Font size
Worksheets4TH QUARTER TEST_AP10
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Kanino ka dapat magrereklamo kung bahagi ng gobyerno ang nang- abuso ng tao?
Commission on Human Rights
Korte
Militar
Pulis
Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginagamit kung ancg pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak?
Jus Soli
Dual Citizen
Naturalisasyon
Jus Sanguinis
Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC)
African Commission on Human and People's Rights
Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na uri ng karapatan sa Pilipinas?
Natural Rights
Political Rights
Statutory Rights
Constitutional Rights
Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
Karapatang Sibil
Karapatang Pantao
Karapatang Politikal
Karapatang Sosyo - Ekonomik
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay "It is better to light a candle than to curse the darkness."
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC)
African Commission on Human and People's Rights
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
Kambal ito ng ating tungkulin.
Proteksiyon natin ito laban sa pang -aabuso.
Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
Ito ay non-governmental organization. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo.
Free Legal Assistance Group (FLAG)
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)
KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People's Rights
Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pag-sasakatuparan nito sa buong Asya.
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC)
African Commission on Human and People's Rights
Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas ay ang:
Supreme Court
Department of Justice
Philippine National Police
Commisision on Human Rights
Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino?
Artikulo I
Artikulo II
Artikulo III
Artikulo IV
Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
mamamayan ng Pilipinas
nakatapos ng hayskul/sekondarya
labing-walong taong gulang pataas
nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilag isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
Pagkamamamayan
Mamamayan
Makabansa
Makabayan
Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
Wala sa nabanggit
Sa dokumentong ito mababasa ang mga karapatang pantao na maigting na pinahahalagahan ng Republika ng Pilipinas.
Artikulo III ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas
Artikulo I ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas
UDHR
Preamble, Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas
Tinawag itong "International Magna Carta for All Mankind" dahil naglalahad ang dokumentong ito ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal at tinanggap ng UN General Assembly noong 1948.
Bill of Rights
Magna Carta
Universal Declaration of Human Rights
Preamble
Sa anong artikulo ng ating Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa bansa?
Artikulo 1
Artikulo 2
Artikulo 3
Artikulo 4
Ayaw pag-aralin si Antonette ng kanyang mga magulang dahil walang mag -aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
Karapatan sa Edukasyon
Kalayaan mula sa pang -aalipin
Kalayaan mula sa diskriminasyon
Karapatan sa pamamahinga at paglilibang
Aling prinsiyo ng pagkamamayan ang ginagamit kung ang pagkamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkakamamayan ng isa sa mga magulang?
Dual Citizen
Jus Sanguinis
Jus Soli
Naturalisasyon
Si Kevin ay pinaghihinalaang isang terorista at miyembro ng isang grupong extremist sa kanilang lalawigan. Upang mapaamin sa kaniyang hindi umanong mga kasalanan, siya ay dumanas ng torture at ng hindi makataong mga kaparusahan. Anong karapatan pantao ang nalabag sa kanya?
Karapatan sa buhay
Kalayaan mula sa pagpapahirap
Kalayaan mula sa hindi makatwirang pagdakip
Karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis
Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas, MALIBAN sa?
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
Yaong mga naging mamamayan ayon sa Saligang Batas
Yaong mga mamamayan ng Pilipians sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas
Yaong nakatira sa Pilipinas sa loob ng sampung taon
Itinuring na "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Magna Carta ng 1215
Universal Declaration of Human Rights
Ang dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng isang prosesong may kaugnayan sa pagkamamamayan ng isang tao. Anong ligal na proseso ito?
ekspatrasyon
naturalisasyon
pagtatakwil
repatrasyon
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
Si Randolph ay nagdiwang ng kaniyang ikalabingwalong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo siya sa tanggapan ng COMELEC (Commission on Elections) sa kanilang siyudad upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan?
Magparehistro at bumoto
Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas
Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain
Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Si Joaquin na sumailalim sa proseso ng expatriation.
Si Jyrhone na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
Si Maynard na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
Si Jaymark na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?
Si Jona Mae na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
Si Ryza Mae na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
Si Shaina Mae na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
Lahat ng nabanggit
Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan
ng isang bansa?
Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
Si Renz Mark na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
Si Jasmin na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
Si DJ na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
Si Xander na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
Ipinanganak sa ibang bansa
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
Si Nelvie ay lumahok sa HARIBON Foundation.
Si Cherry Pink na naging pangulo ng kooperatiba ng kanilang barangay.
Si May Anne na nagpakita ng matinding pagtutol sa mga katiwalian sa pamahalaan.
Si Ershirl na kasama ng mga opisyal ng pamahalaan na bumabalangkas ng mga programa para sa bayan.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng 'kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan'?
Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
Pag-anib sa mga people's organization tulad ng samahang Gabriela
Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto
Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan ng bansa?
Bibliya
Batas
Saligang Batas
Saligang Aklat
Paano maipakikita ng isang mamamayan ang kanyang pagkamakabansa?
Ibinoboto ang mga sikat na personalidad.
Tinatangkilik ang mga produktong imported.
Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng lipunan.
Nakikilahok sa mga welga na tumutuligsa sa pamahalaan.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mamamayang produktibo?
Tapat sa Republika ng Pilipinas.
Isinaalang-alang ang kapakanan ng nakararami.
Sinusunod ang Saligang Batas at mga panukala sa lipunan.
Nagtatrabaho at tinatapos nang maayos ang kanyang gawain.
Likas sa bawat indibidwal ang kanyang karapatan. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?
Ito ay simbolo ng pamahalaan.
Ito ay pinaglaban ng bawat mamamayan.
Ito ay pinagtibay ng mga Partido Politikal.
Ito ay nakapaloob sa ating Saligang Batas
Ito ay likas na karapatang pantao na kung saan ang isang indibidwal ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng sariling ari-arian. Anong karapatang pantao ang tinutukoy sa pahayag na ito?
Natural Rights
Constitutional Rights
Statutory Rights
Bill of Rights
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng tamang paglalarawan ng mga karapatang sibil?
Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.
Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
Ito ay tungkol sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.
Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok ng tuwiran man o hindi sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
karapatang sibil
karapatang pampolitika
karapatang panlipunan
karapatang pang-ekonomiya
Ibinoto ni Angel Grace ang isang tapat at maaasahang lider sa halip na ang malapit na kamag-anak na wala namang nagawa sa kaniyang termino. Anong katangian ang ipinapakita ni Angel Grace?
Makabansa
Makakalikasan
Makatao
Makatwiran
Ang sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa gawaing politikal MALIBAN sa isa.
Nagboboluntaryo si Princess Nicole na magturo sa mga bata sa kanilang Day-Care Center.
Si Benja Mae na isang mamahayag ng isang broadcasting network at nagsisikap na maging balanse
sa kanyang pagbabalita.
Pinag-iisipang mabuti ni Shailyn kung anong partidong politikal ang kanyang lalahukan batay sa
kanyang mga layunin, ideolohiya, at prinsipyo.
Dumadalo si Rehina sa mga pagpupulong sa kanilang barangay upang magmungkahi ng mga
ordinansa o batas sa kanilang lugar.
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na baguhin ang uri ng gobyerno.
Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na piliin ang pinakamayamang lider na
mamumuno sa isang bansa.
Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na makipagtulungan ang
mamamayan sa gobyerno.
Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na maging sunud sunuran ang
mamamayan sa gobyerno.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan?
Ibinoboto ang isang sikat na kandidato.
Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak.
Ibinoboto ang kandidato dahil iniendorso ng paboritong artista
Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng nakararami.
Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan?
Tumutulong sa kapwa upang makilala.
Ibinoboto ang mga kaibigan at kakilala.
Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng lipunan.
Sumasali sa mga gawaing pansibiko upang makinabang sa pondo ng gobyerno.
