wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangangalaga sa mga Nilikha ng Diyos

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Mayroong programa ng pagtatanim ng mga puno at halaman sa inyong barangay. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Sasali ako sa programa

b)

B. Hindi ko na lang papansinin

c)

C. Hindi ako sasali sa programa

d)

D. Para lang yan sa matatanda

2.

2. Nakita mo na kinakain ng pusa ang iyong inihandang pagkain para sa aso mo. Alin ang pipiliin mong gawin?

a)

A. Bubugawin ko ang pusa B.

b)

B. Hahampasin ko ang pusa

c)

C. Bibigyan ko ng pagkain ang pusa

d)

D. Ililipat ko ng puwesto ang pagkain ng aso ko

3.

3. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung may nakita kang nagbebenta ng mga gamit na gawa sa balat ng hayop gaya ng belt at bag?

a)

A. Bibili ako

b)

B. Hindi ako bibili

c)

C. Matutuwa ako

d)

D. Hindi ko papansinin

4.

4. Namamasyal kayo sa zoo, napansin mong binabato ng mga bata ang unggoy sa kulungan. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Hindi ako makikialam

b)

B. Tutulong ako sa pagbato

c)

C. Makikitawa ako sa kanila

d)

D. Sasawayin ko ang mga bata

5.

5. Bakit mahalaga na may kaalaman tayo sa pag aalaga ng mga endangered na hayop?

a)

A. dahil sila ay papaubos na

b)

B. para maging matalino ako

c)

C. upang may paglaruan ako

d)

D. dahil gusto kong mag alaga nito

6.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa halaman?

a)

A. Dinidiligan oras-oras ang mga tanim.

b)

B. Dinidiligan ang mga tanim minsan sa isang linggo.

c)

C. Binubungkal ang lupa sa paligid ng mga tanim oras-oras.

d)

D. Binubungkal ang lupa sa paligid ng mga tanim kapag napupuno na ng tubig.

7.

7 . Pagkatapos ng malakas na ulan, itinayo nina Jana at Raf ang mga paso ng halaman na nabuwal. Sila ay nagpapakita ng pagmamahal sa _________?

a)

A. kapwa

b)

B. halaman

c)

C. hayop

d)

D. sarili

8.

8. May mga halaman sa tapat ng inyong silid-aralan. Paano mo ito mapapanatiling buhay at maganda?

a)

A. Tatawagin ko ang dyanitor upang diligan ito.

b)

B. Hihintayin ko ang utos ng guro na magdilig.

c)

C. Maaga akong papasok upang madiligan ang mga halaman

d)

D. Hahayaan ko lang at hindi ko gagalawin upang hindi masira.

9.

9. Nakita mo ang iyong kalaro sa taguan na sumisiksik sa mga halaman. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Sasawayin ko siya

b)

B. Hahayaan ko na lang

c)

C. Ituturo ko siya sa taya

d)

D. Tatabihan siya sa pagtatago.

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pangangalaga ng mga puno at halaman sa kabundukan at kagubatan?

a)

A. Pinapalitan ng punla o bagong tanim ang mga pinuputol na puno.

b)

B. Hindi sinusunog ang mga puno sa kagubatan at kabundukan.

c)

C. Humihingi ng pahintulot sa DENR bago pumutol ng puno.

d)

D. Pagputol ng maraming puno na walang kapalit na punla.

11.

11. Paano mo mapapangalagaan ang mga hayop na ligaw ?

a)

A. Bigyan sila ng pagkain

b)

B. Hampasin ng kahoy

c)

C. Itaboy sila palayo

d)

D. Hulihin at itapon

12.

12. Piliin ang endangered na hayop sa listahan:

a)

A. aso

b)

B. pusa

c)

C. tarsier

d)

D.daga

13.

13. Ano ang endangered na hayop?

a)

A. matatapang na hayop

b)

B. nanganganib maubos na hayop

c)

C. mamahaling hayop

d)

D. maaamong hayop

14.

14. Bakit natin dapat alagaan ang mga endangered na hayop?

a)

A. dahil maganda ilagay sa zoo

b)

B. para mabilis sila dumami

c)

C. papaubos na ang bilang nila

d)

D. pwedeng ibenta

15.

15. Upang maiwasan ang pagkalipol o pagkaubos ng endangered na hayop, ano ang pwede mong gawin?

a)

A. Bumibili ako ng mga gamit na gawa sa balat ng hayop tulad ng belt at bag

b)

B. Hindi ako nakikialam sa mga usapin na yan

c)

C. Natutuwa akong makita na hinuhuli ang mga hayop na ito.

d)

D. Sumasali ako sa pagtatanim ng mga puno upang may masilungan ang mga hayop

16.

16. Uwian na, nakapila nang maayos at marahang naglalakad ang inyong pangkat sa pasilyo. Nakita mo ang iyong kamag-aral na itinayo nang maayos ang nakatumbang paso ng halaman. Anong ugali ang kanyang ipinakita?

a)

A. Pagmamahal sa Diyos

b)

B. Pagmamahal sa guro

c)

C. Pagmamahal sa kapwa

d)

D. Pagmamahal sa mga halaman

17.

17. Nakita mo na may mga paso at lupang nakakalat dahil di natapos ang iyong lolo sa pag-aayos ng mga halaman sa hardin dahil may dumating siyang panauhin. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Hindi ko na lang papansinin.

b)

B. Hihingi ako ng pasalubong sa panauhin.

c)

C. Sisinupin ko ang mga lupa at paso pati na iba pang gamit.

d)

D. Hihintayin kong umalis ang panauhin at sasabihin kay lolo na nakakalat ang mga paso at lupa.

18.
  1. 18. Nakita mo na natutuyo na ang lupa ng inyong halaman sa terrace, ano ang dapat mong gawin?

a)
  1. A. Tatawagin ko si nanay.

b)
  1. B. Didiligan at bubungkalin ang lupa.

c)
  1. C. Hindi ko ito pakikialaman.

d)
  1. D. Itatapon ang lupa sa basurahan.

19.

19. Paano mo maipapakita ang iyong pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga nilikha?

a)

A. Diligan ang mga halaman kung kailan sipagin.

b)

B. Pitasin ang mga bulaklak sa parke at paglaruan.

c)

C. Pangangalagaan at pararamihin ang mga halaman sa hardin

d)

D. Hayaang matapakan ang mga halaman basta maging masaya sa paglalaro.

20.

20. Maipapakita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa Kanyang mga nilikha.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

c)

C. Paminsan-minsan

d)

D. Walang katotohanan