Worksheets4th Quarter Filipino 4
Total questions: 50
Worksheet time: 5hrs 50mins
Ano ang pinakaangkop na sasabihin upang mahikayat ang iba na tikman ang ginawa mong
potato salad?
Napakasarap ng potato salad.
Gusto mo bang kumain ng potato salad?
Ginawa ko ang potato salad para sa ating lahat.
Sobrang sarap ng potato salad! Halika at tikman mo.
Nais mong ipakilala ang niluto mong strawberry Jam sa iyong mga kaklase. Paano mo ito
sasabihin sa pangungusap ng patanong?
Napakasarap ng aking nilutong Strawberry Jam.
Sobrang sarap ng aking nilutong Strawberry Jam!
Nagluto ako ng Strawberry Jam at ipatitikim ko sa inyo.
Nais mo bang tikman ang niluto kong Strawberry Jam?
Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.
Ang Luzon ay may karatig na pulo.
Ang Luzon ay binubuno ng walong rehiyon.
Pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas ang Luzon.
Palawan, Mindoro, Masbate, Romblon, Catanduanes, Marinduque,
Polillo, at Batanes ang karatig na pulo.
Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.
Dumating ang barkong Thomas noong 1901.
Thomas ang tawag sa mga gurong Amerikano.
Ang unang guro sa bansa ay mga sundalong Amerikano.
Thomasites ang nagpunla ng maka-Amerikanong pananaw ng mga Pilipino.
Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.
May potassium ang strawberry.
Ang strawberry ay masustansiya.
Mayaman ang strawberry sa folic acid.
Mga benepisyong nakukuha sa strawberry.
Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.
Paggamit ng facemask
Mga iiwasan sa panahon ng pandemya
Mga dapat gawin para malusog ang katawan
Mga gawain upang makaiwas sa COVID-19 virus
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Nagdulot ng pandemya ang COVID-19 kung saan maraming tao ang sunod-sunod na namatay
sa ating bansa.
Pagkamatay ng mga tao
Isang uri ng sakit na walang lunas
Isang sakit na nararamdaman ng iisang tao
Pang- internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Sino kaya ang mapipiling pangulo sa darating na halalan?
Pagboto sa piniling kandidato
Pagpili ng tao sa listahan ng polyeto
Pagsulat sa pangalan ng isang kandidato
Pagsasabi ng gustong manalo sa eleksiyon
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Ginamit ni Mang Kiko ang asarol sa paghahanda ng munting halamanan.
Pang-araro
Panggatong
Pangbungkal ng lupa
Pampitas ng bunga ng prutas
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Maraming mga Pilipino ang tanyag sa pag-awit maging sa ibang bansa.
Dumagsa
Kilala
Pumunta
Tumakbo
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Tunay na nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa ang mga makabagong teknolohiya.
Kaisipan
Makinarya
Pamumuhay
Pangarap.
Suriin ang mga sitwasyong nakatala at piliin ang tamang salitang
iyong sasambitin sa bawat sitwasyon.
Inatasan ka ng iyong guro upang kapanayamin ang iyong kaibigan tungkol sa mga paborito
niyang isport. Ano ang una mong sasabihin bilang pagbati?
Puwede ba kitang makapanayam?
Aba! Napakaganda ang napili mo.
Bakit iyon ang napili mong isport?
Magandang araw sa iyo kaibigan.
Suriin ang mga sitwasyong nakatala at piliin ang tamang salitang
iyong sasambitin sa bawat sitwasyon.
Gusto mong tanungin ang iyong kaibigan kung bakit basketball ang paborito niyang isport.
Ano ang sasabihin mo?
Aba! Napakaganda ang napili mo.
Bakit iyon ang napili mong isport?
Magandang araw sa iyo kaibigan.
Pwede ba kitang makapanayam?
Suriin ang mga sitwasyong nakatala at piliin ang tamang salitang
iyong sasambitin sa bawat sitwasyon.
Nais mong kapanayamin ang iyong lolo tungkol sa paborito niyang bayani. Ano ang una
mong itatanong?
Paborito ko din po siya, lolo.
Napakahusay siyang bayani.
Maaari mo ba siyang ilarawan?
Sino po ang paborito mong bayaning Pilipino?
Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Sino ang maaaring hawaan ng corono virus?
Hindi ko po alam.
Lahat po ng tao.
Mga mahihirap na mamamayan.
Mga mayayamang mamamayan.
Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Ano sa inyong palagay ang nais ipabatid ng may gumuhit nito?
Ang corona virus ay sakit sa tiyan.
Mag-panic kapag nagsusuot ng facemask.
Mag-ingat sa corona virus dahil nakamamatay ito.
Ang corona virus ay isang ordinaryong sakit lamang.
Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Anong mensahe ang nais ipabatid ng editorial cartoon?
Maaaring magtambak ng basura sa tabing-dagat.
Pinapayagan ang pagtapon ng basura sa dagat.
Hinihikayat na dapat magtapon ng basura tabing-dagat.
Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa tabing-dagat.
Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Sa editorial cartoon na iyong natunghayan, ano ang mangyayari sa mga basura na nakatambak
sa ilog?
Mabubulok nang kusa
Maidadagdag sa mga kalat
Pamamahayan ng mga isda
Magiging dekorasyon sa dagat
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.
Papunta ka sa simbahan nang makasalubong mo si Aling Maria. Ano ang sasabihin mo?
Magandang araw
Magandang araw naman
Anong maganda sa araw?
Magandang araw po, Aling Maria.
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.
Isang umaga, tumawag sa telepono ang guro ng kuya mo at ikaw ang nakasagot. Ano ang
sasabihin mo?
Wala siya rito ngayon.
Hindi ko alam kung nasaan siya.
Sandali lang at tatawagin ko siya.
Sandali lang po, tatawagin ko siya.
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.
Nakikipagtalastasan ka tungkol sa paksang, “Blended Learning, lubos na nakatutulong
kaysa sa Modular Learning.” Ano ang sasabihin mo upang maiparating na sumasang-ayon
Basta para sa akin, mas nakatutulong ang Modular Learning kaysa sa Blended Learning
Hindi ko masasabi kung mas nakatutulong nga ba ang Blended Learning kaysa sa Modular
Learning.
Sumasang-ayon ako na mas nakatutulong ang Blended learning kaysa sa Modular
Learning dahil kombinasyon ito ng dalawa o higit pang uri ng distance learning.
Hindi! Mas maganda ang Modular Learning kaysa sa Blended Learning dahil wala kaming
kagamitan para sa Blended Learning dahil marami ang gumagamit sa Modular kaysa sa
Blended.
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.
“Magandang umaga. Kumusta ka?” ang bati at pangungumusta ng iyong guro. Ano ang
isasagot mo sa iyong guro?
Hello ma’am! Mamaya ko po sasabihin sa iyo.
Magandang umaga rin po, ma’am. Mabuti po ako.
Magandang umaga rin po ma’am. Saan po kayo nanggaling ma’am?
Hello po ma’am. May dala po akong masarap na pasalubong para sa inyo.
Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga tanong.
Napakaraming masasarap na almusal ngunit ang aking paborito ay Silog. Ito ay pinagsamang
Si (mula sa salitang Sinangag) at log (galing sa salitang itlog). Ang sinangag ay kanin na ipinirito
gamit ang mantika. Ang itlog naman ay maaaring iluto sa iba’t ibang paraan. Ito ay mahalaga dahil
nagtataglay ito ng protina. Ang “silog” ay nangangahulugang sinangag na may kasamang itlog bilang
ulam sa almusal.
Ano ang natuklasan mong ibig sabihin ng Silog?
Pagkain para sa isang almusal
Sinangag na may kasamang itlog
Sinigang na may kasamang itlog
Pinagsamang sili at piniritong iltog
Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga tanong.
Ang pagbabasa ay isang gawaing nagpapaunlad ng ating kaalaman. Sa pamamagitan nito,
nalalakbay natin ang mga lugar na hindi pa natin napupuntahan. Nakakakuha rin tayo ng iba’t ibang
impormasyon. Nabibigyan na rin tayo ng gabay na maaari nating gamitin sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.
Ano ang natuklasan mong kaalaman mula sa teksto?
Nakakabagot ang pagbabasa.
Napauunlad ng pagbabasa ang kaalaman.
Ang pagbabasa ay lubos na nakatutulong sa atin.
Kaunting kaalaman lang ang makukuha sa pagbabasa.
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Ano ang layunin ng pagpupulong?
Gumawa ng plano para sa programang, Save Mother Earth.
Gumawa ng plano upang malutas ang problema ng barangay.
Pag-usapan ang mga kakailanganin sa pagtatanim ng mga puno.
Pag-usapan kung ano ang dapat gawin para sa programang, Save Mother Earth.
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Bakit itinaguyod ang programang, Save Mother Earth?
Muling isagawa ang pagtatanim ng mga puno.
Iligtas ang mundo sa kinakaharap na panganib.
Ingatan ang mga kagubatan mula sa illegal loggers.
Mahigpit na ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa ilog.
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Ano-ano ang mga mungkahi ng mga dumalo upang maisakatuparang ang programa?
Ipagbawal ang pagputol ng kahoy, pagbabasura sa ilog, at pagsusunog ng mga basura.
Agad na magtatanim ng puno, maglilinis ng bakuran at magpupulot ng mga basura sa ilog.
Isasagawa ang pagtatanim ng puno, paglilinis ng estero at kanal, at pagpapatupad ang
wastong pagtatapon ng basura.
Ipapatupad ang wastong pagtatapon ng basura, paglilinis sa mga ilog, at pagtatanim ng
mga halaman sa bakuran.
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Alin sa tingin mo ang puwede pang maimungkahi para sa programang, Save Mother Earth?
Pagpasok ng mga bata sa paaralan
Pagsusunog ng basura kung kinakailangan
Pag-aalaga ng mga mababangis na mga hayop
Pagpapatupad sa 5 Rs (Recyle, Reuse, Repair, Reduce and Recover)
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Alin ang maaaring mangyari kung maisasagawa ang mga mungkahi ayon sa plano?
Magiging masaya ang mga tao sa Barangay Masikap.
Makikilala ang Barangay Masikap sa pagiging masunurin.
Maisasalba ang Barangay Masikap mula sa panganib dulot ng pagkasira ng kalikasan.
Mabibiyayaan ang Barangay Masikap dahil marunong silang gumawa ng iba’t ibang plano.
Basahing mabuti ang katitikan ng pagpupulong at sagutin ang mga tanong.
Batay sa iyong binasa, ano masasabi mo sa mga tao sa Barangay Masikap?
Walang pagkakaisa ang mga taga Barangay Masikap.
Wala nang pakialam ang mga tao sa kanilang paligid.
Umaasa lamang ang mga tao sa kanilang punongbarangay.
Mayroon silang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang lugar.
Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa pagpupulong.
Tagapangulo: Paano natin mapagaganda ang ating paaralan?
Miyembro 1: ______________________________________.
Sa wakas ay mapapaganda na rin ang ating paaralan.
Yehee! Magdadala ako ng itatanim na bulaklak bukas.
Tagapangulo, kailangan bang pagandahin ang ating paaralan?
Iminumungkahi ko na magtatanim tayo ng bulaklak sa paligid ng paaralan.
Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa pagpupulong.
Miyembro 2: Bigyan din natin ng pansin ang ating mga basura.
______________________________________.
Dapat magdala ang mga bata ng kanilang sariling basurahan.
Dapat ipauwi sa mga mag-aaral ang kani-kanilang mga basura.
Kailangan natin pag-aralan ang wastong pagtatapon ng basura.
Kailangang tawagin ang mga magulang upang linisin ang kalat sa paaralan.
Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa pagpupulong.
Miyembro 3: ______________________________________. Dito natin ilalagay ang mga
basurang puwede pang pakinabangan tulad ng lata, plastic at iba pa.
Magdala tayo ng tig-iisang malalaking lata.
Puwede kaya tayong gumawa ng compost pit?
Magpapagawa rin tayo ng malalaking basurahan.
Maaari kayang magpagawa ng Material Recovery Facility?
Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa pagpupulong.
Miyembro 4: ______________________________________.
Miyembro 5: Pinapangalawahan ko po.
Napakaganda lahat ng nabanggit kaya iminumungkahi ko pong simulan na ang
pagtatrabaho.
Magalang ko pong iminumosyong sarhan na ang mesa sa pagtanggap ng mga
mungkahi.
Magaling! Lahat ng mungkahi ay magaganda kaya gawin na natin sa madaling
panahon.
Mahirap mapaganda ang ating paaralan kaya mahalagang pag-aralan natin ang
bawat mungkahi.
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Tungkol saan ang balita?
Guro ng pampubliko at pampribadong paaralan
Paghahanda para sa limited face-to-face classes
Balita tungkol kay Waren Santos at Marinel Lopez
Pagsisimula ng Limited face-to-face classes
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Alin ang inihahanda para sa limited face-to-face classes?
Mga pampublikong mga paaralan lamang
Mga pampribadong mga paaralan lamang
Mga pampubliko at pambridadong mga paaralan
Mga napiling pampubliko at pambribadong mga paaralan
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Ano ang kakailanganin upang mabigyan ang paaralan ng permiso na mag-face-to-face
classes?
Magawa o makompleto ng paaralan ang nasa SSAT
Kailangang mabisita ang paaralan ng mga taga-DILG
Maitala ang kakailanganin para sa face-to-face classes
Maturuan ang mga mga guro at mag-aaral tungkol sa SSAT
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Kailan magsisimula ang limited face-to-face?
Sa susunod na araw
Sa susunod na buwan
Sa susunod na lingo
Sa susunod na taon
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Sino ang nagsabi sa detalye ng balita?
Balitang Umaga
Marinel Lopez
Radyo ng Bayang
Waren Santos
Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong.
Saan programa ka nakikinig?
Sa Balitang Umaga ng 139.99
Sa Balita idinetalye ni Marinel Lopez
Sa Balitang iniuulat ni Waren Santos
Sa Balitang Umaga ng isang TV channel
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Alin ang sasabihin ng Anchor bilang panimula ng kaniyang programa?
Hanggang sa susunod na pagbabalita, mga kaibigan.
Mamamayan ng Barangay Malinis, dumagsa sa pangangampaniya.
Muling magbabalik ang Balitang Tanghali makalipas ang ilang paalala.
Magandang umaga, kababayan! Kayo’y nakikinig sa Balitang Tanghali.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Alin ang maaaring pahayag ng isang tagapagbalita ng mga detalye?
Hanggang sa susunod na pagbabalita, mga kaibigan.At ‘yan ang mga nakalap nating balita sa araw na ito.
Muling magbabalik ang Balitang Tanghali makalipas ang ilang paalala.
Magandang tanghali, kababayan! Kayo’y nakikinig sa Balitang Tanghali.
Maraming mga tao ang dumalo sa pagpupulong na ginanap sa Barangay Malinis
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pananaw na ito: “Isama mo ako sa sumasang-
ayon sa ipapatupad na proyekto.”
Pasalaysay
Padamdam
Patanong
Pautos
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Iminungkahi ng pangulo ng inyong organisasyon na magkakaroon kayo ng tree planting.
Paano mo ipapahayag ang inyong pananaw sa positibong paraan?
Sinusuportahan ko ang sinabi mo sa pulong.
Iyan ang nararapat nating gawin kaysa maglaro ng basketbol.
Naku, hindi ako makakasama sa inyo dahil marami akong gawain
Sumasang-ayon ako sa mungkahi mo dahil malaki ang maitutulong ng tree planting.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Narinig ko ang paliwanag mo kanina, ____________________?
Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
Ano kaya kung sabihin mo ito sa lahat?
Wala ka bang pagsisisihan sa sinabi mo?
Saan mo ba nakuha ang impormasyong iyan?
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat
bilang.
Paano mo sasabihin ang iyong pananaw tungkol sa Distance Learning?
Nakakabagot ang distance learning kaya magtrabaho na lang kami.
Lahat ng mga bata ay makakapag-aral kung susuportahan ng mga magulang.
Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
Maganda ang distance learning kung magagabayan ng lahat ng mga magulang ang
kanilang mga anak.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.
“Para sa akin, hindi dapat kumain ng junk foods dahil nakakasama sa kalusugan.”
Anong uri ng pangungusap ang ginamit?
Pasalaysay
Padamdam
Patanong
Pautos
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.
Alin ang nagpapahayag ng pagsang-ayon sa isyung, “Mas epektibo ang blended learning kaysa
sa modular”
Parehong epektibo ang blended at modular learning dahil parehong natututo ang mga mag-
aaral.
Mas epektibo ang modular dahil nakikiisa ang mga magulang sa pagkuha, pagsagot at
pagpasa ng mga modyul.
Sumasang-ayon ako na mas epektibo ang blended learning kaysa sa modular dahil gumagamit ito ng dalawa o higit pang pamamaraan ng pag-aaral. Dahil dito ay mas matuto
ang mga mag-aaral.
Hindi ako pabor sa blended learning dahil hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahang
magkaroon ng sariling gadget para makapag-online o kaya naman ay may mga lugar walang koneksiyon sa internet.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nararapat na sabihin ng tagapamagitan sa
huling bahagi ng debate?
Ang debateng ito ay tapos na. Puwede nang humusga.
Lahat ng panig ay nakapagsalita ng maayos. Maaari nang humusga.
Ang bawat panig ay nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon. Husga na.
Mukhang bawa’t katuwirang inilahad ng dalawang panig ay mahalaga. Ngayon mga kaibigan
kayo ang humusga?
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.
Aling ang nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa isyung, “Ang Junk food ay dapat
ipagbawal sa mga paaralan.”
Tama na ipagbawal ang junk food sa mga paaralan dahil nakasisira ito sa kalusugan ng mga
mag-aaral.
Sang-ayon ako na ipagbawal ang junk food sa mga paaralan upang mapahalagahan ang
kalusugan ng mga mag-aaral
Hindi kailangan ipagbawal ang junk food sa mga paaralan dahil ang mga bata ay sadyang
mahilig sa mga pagkaing junk food.
Marapat lamang na ipagbawal ang junk food sa mga paaralan upang maiwasan ang
pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng mga sakit.
