NEW
Font size
WorksheetsEPP 4 Quarter 2 REVIEW (Agrikultura)
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ito ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan at paaralan?
Halamang Ornamental
Gulay
Narseri
Herbal
Nagtanim ng halamang ornamental ang mga batang nasa ikaapat na baitang ng San Jose Elementary School. Anong kabutihan ang maidudulot nito sa kanila?
naaliw sila
nakapaglaro sila ng maayos
nagkaroon sila ng bagong kaibigan
magandang ehersisyo sa kanilang katawan.
Ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa paligid ay naiiwasan ang?
pagsunog
paglilinis
polusyon
pagkukumpuni
Paano makatutulong sa pagsugpo ng mga polusyon sa hangin at kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental?
Nagpapaunlad ng pamayanan.
Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
Nagsisilbing palamuti sa tahanan at pamayanan.
Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
Karamihan sa mga halamang ornamental ay nagpapatubo sa pamamagitan ng?
dahon
sanga
usbong
ugat
Ang pagbibigay ng karagdagang sustansya ng lupang taniman ay ginagawa sa pamamagitan ng _________.
pagdidilig
pataba
pagbibilad sa araw
pagbubungkal
Ito ay uri ng halamang ornamental na nabubuhay sa tubig gaya ng water lily at lotus.
tree
shrub
aquatic
vine
Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang galing sa dalawang puno.
grafting
marcotting
inarching
artipisyal
Ito ay paraan ng pagbebenta na kung saan ang halaman ay binibili ng maramihan.
paisa-isa
tingian
pakyawan
dalawahan
Nais mong ilipat ang ibang lupa upang pantayin ang isang bahagi ng kamang taniman? Alin sa mga ito ang iyong gagamitin?
regadera
karton
pala
piko
Ito ay ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura.
asarol
kalaykay
pala
regadera
Anong hayop ang nagbibigay aliw at mabuting kasama sa bahay?
kalabaw
kambing
c.kuneho
aso
Upang mabigyan agad ng karampatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta sa________.
doctor sa ospital
beterinaryo
matandang kapitbahay
may-ari ng hayop
Ano dapat gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sa kalye?
Ipamigay sa nais kumuha nito.
Itali o gawan ng kulungan.
Dalhin sa beterinaryo.
Huwag pakainin
Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
Ibabaon sa lupa.
Ibinibigay sa kapitbahay.
Itatapon sa dagat.
Hayaan nalang sa loob ng kulungan.
Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano ukol sa pag-aalaga ng mga hayop?
Uri ng produkto na ipapakain sa alagang hayop
Kulay ng alagang hayop
Kalagayan ng pamumuhay
Uri ng hayop na aalagaan
Ito ay batas na nagtadhana sa makataong pangangalaga ng mga hayop
RA 8485
RA 10631
House bill 914
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring paramihin sa ating tahanan?
Kalapati, love birds, pusa
Kalabaw, baka, kambing
Ahas, palaka, gagamba
Isda, alimango, alimasag
Habang nagbubungkal ng lupang pagtaniman. Anong mga bagay sa lupa ang dapat tanggalin?
ang pataba
putik at basang lupa
bato at mga matitigas na ugat
buhangin na nagkalat sa lupa
Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng mga hayop?
Mainit na lugar.
Maruming paligid.
Hayaang magkasakit.
Malinis na tirahan, pagkain at tubig.
