NEW
Font size
WorksheetsQUIZ
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay _________.
A. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac ng Haring Fernando at Reyna Valeriana
sa CahariangBerbania
B. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac ng Haring Salermo sa Cahariang Berbania
C. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsesang Magcacapatid na Anac ng Ermitanyo at Ibong Adarna sa Berbania
D. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Pincipeng Magcacapatid mula sa Reyno de los Cristales
2. Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang Ibong Adarna, sinasabi ng maraming kritikong umaangkop naman sa _______________ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
A. anyo
B. kagustuhan
C. kalinangan at kultura
D. panlasa
3. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa _______________.
A. Africa
B. Asya
C. Europa
D. South America
4. Ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na __________ sapagkat ang mga Pilipinong sakbibi ng hirap at sakit noon dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.
A. panitikang Filipino
B. panitikang hiram
C. panitikang pambata
D. panitikang pantakas
5. Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang_______________, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Pinalitan nila ang mga ito ng mga panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang kanilang gustong palaganapin.
A. Animismo
B. Budismo
C. Hinduismo
D. Kristiyanismo
6. Ang Ibong Adarna ay isang ____________na naging tanyag noong panahon ng pananakop ng Espanyol sa ating bansa, panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang kanilang gustong palaganapin.
A. awit
B. korido
C. parabula
D. sanaysay
7. Ang Ibong Adarna ay isa sa mga anyo ng ______ na nagbibigay halaga sa diwang Kristiyanismo.
A. mitolohiya
B. nobela
C. pabula
D. tulang romansa
8. Ito ay parehong tungkol sa pakikipagsapalaranat kabayanihan ng pangunahing tauhan na itinuturing na Maharlika tulad ng mga hari, reyna , prinspe at prinsesa.
A. Alamat at Pabula
B. Awit at Korido
C. Patula at Pasalindila
D. Oda at Elihiya
9. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng ________.
A. Awit
B. Epiko
C. Korido
D. Soneto
10. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang korido?
A. 8
B. 9
C. 11
D. 12
11. Anyo ng panitikan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
A. Pakanta
B. Pasalindila
C. Patula
D. Tuluyan
12. Anyo ng panitikan na nasusulat sa taludturan at saknungan.
A. Pakanta
B. Pasalindila
C. Patula
D. Tuluyan
13. Ito ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod na may sukat o tugma o malayang taludturan.
A. Alamat
B. Dula
C. Maikling Kuwento
D. Tula
14. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutuhan ng tao ang sistema ng pagsulat.
A. Pakanta
B. Pasalindila
C. Pasayaw
D. Pasulat
15. Ito ay paraan ng pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng bibig.
A. Pakanta
B. Pasalindila
C. Pasayaw
D. Pasulat
16. Siya ang hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
A. Haring Hernando
B. Haring Fernando
C. Haring Rolando
D. Haring Salermo
17. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid na prinsipe.
A. Don Adolfo
B. Don Diego
C. Don Juan
D. Don Pedro
18. Siya ang bunsong anak ng hari at reyna sa kahariang Berbanya.
A. Don Adolfo
B. Don Diego
C. Don Juan
D. Pedro
19. Isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.
A. Agila
B. Ibong Adarna
C. Ibong Mahikal
D. Maya
20. Siya ang namumuno sa Reyno Delos Cristal
A. Haring Hernando
B. Haring Fernando
C. Haring Rolando
D. Haring Salermo
