadabog papunta sa hapag-kainan dahil hindi pa tapos ang palabas.
Inutusan ka ng mga magulang mo na alisin at itapon na ang mga nakatambak na mga boteng plastik sa likuran ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Mangangatwiran ako na marami akong ginagawa kaya hahayaan ko na lamang ang mga ito na nakatambak.
B. Susundin ko ang inuutos sa akin, subalit hindi ko itatapon ang mga ito, sa halip ay gagawin kong plastik na paso.
C. Tatawag ako ng mga taong maaring gumawa ng inuutos sa akin at ipapapatapon ko ang mga boteng plastik
