wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Isang bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at mga suliranin nito.

a)

Kap. Tiyago

b)

Elias

c)

Pilosopo Tasyo

d)

Pedro

2.

Kurang Pransiskano na nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Sibyla

c)

Padre Damaso

d)

Padre Burgos

3.

Kasintahan ni Crisostomo na kumakawatan sa Pilipinang lumaki sa kumbento at nag-aral ayon sa doktrina ng relihiyon.

a)

Sisa

b)

Kapitana Maria

c)

Donya Consolacion

d)

Maria Clara

4.

Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan sa San Diego.

a)

Ibarra

b)

Pilosopo Tasyo

c)

Elias

d)

Kapitan Tiyago

5.

Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Don Tiburcio

c)

Pilosopo Tasyo

d)

Alperes

6.

Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan para sa kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.


a)

Rafael Ibarra

b)

Basilio

c)

Crisostomo Ibarra

d)

Linares

7.

Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan at kinaiinggitan ni Padre Damaso dahil sa taglay na kayamanan nito.

a)

Don Rafael

b)

Don Tiyago

c)

Don Tiburcio

d)

Don Basilio

8.

Kurang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego.

a)

Padre Sibyla

b)

Padre Salvi

c)

Padre Zamora

d)

Padre Gomez

9.

Nakatatandang anak ni Sisa na sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento.

a)

Basilio

b)

Ibarra

c)

Crispin

d)

Linares

10.

Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Ibarra.

a)

Padre Damaso

b)

Padre Salvi

c)

Padre Sibyla

11.

Bunsong kapatid ni Basilio na isang ring sakristan at nagpapatugtog ng kampana sa simbahan.

a)

Albino

b)

Crispin

c)

Lucas

d)

Alfonso

12.

Isang dating labandera na asawa ng alperes.

a)

Donya Victorina

b)

Maria Clara

c)

Kapitana Maria

d)

Donya Consolacion

13.

Isang pilay at bungal na kastilang napangasawa ni Donya Victorina na sagisag ng taong walang paninindigan.

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Tenyente Guevarra

c)

Don Tiburcio

d)

Kapitan Pablo

14.

Siya ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nag-alaga kay Maria Clara mula sanggol pa lamang.

a)

Tiya Isabel

b)

Kapitana Maria

c)

Sisa

d)

Donya Victorina

15.

Kabiyak ni Don Tiburcio na puno ng kolorete dahil sa pagpapanggap bilang Espanyol na .

a)

Donya Consolacion

b)

Sisa

c)

Donya Victorina

d)

Pia Alba

16.

Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Tunay na nagpapakasakit para sa pamilya.

a)

Maria Clara

b)

Consolacion

c)

Sisa

d)

Sinang

17.

Matapat na kaibigan ni Don Rafael na tenyenteng nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa kanyang ama.

a)

Tiyago

b)

Basilio

c)

Guevarra

d)

Pablo

18.

Isang Indiyo na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Ibarra.

a)

Lucas

b)

Linares

c)

Elias

d)

Basilio

19.

Puno ng guwardiya sibil at mahigpit na kaaway ng kura sa kapangyarihan ng San Diego.

a)

Tenyente Guevarra

b)

Alperes

c)

Kapitan Heneral

20.

Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.

a)

Ibarra

b)

Elias

c)

Albino

d)

Linares