NEW
Font size
WorksheetsQ4-FILIPINO 4-WEEK 4
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Nag-uusap sina Gng. Limbo at Gng. Sebuc sa may pintuan ng inyong silid-aralan. Ibig mong pumunta sa palikuran, ngunit kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
Paraan muna, mga guro.
Makikiraan po, mga guro.
Bakit dito po kayo nag-uusap?
Huwag po kayong mag-usap dito, walang mararaanan.
Nanghiram ng pambura sa iyo si Annie. Nang iaabot mo na sa kanya ang hinihiram nito, napansin mong nakapagitan sa inyong dalawa sina Kyla at Lilah. Alin ang wastong sasabihin sa kanila?
Iabot nga ninyo ito kay Annie.
Pahiramin nyo na lang ng pambura si Annie
Pakiabot naman nito kay Annie.
Kayo na lang ang mag-abot nito sa kanya.
Nakatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga magulang noong kaarawan mo.
Magandang umaga po!
Maraming salamat po.
Maaari po bang mang-abala?
Paki-kuha naman po.
Mag-uumpisa na ang klase ninyo. Naalala mong naiwan ang wallet mo sa kantin noong rises. Paano ka hihingi ng pahintulot sa guro mo?
Lalabas lamang ako sandali.
Gng. Santos, maaari po bang lumabas sandali?
Gng. Santos, may nakalimutan po ako sa kantin.
Naiwan ko ang wallet ko sa kantin, kaya lalabas muna ako.
Nakaharang sa iyong daraanan ang mga kaklase mo, kailangan mo ng lumabas.
Tabi kayo riyan!
Alis muna kayo sa harapan ko.
Makikiraan po.
Paalam po!
Ito ay isa sa pinakaepektibong pamamaraan ng pagpapakita ng isyu, opinyon o pangyayari sa pamamagitan ng pagguhit.
cartoons
liham
paguulay
editoryal cartoon
Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa o mga
pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.)
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
"Naku! Muntik nang masagasaan ang bata". Ang pangungusap na ito ay halimbawa ng anong uri ng pangungusap?
pasalaysay
patanong
padamdam
pautos
Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
pasalaysay
patanong
padamdam
pautos
Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang
isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at
nagtatapos sa tuldok (.).
pasalaysay
patanong
padamdam
pautos
