NEW
Font size
WorksheetsIbong Adarna Saknong 171-336
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ano ang ipinapakitang katangian ng matandang ermitanyo kay Don Juan batay sa saknong na ito - "Don Juan masusubok ko katibayan ng loob mo; kung talaga ngang totoo ako'y tutulong sa iyo."?
Mapagmataas
Matulungin
Mapagkumbaba
Maramot
Saan natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna?
Sa puno ng saging
Yungib
Piedras Platas
Dampa
Alin sa sumusunod ang katangiang ipinakita ni Don Pedro sa akda?
Matulungin
Mapagpasensiya
Mainggitin
Matalino
Bakit nabigyan ng pagkakataon si Don Juan na matulungan ng ermitanyo?
Sapagkat siya ay matalino
Dahil siya ay matulungin
Dahil siya ay may mabuting puso
Sapagkat siya ay isang Prinsipe
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa saknong na ito - "Huwag nating tutularan ang ugaling di mainam na kaya dumaramay ay nang upang madamayan."?
Dapat na tumulong sa taong mayaman
Iwasan ang pagtulong nang hindi bukal sa puso
Maging mainggitin sa kapwa
Huwag tumulong sa kapwa
Bilang isang kapatid, alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat mong tularan?
Mainggitin
Magastos
Magagalitin
Mapagmahal
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananalig sa Diyos?
"Hindi niya nalimutang tumawag sa Birhng Mahal, lumuluhang nanambitang tangkilikin kung mamatay."
"Kung wala nan kapalarang humaba pa yaring buhay, loobin mo, Inang Mahal, ang ama ko ang mabuhay."
"Saka yang kawanggawa na sa Diyos na tadhana, di puhunang magagawa nang sa yama'y magpasasa."
"Kung hindi man ay totoong himala ng Diyos ito na pakita nga sa tao't nang ang loob ay mabago."
Bakit hindi nakasama si Don Juan sa pag-uwi sa Kaharian ng Berbanya?
Hinitay niya ang ermitanyo
Nakakita siya ng babaeng iniibig
Binugbog siya ng kaniyang kapatid
Naiputan siya ng Ibong Adarna
Paano nakaligtas si Don Juan sa bingit ng kamatayan?
Niyakap siya ng kaniyang mga kapatid
Nanalangin siya sa Diyos na iligtas
Tinulungan siya ng isang matandang ermitanyo
Pinainom siya ng gamot ng kaniyang ama
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliranin sa lipunan?
Pagtataksil sa mga taong nagtiwala sa iyo
Pag-angkin sa ga bagay na hindi mo pag-aari
Pagiging bukas palad sa nangangailangan
A at B
Ano ang nagpatibay ng loob ni Don Juan sa kabila ng kaniyang paghihirap?
Pagmamahal sa magulang
Pananalig sa Diyos
Pagmamahal sa kaaway
A at B
Ano ang kahulugan ng saknong na ito - "Uuwi sa kaharian sa pag-ibig sa magulang, may araw ring malalaman ang nangyaring kataksilan."?
Nabubunyag ang mga sekreto
Uuwi si Don Juan
Sasabihin ang sekreto
Lalabas ang totoong anyo ng ibon
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng inggit sa ating mga puso?
Dapat na maging kontento tayo sa kung anong mayroon tayo
Gawing inspirasyon ang mga bagay na natatamo ng ating kapwa upang mapaunlad ang sarili
Iwasan ang pagkukumpara ng sarili sa iba
Lahat ay tama
Nararapat ba tayong magkaroon ng utang na loob sa mga taong tumulong sa atin?
Oo, para tulungan tayo ulit
Oo, sapagkat ito'y nagpapakita ng pasasalamat
Hindi, dahil hindi naman natin hiniling na tayo ay tulungan
Hindi, para hindi na tayo tulungan
Ano ang ipinahihiwatig ng saknong na ito - "Dito mo nga makikita ang papuring palamara ang yakap na lumayas ka at pagsuyong lason pala."?
Hindi lahat ng ipinapakita ng isang tao ay totoo
Lahat ng tao sa mundo ay mapagkunwari
Huwag magtiwala sa mga kakilala
May mga kilos at gawi ang tao na hindi bukal sa kaniyang puso
