WorksheetsTAMBALANG SALITA
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ang larong ito ay nilalaro ng mga bata sa isang patag na lugar. Ano ang tawag sa larong ito?
palosebo
luksong-tinik
pitik-bulag
tumbang preso
Magkalapit ang bahay nila Joy at Mirah. Ano ang tawag sa kanila?
kapitbahay
lapit-bahay
bahay-bahayan
tabingbahay
May ubo si Nanay. Ininuman niya ito ng dahon na pampagaling. Ano ang tawag sa ininum ni Nanay?
halamang-ugat
halamang gamot
dahon-dahon
halamang namumulaklak
Siya ang namamahala, nangangasiwa at may mataas na katungkulan-responsibilidad sa Paaralang Marcelo H. Del Pilar. Ano ang kanyang tungkulin?
taong-bahay
guro
gurong tagapayo
Punong Guro
Ang mga miniminang ginto ay yamang nanggagaling sa kalikasan. Ano ang tawag dito?
ingat-yaman
yayamanin
likas-yaman
mayayaman
Ano ang makikita sa langit na maraming kulay?
bahagbahay
bahaghari
bahaglangit
"Uuwi na ako, magtatakip-silim na pala", Ano ang kahulugan ng takip-silim?
maggagabi na
gabi na
umaga na
Matinik ang dalagang-bukid. Ano ang kahulugan ng tambalang salita na "dalagang-bukid"?
may dalaga sa bukid
dalaga na yung bukid
uri ng isda
Tulog mantika ang batang si Anna.
Ano ang kahulugan ng tambalang salita na "tulog mantika"?
mahimbing matulog
madaling magising
nagtutulog-tulugan
Mabisa sa bungang-araw ang tubig-alat. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na "tubig-alat"?
tubig na galing sa ulan
tubig na galing sa dagat
tubig na galing sa ilog
