Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4th Quarter Reviewer Grade 3

Total questions: 67

Worksheet time: 1hrs 7mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang palay ay isa sa mga pangunahing

  1. produkto ng mga magsasaká sa ating bansa.
    Ang nangungunang rehiyong pinagmumulan nito ay sa Rehiyon 3 at Rehiyon 2.

a)

Tama

b)

Mali

2.
  1. 2. Ang mangga ay tinatawag ding "punò ng búhay" dahil sa napakaraming kapakinabangang nagmumula sa lahat ng bahagi nito mula sa laman, dahon, punò, bao, balát, sabaw, ugat, at maging sa ubod nito.

a)

Tama

b)

Mali

3.
  1. 3. Saging ang pinakamalaking eksport na prutas ng Pilipinas at ang pinakamaraming produksion nito ay nagmumula sa Rehiyon 11 o Rehiyon ng Davao.

a)

Tama

b)

Mali

4.
  1. 4. Ang Lungsod ng Cebu ay tinatawag na
    "Tuna Capital of the Philippines" dahil dito nanggagaling ang pinakamalalaki at pinakamaraming tunang ipinagbibili sa iba't ibang pamilian sa bansa at iniluluwas din sa iba't ibang bansa.

a)

Tama

b)

Mali

5.
  1. 5. Ang ating bansa ay isang kapuluan kayâ
    naman pangingisda ang isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

6.
  1. 6. Mahalagang sektor o bahaging ating lipunan ang mga negosyante o namumuhunan sapagkat nakapagbibigay silá ng trabaho o hanapbuhay sa ating mga kababayan.

a)

Tama

b)

Mali

7.
  1. 7. Ilan sa mga trabahong mga manggagawang nonskilled ay guro, abogado, at arkitekto.

a)

Tama

b)

Mali

8.
  1. 8. Mas maraming negosyo ang matatagpuan sa malalaking lungsod ng bansa dahil maraming tao ang naninirahan dito.

a)

Tama

b)

Mali

9.
  1. 1. Nakatira sina Mang Bestre sa tabing-dagat ng Zamboanga del Norte sa Rehiyon 9. Araw-araw, sakay ng kanyang bangka ay pumupunta siya sa dagat. Inihahagis niya ang kanyang lambat sa tubig at maya-maya pa'y masaya na siya sa kanyang húli. Ano ang hanapbuhay niya?

a)

Magsasaka

b)

Mangingisda

c)

Bangkero

10.
  1. 2. Nakatira sa Lungsod ng Parañaque sa NCR sina Faye. Ang klinika ng nanay niya ay pinupuntahan ng mga pasyente, batà man o matanda para magpaayos, magpalinis, o magpabunot ng ngipin. Ano ang hanapbuhay ng nanay ni Faye?

a)

Dentista

b)

Doktor

c)

Abogado

11.
  1. 3. Nakatira sa malawak na kapatagan ng Nueva Ecija sa Rehiyon 3 sina Patricia. Umagang-umaga pa lang ay nag-aararo na ang kanyang tatay sa bukid. Ang nanay naman niya y nagtatanim ng mga butil. Ano ang hanapbuhay ng magulang ni Patricia?

a)

Mangingisda

b)

Minero

c)

Magsasaka

12.
  1. 4. May-aring isang minimart ang magulang ni Alvin sa Lungsod ng Bacolod sa Rehiyon 6. May apat na empleyado siläng katulong sa pagpapatakbo nito. Matao ang lugar ng minimart kayâ marami ang pumupunta't bumibili rito. Ano ang hanapbuhay ng magulang ni Alvin?

a)

Call Center Agent

b)

Negosyante

c)

Tindero at Tindera

13.
  1. 5. Näsa isang kabundukan ng Zambales sa Rehiyon 3 ang tirahan nina Ronnie. Mayaman sa mga mineral tulad ng chromite ang mga kabundukan dito. Ang tatay ni Ronnie ay isa sa mga taong kumukuha nito sa ilalim ng lupa. Ano ang hanapbuhay ng kanyang tatay?

a)

Minero

b)

Magtrotroso

c)

Magsasaka

14.
  1. 1. Nása kabiláng bahagi ng isang malawak na ilog ang taniman ng gulay ni Mang Carlos.

    Nagbabangka pa siya para maitawid ang mga ani niyang gulay. Kapag tag-ulan at tumaas nang husto ang lebel ng ilog ay hindi na niya naitatawid ang mga ani. Anong impraestruktura ang dapat maipagawa sa kanila?

a)

Kalsada o mga daan

b)

Pamilihan o Palengke

c)

Paliparan o Airport

d)

Pantalan/Daungan o Seaport

e)

Tulay

15.
  1. 2. Naani na ni Mang Carlos ang mga gulay.

    Kayâ lang, hindi ito umaabot nang sariwa sa pamilian dahil hindi nakapapasok ang mga sasakyan sa daanang papunta sa taniman. Kayâ naman, binubuhat na lang niya ang mga produkto habang naglalakad papunta sa pamilihan. Anong impraestruktura ang kailangan sa lugar nila?

a)

Kalsada o mga daan

b)

Pamilihan o Palengke

c)

Paliparan o Airport

d)

Pantalan/Daungan o Seaport

e)

Tulay

16.
  1. 3. Maraming huling isda si Mang Lauro. Kayâ lang, wala siyang paraan para madala ito sa

    malalaking lungsod at maipagbili ang mga isda. Anong impraestruktura ang kailangan sa lugar nila?

a)

Kalsada o mga daan

b)

Pamilihan o Palengke

c)

Paliparan o Airport

d)

Pantalan/Daungan o Seaport

e)

Tulay

17.
  1. 4. Nakapag-ani ng mga asparagus, lettuce, at iba pang mamahalin subalit madaling masirang gulay si Mang Karding. Kailangang madala agad sa pinakamabilis na paraan sa malalaking lungsod ang mga ani niya. Anong impraestruktura ang kailangan sa lugar nila?

a)

Kalsada o mga daan

b)

Pamilihan o Palengke

c)

Paliparan o Airport

d)

Pantalan/Daungan o Seaport

e)

Tulay

18.
  1. 5. Kabilang ang lugar nina Aling Tinay sa mga lugar sa bansa na ang mga bumibili at nagtitinda ay wala man lang masilungan kapag matindi ang sikat ng araw at nabábasâ naman kapag umuulan. Anong impraestruktura ang dapat itayo sa lugar nila?

a)

Kalsada o mga daan

b)

Pamilihan o Palengke

c)

Paliparan o Airport

d)

Pantalan/Daungan o Seaport

e)

Tulay

19.
  1. 1. Magnenegosyo si Carisse. Bago pa siya nagsimula ay dumalo siya sa seminar na inorganisa ng DTI sa lalawigan nila para matutuhan niya ang mga paraan sa pagsisimula nito.

a)

Tama

b)

Mali

20.
  1. 2. Napansin ni Jun na maraming bumibili sa bagong tayóng tindahan ng barbecue sa may labasan. Kinabukasan ay isa na rin siya sa napakaraming nagsimula na rin ng pagtitinda ng barbecue sa lugar na ito.

a)

Tama

b)

Mali

21.
  1. 3. Nagsimula ng negosyong karinderya si Mang Celso. Masarap at múra pa ang mga panindo kayã dumami na ang kanyang mga kostumer. Naisip niyang palakihan pa ang kanyang lugar para mas maraming kostumer ang makakain. Nagpunta siya sa bángko para manghiram ng karagdagang puhunan.

a)

Tama

b)

Mali

22.
  1. 4. Bangus ang pangunahing produkto sa Pangasinan. Dahil mahusay magluto, naisip ni
    Aling Puring na gawing negosyo ang masarap na bangus sardinas. Ngayon ay nailuluwas na at naipagbibili sa mga weekend market sa Metro Manila ang kanyang espesyal na bangus sardinas.

a)

Tama

b)

Mali

23.
  1. 5. Nag-isip magnegosyo ng mga produktong mula sa niyog si Randy. Nanghiram siya ng puhunan sa isang bángko. Kayâ lang, nahirapan siya kayâ huminto at ang hiniram na puhunan ay naubos. Ngayon ay sinisingil na siya sa inutang niya pero wala siyang maibayad dahil hindi naman niya itinuloy ang negosyo.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 1. Gáling sa pamilya ng mga politiko

a)

Tama

b)

Mali

25.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 2. Maganda o guwapo

  2. 

a)

Tama

b)

Mali

26.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 3. Mahusay o magaling

  2. 

  3. 

a)

Tama

b)

Mali

27.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 4. Maka-Diyos

  2. 

  3. 

  4. 

a)

Tama

b)

Mali

28.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 5. Masipag

  2. 

a)

Tama

b)

Mali

29.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 6. Mayaman

  2. 

  3. 

a)

Tama

b)

Mali

30.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 7. May malasakit sa taumbayan

  2. 

  3. 

  4. 

a)

Tama

b)

Mali

31.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 8. Sikát o kilalá ng marami

  2. 

  3. 

  4. 

  5. 

a)

Tama

b)

Mali

32.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 9. Tapat at mapagkakatiwalaan

  2. 

  3. 

  4. 

  5. 

a)

Tama

b)

Mali

33.

Kung ikaw ay isang botante, ano-anong katangian ng mga pinunò ang hahanapin mo?

  1. 10. Sarili lang ang iniisip

  2. 

  3. 

  4. 

  5. 

a)

Tama

b)

Mali

34.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 1. Habang nanonood ng telebisyon si Therese, lagi niyang nakikita ang infomercial na nagbibigay ng mga paraan para makaiwas ang mga tao sa COVID-19 at iba't ibang variant nito. Ang mga paalalang ito ay lagi nang sinusunod ni Therese ngayon para mapanatili ang kanyang kalusugan.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

35.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 2. Ang kapitbahay nina Therese na si Lian ay naging isa sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Buwan-buwan silang may natatanggap na halaga para maitawid ang kanilang mga pangangailangan lalo na para sa pagkain.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

36.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 3. Natutuwa si Therese dahil nag-aaral na ngayon si Lian. Magkaklase sila sa isang pampublikong paaralan. Pero dahil sa pandemya, sa bahay muna sila nag-aaral ng kanilang mga aralin.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

37.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 4. Dahil sa paglaganap ng bagong variant ng COVID-19 ay nagkaroon ng lockdown sa barangay nina Therese at Lian sa Pasig. May mga delata at bigas na ipinadadala ang pamahalaang lokal bilang ayuda dahil hindi makalabas para maghanapbuhay ang mga tao sa barangay.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

38.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 5. Habang naka-lockdown ay nagpapatrulya naman ang mga tanod sa barangay para matiyak na ang mga mamamayan ay mananatili sa kani-kanilang tahanan at tanging essential workers lamang ang makalalabas para gumanap ng kanilang tungkulin.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

39.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 6. Ang tatay ni Therese ay driver ng Grab. Natutuwa siya dahil naging mas mabilis ang biyahe ng mga sasakyan dahil sa bagong gawang Skyway 3.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

40.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 7. Ang Ate Norie ni Therese ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Dahil mahusay sa pagba-bake ay naisip niyang magtinda ng cake at pastries online. Lumapit siya sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PBG) ng DTI para magabayan siya sa pagsisimula ng mailiit na negosyo.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

41.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 8. Si Tito Kardo, ang panganay na kapatid ng tatay ni Therese ay nag-apply ng loan sa Pag-IBIG para maipaayos ang tahanan nilang nasira ng bagyo. Natuwa ang buong pamilya dahil na-approve ang loan at naiayos na ngayon ang kanilang tirahan.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

42.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 9. Matalino ang kuya ni Lian pero dahil sa hirap ng buhay ay hindi siya makapag-aral sa kolehiyo.
    Mabuti na lamang at naging libre ang tuition sa lokal na unibersidad malapit sa kanila. Ngayon ay nakapag-aaral na si Kuya Ric.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

43.

Anong paglilikongkod ang ipinapakita sa ibaba?

  1. 10. Maagang pumila sa COVID vaccination center ang tatay at nanay ni Lian. Nakatanggap na kasi sila ng text message ng kanilang iskedyul sa pagpapabakuna.

a)

Pangkalusugan

b)

Pang-edukasyon

c)

Pangkapayapaan at pangkaayusan

d)

Pangkabuhayan

e)

Panlipunan

44.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 1. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay

    kapag naka-lockdown ang inyong lugar.

a)

b)

45.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 2. Pagpila nang maayos at pagsunod sa tamang

    distansiya sa pilahan

a)

b)

46.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 3. Pag-iwas lumabas ng bahay kapag ang lugar ay naka-

    lockdown.

a)

b)

47.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 4. Pagtatayo ng negosyong may maliit na puhunan at

    puwedeng ibenta online

a)

b)

48.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 5. Pagbili o pagtangkilik sa mga produktong gawa ng

    mga kababayang nagnenegosyo rin sa lalawigan.

a)

b)

49.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 6. Pagbili lamang ng mga produktong imported o gawa sa ibang bansa

a)

b)

50.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 7. Pagsunod sa paalalang laging paghuhugas ng kamay

a)

b)

51.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 8. Pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa pagpapabakuna na nagdadala ng pangamba sa ibang tao.

a)

b)

52.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 9. Pagsusuot ng mask at face shield kapag nasa labas ng tahanan.

a)

b)

53.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 10. Paggising nang tama sa oras para hindi mahuli sa pagsisimula ng online class

a)

b)

54.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 11. Pakikinig sa guro at pagsasagawa ng mga asignaturang dapat gawin.

a)

b)

55.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 12. Pagsara ng camera para di makita ng guro at mga kaklase ang paglalaro ng video games habang nagtuturo ang guro

a)

b)

56.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 13. Pagsunod sa pamahalaan kapag sinabi nilang kailangan nang lumipat dahil mapanganib ang tinitirhan

a)

b)

57.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 14. Pagpapaalala sa magulang na kailangang hindi mahinto sa pag-aaral ang mga anak kapag ang pamilya ay benepisyaryo ng 4Ps

a)

b)

58.

Ano ang tamang paraan ng pakikilahok para sa bawat proyekto at paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan ang dapat gawin ng mga mamamayan?

  1. 15. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad

a)

b)

59.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 1. Pinaghihiwalay ni Aling Sion ang kanilang mga basurang nabubulok at di nabubulok dahil may iskedyul o araw ng pagkuha sa bawat uri ng basura.

a)
  1. pagpapanatiling katahimikan at kaayusan sa barangay

b)
  1. pagsuporta at pagdalo sa mga programa at gawaing inoorganisa ng barangay

c)
  1. pagtatapon nang maayos at tama sa mga basura

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

60.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 2. Nagkakatuwaan sa pagkanta sa videoke sina Raul subalit sinabihan silá ni Nanay na tapusin na nila ito dahil ikasiyam na ng gabi at patulog na ang mga kapitbahay.

a)
  1. pagpapanatiling katahimikan at kaayusan sa barangay

b)
  1. pagsuporta at pagdalo sa mga programa at gawaing inoorganisa ng barangay

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

61.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 3. Nangangailangan ang barangay ng mga taong tutulong sa pagpa-pack ng relief goods para sa mga nasalanta ng baha. Agad nagsabi si Lena na tutulong siya.

a)
  1. pagboboluntaryo para sa ikabubuting komunidad

b)
  1. pagsuporta at pagdalo sa mga programa at gawaing inoorganisa ng barangay

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

62.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 4. Nagdaos ng Fun Run sa barangay para makalikom ng pondo para sa gagawing palaruan kaya't ang buong pamilya ni Tina ay nakibahagi rito.

a)
  1. pagtangkilik sa mga bagay na sariling atin

b)
  1. pagsuporta at pagdalo sa mga programa at gawaing inoorganisa ng barangay

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

63.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 5. Inilalagay muna ni Karen sa kanyang bulsa ang pinagbalatan ng biskwit na kinain niya dahil wala siyang makitang basurahan. Itatapon na lang niya ito kapag may nakita na siyang basurahan.

a)
  1. pagtangkilik sa mga bagay na sariling atin

b)
  1. pagtatapon nang maayos at tama sa mga basura

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

64.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 6. Sa halip na imported na sokolate ay ang

    tsokolateng gawa sa lalawigan nila sa Batangas ang binibili nina Rose.

a)
  1. pagtangkilik sa mga bagay na sariling atin

b)
  1. pagtatapon nang maayos at tama sa mga basura

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

65.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 7. Mangingisdâ ang tatay ni Jenny pero hindi siya gumagamit ng dinamita sa pangingisda dahil nadadamay pati ang malillit na isda sa ganitong paraan.

a)
  1. pagtangkilik sa mga bagay na sariling atin

b)
  1. pagtatapon nang maayos at tama sa mga basura

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

66.

Anong paraan ng pagtulong o pakikiisa ang makikita sa sumusunod na mga sitwasyon?

  1. 8. Umalis ang nanay ni Ron para magbayad ng buwis.
    Panahon na naman kasi ng bayaran ng buwis.

a)
  1. pagtangkilik sa mga bagay na sariling atin

b)
  1. pagtatapon nang maayos at tama sa mga basura

c)
  1. pagbabayad ng tamang buwis

d)
  1. pangangalaga sa ating mga katubigan

67.

Magnus, did you like this kind of reviewer, online?

a)

Yes

b)

Maybe

c)

No