Font size
WorksheetsFILIPINO 5
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
Gumamit ng pang-angkop upang pagsamahin ang dalawang salita. Ilagay ang iyong sagot sa malalaking titik.
PASENSYA, KAUNTI =
(a)
Gumamit ng pang-angkop upang pagsamahin ang dalawang salita. Ilagay ang iyong sagot sa malalaking titik.
HILAW, MANGGA =
(a)
Piliin ang naiiba sa mga sumusunod na salita.
disiplina
respeto
katapatan
politika
Piliin ang naiiba sa mga sumusunod na salita.
marikit
maganda
kabigha-bighani
pino
Piliin ang naiiba sa mga sumusunod na salita.
gubat
puno
troso
kalsada
Piliin ang naiiba sa mga sumusunod na salita.
isda
pusit
tahong
karne
Piliin ang naiiba sa mga sumusunod na salita.
makinang
makintab
kumukuti-kutitap
apoy
Mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
Pang-angkop
Pang-uri
Pang-abay
Panghalip
Pinaikling bersyon ng panulat.
Presi
Sipi
Hawig
Buod
Tukuyin ang pang-abay na panggaano sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa malalaking titik.
Naningil nang tama ang mabubuting negosyante.
(a)
Tukuyin ang pang-abay na panggaano sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa malalaking titik.
Maraming nagpaiwan kahit umalis na ang panauhing pandangal.
(a)
Nakatuon ito sa hakbang o paraan. Malinaw rito na dapat sundin ang inilalahad na pagkakasunod sunod ng gawain.
Sekwensyal
Prosidyural
Pagsusunod-sunod
Kronolohikal
Ito ay pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay,
Sekwensyal
Pagsusunod
Kronolohikal
Prosidyural
Lipon ng mga salitang ginaganit bilang panawag-pansing pangungusap o motto ng sinumang tao o pangkat, partido man o kilusan.
Islogan
Poster
Pahayagan
Patalastas
Anyo ng pagpapahayag na ang layunin ay magbigay ng lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ibinibigay nito ang makatwirang pag-unlad ng isang pangyayari o kuwento.
Pagsasalaysay
Pagpapahayag
Pagkukwento
Pagkukwento
Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari batay sa napakinggang kuwento o teksto?
I. Pinasalamatan ni Bordi at ng kaniyang pamilya ang mga taong nagmamalasakit sa kaniya.
II. Sa ngayon ang bata ay nasa recovery room at nagpapagaling.
III. Tagumpay ang isinagawang operasyon ng mga dalubhasang doctor ng National Kidney Institute kay Bordi.
IV. Humanaga sa kataatagan ng loob ni Bordi si Doktor Filoteo Alano.
V. Umaasa si Bordi na paggaling niya ay makakalaro niya ang paboritong actor na si Vandolph.
III, IV, II, V,I
III, II, I, V, IV
III, I, IV, V, II
III, V, IV, I, II
‘Bordi’ Geocadin
Kidney, Bago na
Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor sa National Kidney Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-anyos na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang sakit sa bato.
Ayon kay NKI Executive Director Filoteo Alano, ang matagumpay na operasyon kay Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na determinasyon ng bata na malagpasan ang kanyang karamdaman.“Humanga kami sa kanyang ipinakitang lakas ng loob sa halos limang oras na operasyon upang palitan ang kanyang bato na may misteryosong depekto ,” sabi pa ni Alano.
Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo kataong dalubhasang doktor na umopera kay Bordi, bagaman hindi magkatugma ang ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon ay aayon” sa sistemang katawan ni Bordi.
“Malaki ang aming paniniwala na pagkatapos ng dalawang linggong obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa kanyang katawan,” wika ni Dr. Una. Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery room na ng ospital at umaasa sa kanyang tuluyang paggaling. Umaasa rin si Bordi na paggaling niya ay makalaro ang kanyang paboritong child actor na si Vandolph, ang anak ng pamosong komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno.
“Sana, dumalaw rito si Vandolph para kami ay makapaglaro at makapagkuwentuhan at pagkatapos ay magkasalo kaming kakain ng alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni Bordi sa kanyang tiyahing si Honey Geocadin Vidal. Samantala, taos-pusong pinasalamatan ni Bordi at ng buong pamilya Geocadin ang mga taong nagmamalasakit sa bata para malagpasan nito ang krisis na naganap sa kanyang buhay.
Jane Eleda – Mahla
Sino ang paboritong artista na nais makalaro ni Bordi?
Alma Moreno
Dolphy
Eric Quizon
Vandolp
Ibig kong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibinebentang mga produkto o sasakyan. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
obitwaryo
klasipikadong anunsyo
pangunahing balita
balitang isports
Sumasakit ang paa ni Roel dahil kumain na naman siya ng mani. Alin ang parirala na matatawag na sanhi?
paa ni Roel dahil
dahil kumain na naman siya ng mani
sumasakit ang paa ni Roel
siya ng mani
Tahimik dito sa aming lugar dahil mapayapang sinusunod ng mga tao rito ang mga batas. Ano ang dalawang salitang magkasingkahulugan?
lugar-tahimik
tahimik-mapayapa
tao-dahil
batas-tao
