wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 4Q

Total questions: 33

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Anong pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay at pagbuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?

a)

Hilig

b)

Talento

c)

Kakayahan

d)

Pagpapahalaga

2.

Sa alin pansariling interes siya napapabilang kung mahusay siya sa pagluluto ng iba't ibang kakanin?

a)

Hilig

b)

Mithiin

c)

Pagpapahalaga

d)

Kasanayan

3.

Dapat bang suportahan ng mga magulang ang desisyon ng kanilang mga anak?

a)

Oo, para maging matagumpay ang anak sa hinaharap

b)

Oo, para makita na yayaman ang mga anak sa hinaharap

c)

Hindi, dahil siya lamang ang nagdala ng swerte sa buhay niya

d)

Hindi, dahil kailangan munang magpahinga para mag-ipon

4.

Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?

a)

Makinig sa mga gusto ng kaibigan

b)

Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

c)

Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral

d)

Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano

5.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng paglinang sa sariling kakayahan?

a)

Pagtaya sa kahinaan at kalakasan ng kapwa

b)

Pag-obserba sa mga tao sa kanilang gawain

c)

Pagsasagawa ng natutunan

d)

Pakikipag usap sa mga taong may kasanayan

6.

Ano ang kahulugan ng PPMB?

a)

Personal na Pagtatalaga ng Misyon sa Buhay

b)

Personal na Pagpapahalaga ng Misyon sa Buhay

c)

Personal na Pagsasabi ng Misyon ng Buhay

d)

Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay

7.

Ito ang track na maaring kunin ng isang mag-aaral ng mahusay sa siyensiya

a)

Kursong Akademiko

b)

Kursong Teknikal Bokasyonal 

c)

Kursong Pampalakasan

d)

Kursong Sining at Disenyo

8.

Ito ang kursog maaring kunin ng isang mag-aaral na mahilig magpinta at mag disenyo

a)

Kursong Akademiko

b)

Kursong Teknikal Bokasyonal 

c)

Kursong Pampalakasan

d)

Kursong Sining at Disenyo

9.

Si Danilo ay Grade 11 na sa darating na pasukan. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging isang Nars upang makapaglingkod sa bayan.Alin sa mga sumusunod na Senior High School Strand ang angkop para sa kanya?

a)

Accountancy, Business and Management   

b)

Humanities and Social Sciences 

c)

Science, Technology Engineering and Mathematics

d)

General Academic Strand

10.

Ito ang kursong maaring kunin ng isang mag-aaral na mahusay sa palaro at palakasan

a)

Kursong Akademiko

b)

Kursong Teknikal Bokasyonal 

c)

Kursong Pampalakasan

d)

Kursong Sining at Disenyo

11.

1.    Kung ikaw ay mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals sa aling interes ka napapabilang ayon sa Sikolohistang si John Holland?

a)

Artistic

b)

Conventional

c)

 Enterprising

d)

 Social

12.

ibigay ang (9) na Multiple Intelligences ni Howard Gardner

4 lines
13.

Ibigay ang (6) na kategorya ng Hilig/Interes ayon kay John Holland

4 lines
14.

Sa aling interes napapabilang ang mga trabahong may mataas na impluwensiya sa mga gawaing Agham?

a)

 Artistic

b)

Conventional

c)

Investigative

d)

 Social

15.

Anong kaugalian ang dapat pairalin sa pagpili ng kurso o track?

a)

Sumunod kung ano man ang gusto ng magulang

b)

Dapat marunong makibagay sa iyong mga kaibigan

c)

Dapat mapagmasid, kung ano ang uso ang siyang kukuning kurso

d)

Dapat maging positibo anuman ang kahinatnan ng piniling kurso

16.

ibigay ang (5) Mga Pansariling Salik sa kailangang isa alang-alang sa pagpili ng Kurso

4 lines
17.

May teorya ng mga uri ng Hilig/ Interes ng tao

a)

John Holland

b)

John F Kennedy 

c)

Howard Gardner

d)

Sto Tomas De Aquino

18.

Ang may Akda ng Teorya ng Multiple Intelligence

a)

John Holland

b)

John F Kennedy 

c)

Howard Gardner

d)

Sto Tomas De Aquino

19.

Bilang mag -aaral, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagsunod kung ano ang utos ng mga nakatatanda

b)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti para sa magandang kinabukasan

c)

Sa pamamagitan ng pagyayabang kung ano ang naging bunga ng iyong pinaghihirapan

d)

   Sa pamamagitan ng pagyayabang kung ano ang naging bunga ng iyong pinaghihirapan

20.

Kailangan pa rin ba nating lumapit sa mga taong ating pinagkakatiwalaan na makapagbibigay ng payo sa ating pagpapasiya? Bakit?

a)

  Oo, para di tayo magsisi sa ating pagpapasiya

b)

Hindi, para di tayo malilito sa anumang gusto natin sa buhay

c)

Oo, para matulungan tayong magtimbang. magsuri at gabayan tayo sa ating gagawing pagpapasiya

d)

Hindi, para lahat ng iyong tagumpy ay sulit at wala kang pasasalamatan

21.

Aling pansariling interes ang tumutukoy sa pambihira at likas na kakayahang kailangang tuklasin upang pagbatayan sa pagpili ng track o kurso?

a)

Hilig   

b)

Kasanayan / Skills    

c)

Mithiin

d)

Talento

22.

Alin ang pinakaunang hakbang sa pagpapasya bago pumili ng kurso?

a)

Maglaan ng oras sa pag-iisip

b)

Magkalap ng kaalaman

c)

Magnilay ng mismong aksiyon

d)

Tayahin ang damdamin sa pipiliing pasya

23.

Alam ng mga magulang ni Agatha na siya ay likas na maabilidad ngunit bago siya mamili ng kurso ay humingingi muna siya ng payo at mungkahi sa kanila. Sa aling panloob na salik napapabilang ang sitwasyong ito?

a)

Hilig   

b)

Kakayahan    

c)

Pagpapahalaga

d)

Talento

24.

Alin sa sumusunod ang dapat taglayin mong katangian upang masabing asset o pambato (may ginagawang makabuluhan) ka ng kumpanya?

a)

kung ikaw ay masayahing manggagawa     

b)

kung ikaw ay matalinong manggagawa

c)

kung ikaw ay produktibong manggagawa

d)

kung ikaw ay aktibong manggagawa

25.

Kung si Maria ay mahusay sa paghihikayat at pangungumbinsi sa iba para sa pagkamit ng inaasam o target goals ay sa aling pansariling interes siya napapabilang?

a)

Realistic

b)

Social

c)

Conventional

d)

Enterprising

26.

Siya ay maabilidad, may kakayahan at kahusayan sa paggawa kung ang pag-uusapan ay ang pagluluto ng iba’t ibang kakanin. Sa alin pansariling interes siya napapabilang?

a)

Hilig

b)

Kasanayan

c)

Mithiin

d)

Pagpapahalaga

27.

Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaring makatulong sa iyo?

a)

   Mga kasanayan ayon sa lipunang kinabibilangan

b)

 Pagpili ng Kurso ayon sa Talento, Hilig at Kakayahan

c)

Mga karanasan ng pagkatuto na gagamitn sa pagtatayo ng negosyo

d)

Pagsasabuhay ng mga kaalaman ng ibinabahagi ng magulang, guro at kaibigan

28.

Kalakip nito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay    

a)

Kasanayan

b)

Mithiin

c)

Pagpapahalaga

d)

Talento

29.

Siya ay isang Alemang Pilosoper na nagsabing nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag ugnayan sa kapwa.  

a)

Dr Manuel Dy

b)

Dr Howard Gardner

c)

John Holland

d)

Jurgen Habermas

30.

Ang RIASEC ay isang paraan upang matukoy ang Hilig ng isang tao kung saan ang R ay Realistic, I ay investigative, A ay Artistic, S ay Social at E ay Enterprising. Ano naman ang kinakatawan ng titik C?

a)

Conventional

b)

Cooperation  

c)

Conference

d)

Caring

31.

Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam gamitin upang tuklasin ang sariling talento dahil ito ay nakaangkla sa teorya ni Dr Howard Gardner?

a)

RIASEC        

b)

Tseklist ng mga kasanayan

c)

Pagsusuri ng Pagpapahalaga

d)

Multiple Intelligence Survey Form

32.

  Sa Multiple Intelligences Survey Form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intelligences?

a)

Spatial

b)

Existential

c)

Kinesthetic

d)

 Auditory

33.

Bakit kailangang isaalang-alang ang sariling talento, hilig, pagpapahalaga, kakayahan at pinansiyal na kalagayan sa pagpili ng hanapbuhay o Negosyo?

a)

Sapagkat ang mga ito ay nagpapakita ng potensiyal ng isang tao para sa isang hanapbuhay o Negosyo

b)

Sapagkat magiging matagumpay lamang ang isang tao kung kilala niya ang kanyang sarili

c)

Sapagkat nakabatay sa mga ito ang magiging pangarap ng isang tao sa kanyang buhay

d)

  Sapagkat hindi lahat ng hanapbuhay o Negosyo ay kakailanganin sa hinaharap