WorksheetsELLNA Review - Filipino
Total questions: 105
Worksheet time: 48mins
Pamasahe pauwi na lamang ang perang nasa bulsa ni Monica. Nang kunin na niya ang pera, napansin niyang wala na ito dahil may butas ang kanyang bulsa. Ano kaya ang mangyayari kasunod?
Kumaripas nang takbo ni Nilo kaya siya nadulas. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Bumaha sa lugar namin dahil sa tindi ng ulan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Natuwa si nanay nang malaman niyang nanalo ako sa paligsahan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Dapat bang sundin ang mga alituntunin sa paaralan? Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Maayos at mapayapa ang pamayanan kung ang mga tao ay masunurin at magalang. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Nainip ang lahat sa bahay. Alin dito ang salitang katugma ng may salungguhit?
Ang bukid ay isang payapang lugar. Ano ang kahulugan ng payapa?
Ang mga Ita o ayta ang mga unang katutubo sa bansa. Ano ang kahulugan salitang nakasalungguhit?
Tukuyin ang tamang pamalit sa nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap. Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.
Tukuyin ang tamang pamalit sa nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap. Tutulong ako at ang kapatid ko na si Manuel sa paglinis ng kanilang bahay at bakuran.
Ano ang pagkakaiba nina Rosa at Mia?
anyo
laki
kulay
damit
Ano kaya ang maaaring nangyari kung hindi sila agad tumabi?
Sila ay maaaring naaksidente.
Sila ay maaaring nakaligtas
Sila ay maaaring nakalakad.
Sila ay papagalitan ng drayber ng sasakyan.
Alin ang pangungusap na may tamang ayos ng mga salita?
Bago bag mo ang.
Ang mo bago bag.
Bag bago ang mo.
Bago ang bag mo?
Aling pangungusap ang may wastong bantas?
Saan ka pupunta?
Nakita ko ang aking kaibigan kanina sa mall!
Magandang umaga po!
Nasaan ang iyong nanay.
Piliin ang panghalip na maaaring ipalit sa salitang may salunguhit Si Pia ay mabait na anak. Siya ay tumutulong sa mga gawaing bahay bago maglaro.
Sila
Siya
Sina
Kami
Ang mag-anak na Cruz ay _____ ngayon.
namasyal
mamamasyal
namamasyal
papasyal
Alin sa mga salita ang nakaayos ng tamang pagkakasunod sunod ayon sa alpabeto?
aso, baka, pusa, kabayo
sapatos, suklay, bag, damit
bag, kuwaderno, papel, ruler
mesa, upuan, kabinet, kama
Ano ang pinakaangkop na salita para sa nakabilog na larawan?
pinakamaiksi
pinakamalaki
pinakamaliit
pinakamahaba
Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi prutas?
saging
mangga
ampalaya
papaya
Alin sa mga pangungusap ang wasto ang pagkakasulat?
Maraming bayan sa lalawigan ng cavite.
Maraming Bayan ang Lalawigan ng Cavite.
Maraming bayan ang lalawigan ng Cavite.
maraming bayan ang lalawigan ng cavite.
Araw- araw ay binibigyan si Mark ng sampung piso bilang baon sa paaralan. Itinatago niya ito sa alkansiya mula rito ang dalawang piso. Binabawasan na lamang niya ang kanyang pagkain tuwing reses. Nag- iipon siya ng pera upang ibili ng regalo para sa nalalapit na kaarawan ng kanyang ina.
1.Saan niya ito itinatago?
Alas 5:30 na nang magising si Cassy. Dali-dali siyang naligo, kumain at nagbihis. Ang pasok niya sa paaralan ay 6:00. Nahirapan siyang sumakay ng dyip.
4.Ano ang angkop na wakas sa kwento?
A.Nakarating siya ng maaga;
B.Hindi na siya pumasok;
C. Nahuli siya sa kanyang klase;
D.Umuwi na lamang siya;
Isang umaaga ay nakalimutan ni Stephan na diligan ang tanim nilang petchay bago pumasok sa eskwela. Hindi rin ito napansin at nadiligan ng kanyang nakababatang kapatid.
5.Ano kaya ang nangyari sa kanilang tanim?
A.Bigla itong lumaki;
B.Nalanta ito;
C.Dumami ang kanilang tanim;
D.Namatay ito;
Pinag-uusapan sa klase ni Bb. Santos sa ikatlong baitang ang tungkol sa idinudulot na sama ng paninigarilyo.
“Nagpapaitim ng ngipin”,sabi ni Allan.Pati mga labi’y nangingitim din sa paninigarilyo.
“Marami pang ibang mga kasamaang idinudulot ang painigarilyo”, wika ni Bb. Del Valle. Masama iyon sa baga. Sinasabing maraming may kanser sa baga dahil sa paninigarilyo. Ito rin ang pinagmumulan ng kanser sa mga labi at lalamunan.
Narinig na lahat ni Bobet ang pinag-uusapan. Nagsimula na siyang manigarilyo. May takot siyang naramdaman. Naisip niya, hindi pa huli ang lahat.
6.Ano kaya ang naging wakas ng kwento?
A.Nagkasakit si Bobet;
B. Nakaramdam ng pananakit ng lalamunan si Bobet;
C. Laking pasasalamat ni Bobet sa paghinto niya sa paninigarilyo;
D. Labis ang kalungkutanna nadama ng mga magulang ni Bobet para sa anak;
Bakasyon sa eskwela kaya naman masaya ang mga mag-aaral. Kung kaya’t ang magkapatid na Katrina at Kathleen ay tuwang- tuwa ng pinayagan sila na magbakasyon sa mga lolo at lola nila sa Tarlac. “Wow! Makakakain na naman tayo ng sariwang mga gulay at mga prutas” ang sabi ni Katrina. “Hindi lang iyon, makakapasyal pa tayo sa plasa.”
Kinaumagahan, kasama ang kanilang mga magulang, sina Katrina at Kathleen ay pagayak na ng probinsiya.
7.Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang pinayagan?
A.sinang-ayunan;
B.pinagbawalan ;
C.sinabihan;
D. pinayuhan;
8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang tuwang- tuwa?
A.masaya;
B.nagagalak;
C.malungkot;
D.naiiyak;
9. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang sariwa?
A.bago;
B.lanta;
C.bulok;
D. mabango;
Mahal na mahal ni Karen si Chuchu. Si Chuchu ay ang paboritong aso ni Karen. Puting- puti at makapal ang balahibo nito. Ang dalawang tainga at buntot nito ay may batik na kulay dalandan.
Alagang- alaga ni Karen si Chuchu. Lagi itong malinis at mabango. Dinadamitan pa niya ito at nilalagyan ng laso. Minsan, ito ay naging balisa. May sakit pala si Chuchu.
10.Alin sa mga sumusunod na detalye sa kwento ang nagpapakita na mahal na mahal ni Karen si Chuchu?
A.Laging malinis at mabango si Chuchu;
B.Binibihisan ni Karen si Chuchu ng ibat- ibang damit;
C. Hinahaplos ni Karen ang balahibo ni Chuchu;
D. Laging kasama ni Karen sa pamamasyal si Chuchu;
11.______________ang regalong dala-dala ni Alvin para kay Mae sa nalalapit nitong kaarawan.
A.Makulay;
B.Malasa;
C.Maselan;
D.Matulis;
12.May laro ng basketbol ang team nina Alvin bukas. Kakailanganin niya ng isang ________________bag upang madala niya ang maraming gamit tulad ng uniporme, rubber shoes, tuwalya at pamalit na t- shirt.
A.malaking;
B.maliit na;
C.magarang;
D.makulay na;
13.Ang sapatos na yari sa Marikina ay ________________at mura.
A.malaki;
B.matibay;
C.luma;
D.maliit;
14.Gaganapin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mae sa kanilang __________________na hardin.
A.makipot;
B.madawag;
C.malawak;
D.makulay;
15.Gaganapin ang laro sa St. Mary’s School na mayroong ____________________na palaruan kaya lahat ng palaro ay maisasagawa ditto.
A.masikip;
B.malawak;
C.mabato;
D.makitid;
