Worksheets2nd Summative Test EPP 5
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit bilang panghasa ng
kasangkapan?
lagari
katam
kikil
zigzag rule
Ang mga sumusunod ay mga kagamitang pambutas, alin ang hindi?
Cross-cut saw
barena
brace
paet
Hirap na hirap si Mang Lito na putulin ang kawayan na gagawin niyang hagdan
dahil sa mapurol na ang mga ngipin ng lagaring kaniyang ginagamit.
Nagmamadali pa naman din siya dahil malapit na ang kanilang pista. Paano mo
matutulungan si Mang Lito?
Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang bato.
Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang kikil.
Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang oilstone.
Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang buhangin.
Gusto mong higpitan o luwagan ang turnilyo, alin sa sumusunod na kagamitan
ang iyong gagamitin?
martilyo
maso
bato
disturninlyador
Sa anong paraan ka nakalalamang kung kabisado mo lahat ang mga kagamitang
pang-industriya?
A. ikaw ay makakatipid sa oras at lakas
B. maging maayos sa pagplaplano upang maging mas madali ang paggawa ng
mga gawain
C. tama ang mga pahayag sa a at b
D. wala sa nabanggit ang sagot
Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa kanilang klase mayroon
silang pangkatang proyekto sa paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala
ng pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas ang kaniyang dadalhin?
martilyo
zigzag rule
lagari
plais
Natapos na ni Mang Jose ang kaniyang nagawang kabinet. Gusto pa niya itong
pagandahin sa pamamagitan ng paglilok ng disenyo. Tulungan mo si Mang Jose
sa pagpili ng kanyang kasangkapang gagamitin. Ano-anong mga gamit ang iyong
pipiliin?
zigzag rule
lagari
paet
martilyo
Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan. Gusto niyang
makuha nang wasto ang lapad at taas nito. Sa palagay mo, anong kagamitan
kaya ang dapat niyang gamitin?
plais
zigzag rule
martilyo
paet
Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin niyang masyadong
mataas ang paa nito. Kaya kinuha niya ang _________ para putulin ang sobrang
bahagi nito.
lagari
martilyo
zigzag rule
plais
Mainam na gagamitin ang __________ bilang pamukpok at pambaon sa pako at
paet.
martilyo
zigzag rule
lagari
plais
Anong uri ng kagamitan ang ginagamit bilang pamutol ng pahalang sa
hilatsa ng kahoy?
paet
cross cut saw
katam
plais
Si Mang Juan ay may pakikinisin na kahoy, ano ang gagamitin niyang
kagamitan?
hasaan
liyabe
katam
lagari
May napansin si Kuya na may nakausling pako sa upuan, anong
kagamitan ang kailangan niya para maayos ito?
lagari
martilyo
paet
barena
Ang kikil at Oil Stone ay kagamitang ____.
Panghasa
Pamutol
Panukat
Pampakinis
Anong kagamitan ang gagamitin kung may luluwagan o hihigpitan na
turnilyo?
liyabe
disturnilyador
martilyo
hasaan
Si Maria ay may gugupitin na manila paper sa kanyang aralin, ano ang
dapat niyang gamitin?
lagari
plais
gunting
kikil
Ito ay ginagamit na pang-ukit at sa paggawa ng mga butas at
hugpungan sa kahoy.
gunting
lagari
paet
disturnilyador
May tatanggalin si Eddie na gripo, anong kagamitan ang dapat niyang
gamitin?
plais
katam
liyabe
maso
Anong kagamitan ang gagamitin sa pagputol ng pakurba sa gawaing-
kahoy?
zigzag rule
gunting
brace
coping saw
Uri ng pang-ipit upang maiwasang gumalaw ang materyales na
puputulin.
C Clamp
disturnilyador
kikil
hasaan
