Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusuri sa mga Bahagi ng Pananalita

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Nagulat si Lisa matapos makitang naglalaro ng sarangola ang batang bungisngis. Dali-dali siyang tumakbo upang agawin iyon. Ang nagulat ay?

a)

Panghalip

b)

Pang-uri

c)

Pandiwa

d)

Pangngalan

2.

Nagulat si Lisa matapos makitang naglalaro ng sarangola ang batang bungisngis. Dali-dali siyang tumakbo upang agawin iyon. Si Lisa ay?

a)

Panghalip

b)

Pang-uri

c)

Pandiwa

d)

Pangngalan

3.

Nagulat si Lisa matapos makitang naglalaro ng sarangola ang batang bungisngis. Dali-dali siyang tumakbo upang agawin iyon. Ang salitang bungisngis ay?

a)

Panghalip

b)

Pang-uri

c)

Pang-abay

d)

Pangngalan

4.

Si Joyboy ay masayang nagtungo sa tindahan upang bumili ng toyo, mantika, asin, at paminta. Anu-ano ang mga pangngalan sa pangungusap?

a)

Joyboy, tindahan, toyo, mantika, asin, at paminta

b)

Nagtungo, tindahan, bumili

c)

Joyboy, masaya, toyo, at paminta

d)

Bumili, toyo, mantika, asin, at paminta

5.

Bumili ako ng tinapay at agad na kinain iyon nang makitang papalapit si Junjun. Tumawa siya nang malakas habang itinuturo ako. Anu-ano ang mga pandiwang ginamit?

a)

Ako, agad, papalapit, siya

b)

Bumili, kinain, makita, tumatawa, itinuturo

c)

Bumili, tinapay, kinain, Junjun, ako

6.

Inilalarawan ng pang-abay ang pang-uri.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Inilalarawan ng pang-uri ang pang-abay?

a)

Tama

b)

Mali

8.

Maaaring maging salitang kilos ang pangngalan.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Inilalarawan ng pang-uri ang tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Inilalarawan ng panghalip ang pang-uri.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang mga sumusunod ay pangngalang pantangi, maliban sa?

a)

Doktor

b)

Rudolph

c)

Abogado

d)

lungsod

12.

Mabilis akong naglakad patungo sa kusina at dali-daling kinuha ang termos upang magtimpla ng kape ni Lola Ising. Anu-ano ang ginamit na pang-abay?

a)

Naglakad, kinuha, magtimpla

b)

Mabilis, dali-dali

c)

Ako, Lola Ising, kape, kusina

d)

Patungo, termos, kape, Lola Ising

13.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahulugan ng pangngalan?

a)

Ang pangngalan ay ngalan na nagpapahayag ng kilos ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

b)

Ang pangngalan ay lipon ng mga salitang tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

c)

Ang pangngalan ay naglalarawan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

14.

Si Ami ang aking matalik na kaibigan. Siya ay mabait, maganda, at malambing ngunit kung minsa’y makulit. Anu-ano ang mga pang-uring ginamit?

a)

Ami, matalik, kaibigan, siya

b)

Ami, mabait, maganda, at malambing

c)

Mabait, maganda, malambing, at makulit

15.

Alin sa mga sumusunod ang inilalarawan ng pang-abay?

a)

Panghalip

b)

Pangngalan

c)

Pang-abay

d)

Panlapi

16.

Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pantangi?

a)

palengke

b)

sisiw

c)

Caloocan City

d)

lungsod

17.

Alin sa mga pangungusap ang tama tungkol sa pang-uri?

a)

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-abay, at kapwa pang-uri

b)

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan lamang.

c)

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

18.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pang-abay?

a)

Ito ay salitang naglalarawan ng pang-uri at panag-uri

b)

Ito ay salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

c)

Ito ay salitang naglalarawan ng pandiwa, pangngalan, at panghalip

d)

Ito ay salitang naglalarawan ng tao, bagay, hayop, at pangyayari.

19.

Alin ang pandiwa sa mga sumusunod?

a)

Maganda

b)

Tumatawa

c)

Magaling

d)

Lunes

20.

Ang mga sumusunod ay pangngalang pantangi, maliban sa?

a)

Sprite

b)

Nike

c)

relo

d)

Lita

21.

i. Masayang naglaro si Aida.

ii. Masaya si Aida.

Sa aling pangungusap ginamit ang masaya bilang pang-abay?

a)

Unang pangungusap

b)

Pangalawang pangungusap

22.

Alin ang pandiwa sa mga sumusunod?

a)

Marikit, matalim, sumasayaw

b)

Magbibilang, sumisipol, humabol

c)

Kumembot, Jordan, gumiling

23.

i. Masayang naglaro si Aida.

ii. Masaya si Aida.

Sa aling pangungusap ginamit ang masaya bilang pang-uri?

a)

Unang pangungusap

b)

Pangalawang pangungusap

24.

Alin ang panghalip sa mga sumusunod?

a)

Sinalubong

b)

Rex

c)

Kanila

d)

Pasko

25.

Bumili ako ng tinapay at agad na kinain iyon nang makitang papalapit si Junjun. Tumawa siya nang malakas habang itinuturo ako. Anu-ano ang mga pandiwang ginamit?

a)

Ako, agad, papalapit, siya

b)

Bumili, kinain, makita, tumatawa, itinuturo

c)

Bumili, tinapay, kinain, Junjun, ako

26.

Alin ang panghalip sa mga sumusunod?

a)

Libro

b)

Diyan

c)

Tinuro

d)

Humakbang

27.

Alin ang panghalip sa mga sumusunod?

a)

Gwen

b)

ito

c)

libro

d)

marami

28.

Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pambalana?

a)

San Sebastian

b)

mag-aaral

c)

Dr. Jem

d)

Miguel

29.

Ang mga sumusunod ay pangngalan, maliban sa?

a)

bulaklak

b)

paraiso

c)

matangkad

d)

diwata

30.

Tukuyin ang pang-uri sa mga sumusunod.

a)

Maligalig

b)

Kutson

c)

Lechon

d)

Kumain