NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsQ4 SUMMATIVE TEST IN ESP 7
Total questions: 35
Worksheet time: 1hrs 10mins
Name
Class
Date
1.
Kailangan na hintayin mo munang umabot ka sa wastong gulang bago ka gumawa ng iyong mga plano sa buhay.
a)
TAMA
b)
MALI
2.
Ang pansariling salik sa pagpili ng kurso ay nagmumula sa ibang tao.
a)
TAMA
b)
MALI
3.
Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kahinaan at kalakasan.
a)
TAMA
b)
MALI
4.
Ang Pagpapahalaga ay tumutukoy lamang sa mga materyal na bagay na ating tinataglay.
a)
TAMA
b)
MALI
5.
Mahalaga ang paghahanda ng katayuang pinansyal upang makuha at maisakatuparan ang mga mithiin.
a)
TAMA
b)
MALI
6.
Hindi natin kailangang isipin ang magiging resulta ng ating pasyang gagawin.
a)
TAMA
b)
MALI
7.
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng kilos-loob.
a)
TAMA
b)
MALI
8.
Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon.
a)
TAMA
b)
MALI
9.
Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at kalayaan.
a)
TAMA
b)
MALI
10.
Kailangan mong suriin ang uri ng aksyon sa iyong gagawing pagpapasya.
a)
TAMA
b)
MALI
11.
Sa anumang proseso ng pagpapasiya ito ang kadalasan at una nating hinihingi upang makagawa ng tama at mabuting pagpapasiya sa anumang bagay na inaasahan sa atin.
a)
Himala
b)
Mithiin
c)
Panahon
d)
Pangarap
12.
Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
a)
Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay.
b)
Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.
c)
Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.
d)
Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.
13.
Bakit mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang pagpapasiya sa buhay?
a)
upang hindi makasakit ng kapwa
b)
upang makatanggap ng pabuya sa huli
c)
upang makilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan
d)
maging gabay sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao
14.
Anong uri ng mithiin na maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo o ilang buwan lamang?
a)
SMART-A
b)
Pangarap
c)
Pangmadaliang Mithiin
d)
Pangmatagalang Mithiin
15.
Ito ay likha ng malikhaing isip. Ito ay pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan.
a)
Mithiin
b)
Pangarap
c)
Pantasya
d)
Panaginip
16.
Habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit sa asignaturang EsP, bumulong sayo ang iyong kaklase at humingi ng pabor na pakopyahin siya ng mga sagot mo. Anong mabuting pagapapsya ang gagawin mo?
a)
Magpapanggap kang hindi mo siya narinig
b)
Hihingi ka ng pasensya at tatangihan mo siya
c)
Pagbibigyan mong makita ang iyong mga sagot
d)
Sasabihin ang mga maling sagot sa kanya upang bumagsak
17.
Sa pamamagitan nito, tayo ay naghahanap ng mga impormasyon, nagninilay at tinitimbang ang mga maaaring pasiya, pamimilian at kahihitnatnan ng pasiya.
a)
Isip
b)
Damdamin
c)
Kalayaan
d)
Pagpapahalaga
18.
Tumutukoy ito sa isang gawain na ang pangunahing layunin ay kumita at mapalago ang puhunang salapi.
a)
Pag-aaral
b)
Pagnenegosyo
c)
Pakikipag-ugnayan
d)
Pagpapahalaga
19.
Tumutukoy ito sa bagay na madalas mong gawin?
a)
Hilig
b)
Mithiin
c)
Kasanayan
d)
Pagpapahalaga
20.
Bilang isang indibidwal, ano ang dapat mong taglayin upang harapin ang mga isyung panlipunan sa susukat sa iyong moral na paninidigan? Kailangan mo ang sapat na kaalaman at kakayahan tungkol sa _______________.
a)
Pagbibinata at pagdadalaga
b)
Patakaran sa paaralan at tahanan
c)
Pagkakaiba ng pangarap at mithiin
d)
Pagsasagawa ng moral na pagapapasiya
21.
Ang pag-alam natin sa ating sariling kahinaan ay nagpapakita lamang na:
a)
Minamaliit natin ang ating sarili.
b)
Para kaawaan tayo ng ibang tao.
c)
Tanggap natin ito at handa natin itong baguhin.
d)
Magkaroon ng dahilan upang hindi gawin ang isang bagay.
22.
Ito ay katangian ng kraytiryang SMART-A na tumukoy sa pagiging makabuluhan ng pahayag ng personal na misyon sa buhay na may pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
a)
Tiyak (Specific)
b)
Angkop (Relevant)
c)
Nasusukat (Measurable)
d)
May Takdang Panahon (Time-bound)
23.
Tukuyin ang hakbang sa paggawa ng mabuting pasya na kung saan ay isinasagawa kung nanatili ang mga agam-agam sa ginawang pagpapasya. Sa hakbang ito ay maging bukas sa posibilidad na magbago ang pasiya pagkatapos ng prosesong pinagdaan.
a)
Magkalap ng kaalaman
b)
Magnilay sa mismong kilos
c)
Tayahin ang damdamin
d)
Pag-aralang muli ang pasya
24.
Ang higher good ay tumutukoy sa:
a)
Ikabubuti ng mga kaibigan
b)
Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
c)
Kabutihang Panlahat
d)
Kagandahang loob sa bawat isa
25.
Ano ang ibig sabihin ng personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement?
a)
Mithiin na nais marating.
b)
Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
c)
Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.
d)
Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
26.
Sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay kailangan isaalangalang ang kraytiryang SMART-A. Ang ibig sabihin nito ay:
a)
Specific, Measurable, Activities, Relevant, Time-bound, Action taken
b)
Specific, Materials, Achievable, Related, Time-bound, Action-oriented
c)
Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action-oriented
d)
Specific, Mandate, Attainable, Resources, Time-bound, Action-oriented
27.
Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay:
a)
Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin.
b)
Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
c)
Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin.
d)
Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
28.
Si Paul ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?
a)
Magsimba tuwing Linggo.
b)
Kumuha ng maraming kurso
c)
Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay.
d)
Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa bar exam.
29.
Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?
a)
Yayaman ang pamilya.
b)
Makapagtayo ng negosyo.
c)
Maging sikat sa kanilang lugar
d)
Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang karapatan.
30.
Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
a)
Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon.
b)
Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.
c)
Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar.
d)
Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa. kabutihang panlahat at pag-iral nito sa mundo.
31.
Mas pinili pang sumama ni Ren sa kanyang mga barkada kaysa mag-aral na lamang sa bahay.
a)
WASTONG PAGPAPASIYA
b)
HINDI WASTONG PAGPAPASIYA
32.
Dahil sa kahirapan ng buhay, pinagsasabay ni Danielle ang pagtitinda ng popcorn at ice candy sa kanilang paaralan upang may panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
a)
WASTONG PAGPAPASIYA
b)
HINDI WASTONG PAGPAPASIYA
33.
Mas pinipili ni Ricky na tulungan ang kanyang Ina sa pagtitinda ng bibingka sa palengke kapag wala itong pasok sa paaralan.
a)
WASTONG PAGPAPASIYA
b)
HINDI WASTONG PAGPAPASIYA
34.
Hindi nag-alinlangan si Irene na tanggapin ang alok ng kanyang tiyahin na mangamuhan sa Maynila at kapalit nito ay ang pag-aaralin siya hanggang kolehiyo.
a)
WASTONG PAGPAPASIYA
b)
HINDI WASTONG PAGPAPASIYA
35.
Hindi mapigilan ni Yohan ang magtanim ng sama ng loob sa ina dahil sa kagustuhan nitong pagtigil ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral.
a)
WASTONG PAGPAPASIYA
b)
HINDI WASTONG PAGPAPASIYA
Reset
