NEW
Font size
WorksheetsSummative Test sa Aralin 4.4 at 4.5
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Nang binuksan ni Sisa ang kanilang pinto, tumambad sa kanyang paningin ang duguang noo ng kanyang anak na si Basilio. Ang salitang tumambad ay nangangahulugang...
tumago
kumubli
sumulyap
bumungad
Ayaw sana ni Maria Clarang imbitahan si Padre Salvi sa gagawin nilang piknik sa kagubatan ng San Diego ngunit napagdesisyunan ng magkatipan na anyayahan na lang siya sa suhestiyon din ni Crisostomo Ibarra. Ang magkatipan ay may kahulugang...
magkaibigan
magkasintahan
magkapitbahay
magkakilala
Inilimos ni Maria Clara sa ketongin ang laket na ibinigay ng kanyang amang si Kapitan Tiago. Ang ketongin ay taong may sakit sa __________.
puso
pag-iisip
buhok
balat
Habang nasa simbahan si Crisostomo Ibarra upang magdalo sa misa sa kapistahan ng San Diego, dinig na dinig niya ang mga patutsada sa kanya ni Padre Damaso ngunit nagawa pa rin niyang magtimpi. Ang salitang patutsada ba ay nangangahulugang pagpaparinig?
Oo
Hindi
Nahatulan ng pagka-ekskomulgado si Crisostomo Ibarra dahil sa nangyari sa kanila ni Padre Damaso sa pananghalian. Ano ang naging hatol kay Crisostomo?
itinakwil ng mamamayan
pagpapatapon sa ibang bansa
pagiging kalaban ng pamahalaan
inalis sa kaniyang relihiyon
Batay sa teksto sa loob ng kahon, anong katangian ni Elias ang lubos mong hinahangaan?
Pagtulong niya sa kapwang bago lamang nakilala
Pagtulong sa kapwa dahil may natatagong galit sa buwaya
Pagtulong nang may hinihinging kapalit
Pagtulong sa kapwa nang hindi nag-aalinlangan
Si Maria Clara ay larawan ng isang mahinhing dalaga na nagtataglay ng mabuting kaugalian. Batay rito, ano ang kahalagahan ng papel na kanyang ginagampanan sa nobela?
Siya ang nagsisilbing liwanag sa buhay ni Crisostomo Ibarra.
Siya ang dahilan ng pagsisisi ni Padre Damaso
Siya ang nagsisilbing imahen ng Inang Bayan.
Siya ang sumisimbolo sa mga alagad ng Diyos.
Anong kaugaliang Pilipino ang ipinapamalas ng mga pahayag mula sa mga teksto?
bayanihan
crab mentality
pagtulong sa kapwa
hospitality
“Naging ugali na ng aking ama na humingi ng payo sa inyo at ito rin po ang gagawin ko ngayon. May binabalak po ako na inaakala kong dapat magtagumpay.” Batay sa linyang ito ni Ibarra para kay Pilosopo Tasyo, mahalaga ang papel na ginagampanan ni Tasyo dahil ___________.
Siya ang takbuhan ng mag-amang Ibarra.
Siya ang nagsisilbing tagapayo ng mag-ama.
Siya ang pinakamatalino sa San Diego.
Siya ang pilosopo ng San Diego.
Si Sisa na ina ng magkapatid na sakristan at asawa ni Pedro ay masasabing…
makasarili
mapagmahal
mahiyain
mahigpit
“Ang sabi ng kura, papatayin daw ako sa palo 'pag hindi ko inilabas ang kuwarta. Kung ninakaw ko talaga iyon, hindi ko mailalabas. At kung ninakaw ko at mamatay ako sa palo may maipambibili tayo ng damit ni nanay! Sayang at hindi ko ginawa.” Ano ang angkop na opinyon mo hinggil dito?
Sisikaping mabayaran sana ng magkapatid ang kanilang utang.
Walang maaabot sa buhay ang magkapatid kung patuloy silang magiging sakristan.
Ang magkapatid ay mababait kaya pagpapalain sila ng Maykapal.
Sa tingin ko, pinagbibintangan si Crispin ng isang bagay na hindi niya nagawa.
“Kapag pastol na ako, sisikapin kong mapamahal kay Don Crisostomo Ibarra. Maaari tayong humingi ng gatas ng baka, tayo’y makahihingi rin ng isang maliit na baka. Mangunguha ako ng mga bungang kahoy na pwede nating ipagbili o kaya’y ipanregalo kay Don Crisostomo… Hindi ba masarap ang ganoong buhay, Nanay? Malaya tayo at laging magkasalo sa pagkain.” Sinong tauhan ng Noli Me Tangere ang nagbitiw ng linyang ito?
Pilosopo Tasyo
Elias
Crispin
Basilio
Batay sa teksto sa loob ng kahon, ang angkop na ekspresyong sa pagpapahayag ng damdamin dito ay____________.
Ikinalulungkot ko ang nangyari sa ama ni Ibarra na si Don Rafael.
Kumbinsido akong alam ni Ibarra ang nangyari sa kanyang ama.
Para sa akin, bagay kay Ibarra ang nangyari sa kanyang ama.
Ayon sa kasaysayan, tama lamang ang naging kinahinatnan ng ama ni Ibarra.
“Nagpaluto ako ng tinolang manok para sa iyo Ginoong Ibarra.”
Ano ang konotasyon ng salitang manok sa pahayag?
Paborito ng pamilya ang ulam na manok.
Ang bayan ay mahirap.
ang bayan ay natuto nang maghimagsik.
May hinahanap na bagay ang Inang Bayan.
Si Crisostomo Ibarra ay may pagpapahalaga sa edukasyon kaya siya magpapatayo ng paaralan sa kanilang bayan sa San Diego. Paano nakatutulong ang kaugaliang ito sa pagpapayaman ng kulturang Asyano?
napupukaw nitong maghimagsik ang mga matatalinong mga mamamayan
napapaunlad nito ang puso ng mga kabataan at mamamayang Pilipino
naihahanda nito para sa kinabukasan ang mga mamamayang Pilipino
napagpapatuloy nito ang pagiging sunod-sunuran ng mga Pilipino
