NEW
Font size
WorksheetsAP-QUIZ
Total questions: 35
Worksheet time: 19mins
Pribilehiyong nangangalaga sa mga mamamayan upang hindi makulong nang hindi dumaraan sa tamang paglilitis ngunit sinuspinde na naging daan upang maikulong at hulihin ang mga taong kumakalaban sa pamahalaang Marcos.
plebesito
referendum
subpoena
writ of habeas corpus
Ito ang espesyal na kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos na magampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan.
Coup d’etat
Batas Militar
Referendum
Pambansang Kumbensiyon
Sino ang nagkaroon ng malawak na kapangyarihan sa ilalim ng Batas Militar?
senado
kongreso
pangulo
mamamayan
Alin ang pangyayaring naganap nang ideklara ang Batas Militar ni Pangulong Marcos?
Lumaki ang gastos at katiwalian sa pamahalaan na nagdulot ng paglaki ng utang ng Pilipinas sa ibang bansa.
Naging madalas ang mga pagpupulong, pagrarali, at demonstrasyon ng mga estudyante at mga manggagawa.
Naging magulo ang kalagayan ng pulitika sa ating bansa dahil sa pagsibol ng iba’t ibang
ideolohiya at paniniwala.
Pinaghuhuli ang mga lider ng mga samahang nagsisipagrali, pati na ang mga pulitikong lumaban o sumalungat sa pamamalakad ni Pangulong Marcos.
Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Batas Militar?
I. Marami ang mga nakulong, nawala at namatay.
II. Nakapagbayad ng utang sa ibang bansa ang Pilipinas.
III. Nawala ang kalayaan ng mga tao sa pagsasalita at pagsulat.
IV. Dumami ang mga rebeldeng namundok at naghasik ng kaguluhan.
I, II, III
I, II, IV
III, IV
I, II, III, IV
Anong aral ang naiwan ng pagkakaroon ng Batas Militar?
Dapat masunod ang mga patakarang nais ipatupad ng Pangulo.
Dapat maiwasan ang paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.
Dapat na makiisa ang mga taong-bayan sa pamamalakad ng Pangulo sa ating bansa.
Dapat lumahok ang mga mamamayan sa mga paraan ng pamamahala ng Pangulo.
Sinong senador ang naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos at pinatay sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi niya mula sa Estados Unidos kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang magpagamot?
Jose Diokno
Joaquin Roces
Lino Brocka
Benigno “Ninoy” Aquino
Siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Bonifcaio noong Oktubre 1980 dahil siya daw ay kasabwat sa planong pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos.
Lino Brocka
Teodoro Locsin
Jose Diokno
Jovito R. Salonga
Siya ay pinaratangang pasimuno ng ilegal na demonstrasyon,hinuli at ikinulong ngunit pinakawalan makalipas ang 16 na araw.
Lino Brocka
Joaquin Roces
Jose Diokno
Teodoro Locsin
Tawag sa pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan ng pulitiko.
Crony
Sedisyon
Nepotismo
Colonial Mentality
Naging magulo ang usaping pulitika sa bansa dahil sa ang ilan sa mga nasa pamahalaan ay hindi pabor sa pamamalakad ni Pang. Marcos. Isa na sa mga ito si Benigno “Ninoy” Aquino na pangunahing kritiko ni Pang. Marcos at naging malaking isyu noong panahong iyon ang pagpatay sa kanya. Kailan pinatay si Benigno “Ninoy” Aquino?
Agosto 21, 1972
Setyembre 23, 1972
Agosto 21, 1983
Setyembre 21, 1972
Ang mga sumusunod na mga pangyayari ay naging dahilan ng People Power I, MALIBAN sa isa.
Resulta ng Snap Election
Pagbagsak ng Ekonomiya.
Pinatay si Senador Benigno “Ninoy” Aquino.
Nananawagan si Corazon Aquino sa taong-bayan.
Kailan naganap ang Snap Election o Dagliang Halalan na kung saan masasabing pinaka-kontrobersyal na halalan sa bansa na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap?
Enero 1, 1981
Pebrero 22, 1986
Pebrero 07, 1986
Setyembre 21, 1972
Nangangahulugang ng isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at di-pagtangkilik sa mga serbisyong ibinibigay ito.
Coup D’etat
Lakas ng Bayan
Civil Disobedience
Mapayapang Demonstrasyon
Bakit naging mahalaga sa mga Pilipino ang EDSA Revolution o People Power 1?
Nakatulong ito sa mga sundalo.
Napaalis nito si Pangulong Ferdinand Marcos sa panunungkulan
Naging daan ito para sa pag-unlad ng kalakalan ng bansa.
Naging daan ito para makita ang kanilang suliranin sa kahirapan ng pamumuhay.
Bakit pinairal ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Trade Liberalization?
Para makasapi sa mga samahang global
Para makakolekta ng mas mataas na buwis.
Para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Para makapagbigay ng tulong sa mga magsasaka
Paano napa-unlad ni Pangulong Fidel V. Ramos ang ekonomiya ng bansa?
Nakapapatayo siya ng mga daungan ng barko.
Nakapamuhunan ang Pilipinas sa kalakalan sa ibang bansa.
Nahimok niyang mamuhunan dito ang mga negosyanteng dayuhan.
Nag-imbita siya ng mga dayuhang eksperto sa ekonomiya ng tumulong sa bansa.
Programang pang-ekonomiya ni Pangulong Fidel V. Ramos na naglalayong mabawasan ang kahirapan at matamo ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasaprobado ng mga negosyong pag-aari ng Estado, pag-aalis ng mga regulasyon sa negosyo at pagbubukas ng bansa sa dayuhang mamumuhunan.
Philippines 2000
Sustainable Development
Moral Recovery Program
Ecological Solid Waste Act
Pag-aalis ng Countrywide Development Fund o mas kilala sa tawag na “Pork Barrel” o ang milyon-milyong pisong ibinabahagi sa mga lokal na pamahalaan na di-umano ay napupunta lamang sa mga kawani ng gobyerno sa halip na gamitin sa pagtustos sa pangangailangan ng mga mamamayan ang isa at kilalang naging programa niya. Sino siya?
Fidel V. Ramos
Joseph E. Estrada
Corazon C. Aquino
Rodrigo R. Duterte
Bakit pinatupad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Calibrated Preemptive Response o CPR?
Pagtatago sa katotohanan tungkol sa ginawang pandaraya.
Ipinagbawal ang pagtitipon ng mga mamamayan sa EDSA upang magrali.
Ito ay isang marahas na pamamaraan upang sugpuin ang paglaganap ng pagrarali.
Nagbabawal sa mga opisyal ng militar at mga nanunungkulan sa pamahalaan na tumestigo sa
mga imbetigasyon nang wala siyang pahintulot.
Paano nilutas ni Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III ang suliranin sa pamamahala ng bansa?
Sumasangguni sya sa mga dayuhang dalubhasa.
Nagtatag siya ng mga programang pangkabuhayn para sa mga kabataan.
Inusig niya ang mga pinuno ng pamahalaan na nasasangkot sa korapsyon.
Hinihimok niya ang mga dayuhang mangangalakal na mamuhunan sa ating bansa
Alin sa mga programa ng Administrasyong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pinakamahalaga para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan?
Siguraduhin na ang ating demokrasya ay maging kapakipakinabang sa bawat isa.
Pagpaparami ng trabaho rito sa ating bansa upang hindi na kailanganing mangibang bansa ng mga Pilipino para makahanap ng trabaho.
Pupunan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan, pagtataas ng kalidad ng edukasyon,
kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng maranga na trabaho ang hindi
makapagkolehiyo.
Pagpapatayo ng mga bagong impraestruktura para sa transportasyon, turismo, at
pangangalakal na magbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad at makatutulong sa
pagpapalago ng ating ekonomiya.
Kung ang isang tao ay nasa katwiran, nararapat lamang na magkamit siya ng katarungan anuman ang kalagayan o katayuan niya sa buhay. Anuman ang liping kinabibilangan, ang lahat ng mamamayan sa bansa ay nararapat na bigyan ng pantay-pantay na pangangalaga. Anong karapatan ang tinutukoy dito ayon sa Saligang Batas ng 1987?
Karapatan sa pagiging alipin.
Karapatang kilalanin bilang tao.
Karapatan sa isang makatarungang pasya.
Pantay-pantay na pangangalaga ng batas.
Ang isang nagdemandang tao ay hindi maaaring paratangang isang kriminal hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon sa hukuman at hindi pa naibababa ang hatol. Anong karapatang sibil ang isinasaalang-alang dito?
Karapatang mag-angkin ng ari-arian.
Karapatang maituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan.
Karapatan sa isang makatarungan, hayagan at walang kinikilingang paglilitis.
Karapatan laban sa di-makatwirang pagdakip, pagkulong, o pagpapatapon.
Anong karapatan ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na iparating sa pamahalaan ang kanilang mga karaingan?
Karapatan sa pagmamay-ari
Kalayaan sa pagpapahayag
Karapatang makilahok sa pamahalaan
Kalayaan sa pagtitipon at pagsapi sa samahan
Ito ang ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa. Ito rin ang perang ginugugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan.
Buwis
Batas
Tong
Suhol
Ang mga sumusunod ay mga tungkuling dapat maipakita ng isang matapat na manggagawang naglilingkod sa mga pampubliko at pampribadong kompanya MALIBAN sa isa.
Pagpasok sa takdang oras.
Pagkakaroon ng inggit sa kapwa.
Pagkakaroon ng mabuting saloobin.
Pagkakaroon ng mabuting saloobin.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin o pananagutan ng mamamayang Pilipino?
Paggalang sa batas.
Pangangalaga sa kalikasan.
Maagap na pagbabayad ng buwis.
Lahat ng Nabanggit.
Ito ang islang pinag-aagawan ng mga bansang Taiwan, China, Vietnam, Malaysai at Brunei na nagsimula pa noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang islang ito ay may layong 270 kilometro mula sa baybayin ng Palawan. Ito ay matatagpuan sa gitna ng TImog Silangang Tsina na tinatawag ding KALAYAAN Group of Island.
Turtle Island
Babuyan Island
Spratly Island
Scarborough Shoal
Ito ay ang isang uri ng katiwalian sa pamahalaan na kung saan tumatanggap ng halaga o anumang bagay kapalit ang di pagsusumbong sa isang ilegal na gawain.
Paglustay
Nepotismo
Panunuhol o Bribery
Pangingikil o Extortion
Ito naman ang tawag sa paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang proyekto o transaksyon na masasabing isang uri din ng katiwaliang nagaganap sa pamahalaan.
Nepotism
Paglustay
Panunuhol o bribery
Pangingikil o Extortion
Ano ang tawag sa pag-aalis ng kontrol ng pamahalaan sa iba’t-ibang aspekto ng industriya at agrikultura upang mahikayat ang mga dayuhang negosyante sa bansa?
Sedisyon
Nepotismo
Deregulasyon
Pribatisasyon
Ito ang tawag sa malayang pagpasok ng kalakal mula sa ibang bansa. Sinasabing ang programang ito ay makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya dahil mapipilitan ang mga lokal na industriyang paghusayin at pababain ang presyo ng kanilang mga lokal na produkto. Ito ang dahilan bakit nagkalat ang mga imported na produkto ng bansa.
Nepotismo
Liberalisasyon
Pribatisasyon
Deregulasyon
Mithiin ng bawat mamamayang Pilipino na magkaroon ng maunlad na bansa. Alin sa mga
sumusunod na mga suliraning panlipunan ang nangangailangan ng pagtutulungan ng
pamahalaan ay mamamayan upang matamo ang ninanais na kaunlaran?
Problema sa Kahirapan
Malaking Bilang ng Populasyon
Suliranin sa Ipinagbabawal na Gamot
Lahat ng Nabanggit
Ano ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating sariling produkto?
I. Nagdudulot ng mas maraming hanapbuhay sa loob ng bansa
II. Nagpapalakas sa mga lokal na industriya at negosyo
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
I, II, III
II, IV, I
III, IV, I
I, II, III, IV
