NEW
Font size
WorksheetsKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang angkop na paglalarawan sa sistemang caste?
Ito ay ang pagkakapangkat-pangkat sa iba’t ibang antas ng mga tao sa lipunang Hindu.
Ito ay ang sistema ng pagtatalaga sa mga pinakamakapangyarihan bilang pinuno ng lipunang Hindu.
Ito ay ang sistema ng pantay na pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunang Hindu.
Ito ay ang sistemang panlipunan kung saan inihihiwalay ang mga tao sa lipunang Hindu kung sila ay kabilang sa mababang antas.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng layunin ng sistemang caste sa ilalim ng Hinduismo?
Lumaganap ang diskriminasyon sa lipunang Hindu.
Nagkaroon ng pagpapangkat sa mga tao upang magkaroon ng kaayusan sa lipunang Hindu.
Nagkaroon ng malaking agwat at hindi pagkakaunawaan ang mga tao sa lipunan.
Napanatili sa kapangyarihan ang lahat ng pinakamalalakas sa lipunan.
Paano binibigyang pagpapakahulugan ang relihiyon sa Asya?
sistema ng pagtatatag ng organisadong paniniwala upang pamunuan ang iba pang kasapi ng lipunan
sistema ng pagsasama-sama ng paniniwala mula sa iba’t ibang kasapi ng lipunan
sistema ng pagsunod sa kung ano ang pinaniniwalaan ng iba
sistema ng paniniwala at paggalang sa higit na makapangyarihang puwersa sa kalikasan
Maituturing bang mali ang pag-uugnay ng ilang pangkat sa relihiyon sa mga usaping pulitikal at panlipunan? Bakit?
Hindi, sapagkat ang relihiyon ay itinakdang magkaroon ng maliit na sakop sa lipunan.
Oo, sapagkat hindi naman gampanin ng relihiyong maglahad ng opinyon hinggil sa mga isyung pulitikal at panlipunan ng bansa.
Hindi, sapagkat mula noon hanggang ngayon ay ibinabatay ng mga Asyano ang kanilang mga desisyon at gawain sa relihiyong kanilang sinusundan.
Oo, sapagkat ang relihiyon ay hindi naman dapat inihahalo sa iba pang aspekto ng pamumuhay.
Ano ang neokolonyalismo?
Ito ay ang makabagong paraan ng pananakop kung saan ang mga bansang Asyano ay sinakop ang mga bansang Kanluranin.
Ito ay ang pagpapalawak ng kontrol ng mga mauunlad na bansa sa mga papaunlad pa lamang gamit ang aspektong pulitikal, pang-ekonomiya, at kultural.
Ito ay ang makabagong paraan ng pananakop kung saan kusang-loob na nagpapasakop ang mga papaunlad pa lamang na bansa sa mga mauunlad na.
Ito ay ang patuloy na pananakop ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano sa pamamagitan ng paggamit ng karahasan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga mauunlad na bansang higit na nagpalawak ng impluwensiya sa Asya?
Pransya
Britanya
India
Estados Unidos
Alin sa mga sumusunod ang higit na makatutulong sa pagwawaksi ng neokolonyalismo sa bansa?
pag-ayon lamang sa mga polisiya ng kalapit na bansa
paglilimita sa impluwensiyang dayuhan na tinatanggap
paglilimita sa paggamit ng media
pagtangkilik sa sariling atin
Ano ang naging pangunahing kahalagahan ng mga bansang papaunlad pa lamang sa mga bansang maunlad na?
Ang mga papaunlad na bansa ang tumangkilik sa hakbangin sa pagpapaunlad ng mga mauunlad ng bansa.
Ang mga papaunlad na bansa ang nangalaga sa mga likas na yamang kailangan ng mga mauunlad na bansa.
Ang mga papaunlad na bansa ang nanguna sa boluntaryong pagsuporta sa mga bansang mauunlad.
Ang mga papaunlad na bansa ang pinanggagalingan ng yamang likas at yamang tao na kailangan ng maunlad na bansa.
Ano ang sinasalamin ng mga arkitektura ng India?
Ito ay sumasalamin sa mayamang kaalaman sa arkitektura ng mga taga-India kaysa iba.
Ito ay sumasalamin sa makalumang mga paniniwala ng mga taga-India.
Ito ay sumasalamin sa mayamang paniniwala ng mga taga-India hinggil sa mga puwersa sa kapaligiran.
Ito ay sumasalamin sa karangyaang taglay ng mga nagpapagawa ng mga naggagandahang estruktura.
Paano nakatulong ang mga mahahalagang tuklas sa siyensya at medisina ng mga Arabo sa pagpapatatag ng pagkakakilanlang Asyano?
Pinatunayan nito ang hindi pangangailangan ng mga Asyano na makisalamuha sa sinuman upang mapaunlad ang kanilang kaalaman.
Pinatunayan nitong may kakayahan ang mga Asyano na manguna sa pagtuklas at makapag-ambag ng mahahalagang kaalaman sa mundo
Pinatunayan nitong ang mga Asyano ay may karapatang maging superyor kaysa ibang bansang Kanluranin.
Pinatunayan nitong ang mga Asyano lamang ang nangunguna sa pagtuklas ng mahahalagang kaalaman sa mundo.
Paano inilalarawan ang impluwensiya ng relihiyon sa mga sining ng Timog at Kanlurang Asya?
Ang bawat likhang sining ay kinakailangan na aprubado ng mga pangunahing tagapagpalaganap ng mga relihiyon sa mga rehiyong ito.
Ang lahat ng kanilang mga likhang sining ay inilalagay nila sa mga lugar sambahan o dalanginan.
Ang lahat ng kanilang likhang sining ay nakatuon lamang sa relihiyon.
Ang pangunahing paksa ng kanilang mga likhang sining ay nakabatay sa kanilang mga paniniwala at pagpapahalaga batay sa relihiyon.
Anong mahalagang epiko sa Timog Asya ang naglalahad ng pakikipagsapalaran ng prinsipe at kaniyang asawa?
Vedas
Mahabharata
Ramayana
Panchatantra
Anong kagamitan ang ginamit ng mga Asyano upang maitala ang oras ng pagsikat at paglubog ng araw?
sundial
astrolabe
kompas
kalendaryo
Paano nakibahagi ang India sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Ito ang nagsuplay ng materyales at sundalo sa Britanya.
Ito ang nagpondo sa panig ng Axis Powers.
Ito ang nagpondo para sa panig ng Central Powers.
Ito ay nagsilbing tagapamagitan ng dalawang magkalabang panig.
Paano nakibahagi ang mga batang Turko sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Sila ang nagpadala ng sundalo at tulong pinansyal sa panig ng Britanya.
Kumampi sila sa Alemanya upang pabagsakin ang kontrol ng Britanya.
Sila ang naging dahilan sa pagsiklab ng digmaan.
Sila ang nagpondo sa mga materyales na kinailangan ng Imperyong Ottoman sa labanan.
Paano bibigyang kahulugan ang ideolohiya?
Ito ay ang pagsasama-sama ng kaisipan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Ito ay ang kalipunan ng mga kaisipan na naglalayong magbigay paliwanag.
Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng ideya na nananahan sa imahinasyon ng mga mamamayan.
Ito ay tumutukoy sa mga ideya na magdudulot ng kaunlaran sa isang bansa.
Bakit ikinagalit ng mga sundalong Sepoy ang ginawa ng mga Ingles sa kanilang riple?
Nahirapan ang mga Sepoy na tanggalin ang taba ng baboy at baka.
Hindi nagamit ng mga Sepoy ang kanilang riple sa labanan.
Ipinagbabawal sa relihiyon ng mga Sepoy ang pagkonsumo sa taba ng baboy at baka.
Sinayang lamang ng mga Ingles ang taba ng baka at baboy na maaari pa sanang mapakinabangan.
Bakit nakipagkasunduan ang mga Ingles kay Hussein bin Ali?
upang pangalagaan ang interes ng mga bansang Arabo
upang pabagsakin ang Imperyong Seljuk
upang maitaguyod ang personal nilang interes sa Kanlurang Asya
upang linangin ang yaman ng mga bansa sa Kanlurang Asya
Paano ginagawa ang paraang divide and rule sa pananakop?
pinapalibutan ng mananakop ang lugar na gustong sakupin
hinahati muna sa mapa ang lugar bago ito italaga sa mga heneral upang sakupin
nagpapadala ng malaking hukbong sandatahan ang mananakop
pinag-aaway-away muna ng mananakop ang mga pangkat ng isang lugar
Bakit ganoon na lamang ang higpit ng kontrol ng mga Kanluranin sa mga bansa sa Kanlurang Asya?
dahil sa kagustuhan ng mga Kanluranin na ganap na maging Kristiyanong rehiyon ang Kanlurang Asya
dahil sa labis na pagnanais ng mga Kanluranin na matugunan ang pulitikal at komersiyal na interes nito sa Kanlurang Asya
dahil sa pagtutulungan sa pagitan ng Kanluranin at mga bansa sa Kanlurang Asya sa paglaban sa imperyong Ottoman
dahil sa pagnanais ng mga Kanluranin na mapangalagaan nito ang Kanlurang Asya laban sa iba pang mananakop
Ano ang katawagan sa mga lugar na pinamamahalaan ng mga maharajah?
locality
kingly state
princely states
provinces
Ano ang naging pangunahing epekto ng pag-aalsang Sepoy sa pamamahala sa kanila ng pamahalaang Ingles?
Hindi na lamang pinagtuunan ng pansin ng pamahalaang Ingles ang naganap na pag-aalsa.
Higit na naghigpit ang mga Ingles sa pamamahala sa mga Indiano.
Naging higit na maluwag ang pamamahala ng mga Ingles.
Napagkalooban na ng kalayaan ang mga Indian sa higit na madaming bagay.
Paano ginagawa ang paraang divide and rule sa pananakop?
pinapalibutan ng mananakop ang lugar na gustong sakupin
hinahati muna sa mapa ang lugar bago ito italaga sa mga heneral upang sakupin
pinag-aaway-away muna ng mananakop ang mga pangkat ng isang lugar
nagpapadala ng malaking hukbong sandatahan ang mananakop
Alin sa sumusunod ang mga pangunahing layunin ng pagpapatupad ng Act for the Better Government of India?
bigyan ng katarungan ang mga Sepoy na nag-alsa
paglilipat ng pamamahala sa kamay ng mga British Raj
sukatin ang kagalingan sa pakikipaglaban ng isang bansa
patunayan ang ninanais ng mga Indian na pamahalaan ang kanilang bansa
Paano nahikayat ng Britanya ang mga Arabo na tulungan sila noong Unang Digmaang Pandaigdig?
Nangako ang mga Ingles na tuluyang nilang papaalisin ang mga Hudyo mula sa Palestine.
Nangako ang mga Ingles na magkakaroon ng maginhawang pamumuhay ang mga Arabo.
Nangako ang mga na patuloy silang makikipagtulungan sa mga Arabo.
Nangako ang mga Ingles na ipagkakaloob nila ang karapatan sa Palestine sa mga Arabo.
