wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Piliin mo ako

Total questions: 9

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo. Alin sa mga salik na ito sinusuri ang halaga ng bilihin?

a)

Presyo

b)

Mga Inaasahan

c)

Pagkakautang

d)

Demonstration Effect

2.

Ang (a)   ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Kapag mababa ang sahod ng isang tao ay nangangahulugan ng pagbaba rin ng kanyang kakayahan na kumonsumo.

3.

Sa nakikita, naririnig at napapanood ng tao sa facebook, twitter at instagram, malaki ang impluwensya nito sa kanilang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ito ay halimbawa ng mga makapangyarihang (a)   ng ating lipunan.

4.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang epekto ng pag-aanunsiyo?

a)

Bumili ng bagong smart phone si Ruby dahil mas bago ang mga features nito.

b)

Pinili ni Stephen ang produktong mura ngunit maganda ang kalidad.

c)

Binili agad ni Sheildon ang limited edition ng bag sa online shop.

d)

Paboritong artista ni Ethan si Alden Richards kaya bumili siya sa produktong ini-endorso nito.

5.

Sino ang ekonomistang British na may-akda sa aklat na "The General Theory of Employment, Interest and Money" na nagsabing malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?

a)

Adam Smith

b)

Robert E. A. Farmer

c)

John Maynard Keynes

d)

Gregory Mankiw

6.

Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo maiiwasan ang pagkabaon sa utang?

a)

Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.

b)

Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.

c)

Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.

d)

Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.

7.

Bakit mahalagang masuri ang iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?

a)

Upang malaman ang iyong karapatan bilang mamimili.

b)

Upang hindi maloko sa iyong pamimili.

c)

Upang maisaalang-alang ang mga proseso sa pamimili.

d)

Upang magamit ng maayos ang produktong nabili.

8.

Ang paggaya ng mga tao sa kanilang naririnig, nakikita at napapanood sa iba't ibang uri ng media na nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao ay tinatawag na (a)   .

9.

Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng (a)   sa tao.