Font size
WorksheetsPagsusulit sa Filipino 8
Total questions: 40
Worksheet time: 24mins
Siya ang binatang nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng Kahariang Albanya.
Adolfo
Florante
Aladin
Balagtas
Ito ang paunang salita ng Florante at Laura na nagsilbing pasasalamat ni Francisco Balagtas sa mga magbabasa ng tulang ito.
Sa Nagbabasa Nito
Sa Babasa Nito
Sa Magbabasa Nito
Siya ang naging inspirasyon ni Francisco Balagtas sa pagsulat ng kanyang obra maestra na “Florante at Laura”.
(a)
Ang awit na isinulat ni Francisco Baltazar ay naisulat niya ito sa loob ng bilangguan, kanino niya ito iniaalay?
Juana Tiambeng
Maria Asuncion Rivera
Maria Clara Rivera
Maria Consolacion Rivera
Ang ama ay haligi ng tahanan, modelo sa pagiging isang matapang at matatag. Subalit ang ama ni Aladin ay hindi makikitaan ng ganoong katangian. Sino ang ama ni Aladin?
Sultan Ali-Abad
Sultan Ali-Badbad
Sultan Ali-Adab
Sultan Ali-Adub
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong ______.
1838
1835
1832
1865
TAMA o MALI.
Ang labis na pagiging tanyag ni Florante sa Atenas ang siyang naging dahilan kung bakit labis ang panibugho ni Adolfo sa kanya.
TAMA
MALI
Ito ang ginamit ni Francisco upang itago ang tunay na layunin ng Florante at Laura at makubli ang paglalarawan sa pagmamalupit at paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa.
Bugtong
Palaisipan
Alegorya
Alegoryo
Si balagtas ang binansagang ____________ dahil sa kanyang nasiulat na walang kamatayang obra maestra na Florante at Laura.
Prinsipe ng Makatang Tagalog
Hari ng Makatang Tagalog
Prinsipe ng Makatang Ilokano
Prinsipe ng Makatang Espanyol
Siya ang unang dilag na bumihag sa puso ni Balagtas at pinagsikapan niyang handugan ng isang tula para sa kanyang kaarawan.
Maria Asuncion Rivera
Magdalena Ana Ramos
Juana Tiambeng
Maria Ana Rivera
Siya ang mayamang karibal ni Francisco Balagtas sa pag-ibig niya kay MAR.
Adolfo
Maryon Kapule
Menandro
Mariano Kapule
Sino ang butihing guro nina Menandro, Adolfo at Florante sa Atenas?
(a)
Bakit agad na pinauwi si Adolfo sa kanilang bayan?
dahil sa tangkang pananaksak niya kay Menandro
dahil sa magaspang niyang ugali sa paaralan
dahil sa kamatayan ng kanyang ama kaya siya pinauwi
dahil sa tangkang pananaksak at pagpataay kay Florante
Alin sa mga sumusunod ang HINDI habilin ni Kiko para sa mga mambabasa?
huwag baguhin ang anomang berso
huwag husgahan ang akda bagkus ay unawain ito
pahalagahan ang kanyang sulatin
huwag kalilimutan ng mambabasa ang pag-iibigan nila ni Selya
Sino ang mabuting guro nina Menandro, Adolfo at Florante sa Atenas?
(a)
Anong uri ng panitikan kabilang ang walang kamatayang obra maestra na Florante at Laura?
Korido
Awit
Prosa
Elehiya
TAMA o MALI
Naisulat ang Florante at Laura sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
TAMA
MALI
Kanino nanilbihan si Balagtas bilang utusan para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Maynila?
Donya Tinay
Donya Teresita
Donya Trinidad
Donya Tessie
Sa kabataan ni Balagtas, saang larangan siya naging bantog?
Pagsulat ng Tula
Pagsayaw sa maraming tao
Pagkanta
Pagsusulat ng Maikling Kwento
TAMA o MALI
Munting nang tuklawin ng mga ahas si Florante habang nakatali sa punong higera.
TAMA
MALI
Ito ang paraang ginamit ni Balagtas sa pagsasalaysay ng kanyang awit na sinimulan sa kalagitnaan ng kabuuang banghay at binalikan ang mga nakaraang pangyayari.
(a)
Ang sumusunod ay mga himagsik sa puso ni Balagtas ayon kay Lope K. Santos, MALIBAN SA ISA.
Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya
Himagsik laban sa Maling Pagsulat
Himagsik laban sa Maling Kaugalian
Himagsik laban sa
Malupit na Pamahalaan
Ito ang pamagat ng akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal na kung saan ginamit niya ang
Florante at Laura bilang inspirasyon sa pagsulat nito.
Ibong Adarna
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
La India Elegante
Bakit hindi tinulungan ni Jose dela Cruz si Balagtas sa pagbuo ng kanyang tulang iaalay sana niya sa dilag na kanyang nililigawan?
Wala siyang dalang pera.
Napapagod nang lubos si dela Cruz sa panahong iyon.
Wala siyang dalang sisiw na ipambabayad.
Nagustuhan din ni dela Cruz ang babaeng ito.
Iguhit ang nakita ni Florante sa kaharian ni Haring Linceo.
Isulat din ang kanyang pangalan sa iyong guhit.
Ito ang naging pangunahing layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya isinulat ang awit na Florante at Laura.
Maipabatid ang kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol.
Maipahiwatig ang kabiguan ng may-akda sa pag-ibig
Paggabay sa mabuting pakikitungo
Pagpapahalaga sa sariling bayan at minamahal
4. Paano napagtagumpayang mailusot ni Balagatas ang kanyang akda sa kabila ng mahigpit na sensura?
A. Gumamit siya ng alegorya sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na
hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa
B. Ang paglalakbay ng mga Moro at Persiyano ay siya ring temang ginamit ni
Balagtas sa kanyang awit
C. Pakikipaglaban ni Balagtas sa mga Espanyol gamit ang dahas.
D. Sekretong pagbuo ng organisasyon na pamamaraan ang ginamit ni Balagtas
upang matagumpay ang pagpapalimbag ng kanyang akda.
Ano ang naging epekto ng pagpapalimbag at paglaganap ng awit na Florante at Laura?
Pinakulong ang mga Pilipino
Dumami ang manunulat na Pilipino
Namatay si Balagtas
Anong isyung panlipunan nahahawig ang mga pangyayari sa pagitan ng Albanya, Krotona, Persya at iba pang mga kaharian sa akda sa kasalukuyang panahon?
Pagkabuo ng United Nations
Korapsyon sa pamahalaan
Taggutom sa mahihirap na bansa
Digmaan sa pagitan ng mga bansa
Ano ang mensahe ng pangungusap sa ibaba?
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan, at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na maglibing.
Matuwa dahil hindi tayo ang namatay.
Malupit at karumal-dumal ang nangyari sa ama.
Magpasalamat sa mga biyayang natanggap.
Ipagmalaki ang nagawang kasalanan.
Bakit tiniis nina Duke Briseo at Princesa Floresca ang sakit na mawalay kay Florante nang ito ay nag-aral sa Atenas?
para ito kapakanan ni Florante
gusto nilang makasama ni Florante si Adolfo
ayaw nilang mapahamak ang kanilang anak
gusto nilang makakita ng kaibigan si Florante
Nanaig kay Florante ang matibay na pananampalataya kaya’t nanalangin siya’t humingi ng awa sa Panginoon. Anong katangian ng mga Pilipino ang kanyang ipinakita?
Maalahanin sa kapwa
Matinding pananampalataya
Bukas ang puso
Kumpyansa sa sarili
Ano ang problemang dala-dala ni Aladin nang mapadpad siya sa gubat na kinaroroonan ni Florante?
Malabong maging sila ng kanyang kasintahan dahil sa kanyang mukha.
Naayos ang buhay niya dahil sa kanyang natamo.
Paalisin ang mga taong nagbigay sa kanya ng pasakit.
Inagaw ang kanyang kasintahan ng kanyang sariling ama.
Bakit kailangang ipagtanggol ni Florante ang kaharian ng Krotona? Dahil…
siya lamang ang natitirang matapang na heneral
ito ang kaharian ng kanyang inang pumanaw
ito ang pinakamayamang kaharian
siya lamang ang may kakayahang gawin ito
TAMA o MALI
Salamin ng kasaysayan ang Florante at Laura kaya naman magagamit ito sa kasalukuyan.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong isinulat ang Florante at Laura ay tungkol sa relihiyon at paglalaban ng mga Kristiyano at Moro
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Layunin ni Balagtas sa kanyang obra maestra ay maging tanyag at mayaman sa pamamagitan ng pagbenta ng kanyang akda.
MALI
TAMA
Ilang saknong ang kabuoan ng obrang Florante at Laura?
499
599
399
299
Saan pinaniniwalaang sinimulan isulat o gawin ni Balagtas ang obrang Florante at Laura?
Sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya
Sa kanyang opisina kung saan siya nagtatrabaho
Sa kulungan kung saan siya unang nakulong
Sa paaralan kung saan siya nag-aaral
Bakit mahigpit ang bilin ng maestro ni Florante sa kanyang pagbabalik sa Albanya?
Natatakot siyang kaibiganin ni Adolfo si Florante.
Hindi alam ni Florante na sa Albanya nakatira si Adolfo.
Nasisiguro niyang maghihiganti si Adolfo kay Florante.
Maisama ni Adolfo si Florante sa kasamaang kanyang gagawin.
