wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Reviewer

Total questions: 59

Worksheet time: 43mins

Name
Class
Date
1.

Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal ay __,

a)

Dr. Jose Protacio Rizal Marcado Y Alonzo Realonda

b)

Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda

2.

Ang sumusunod ay naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere MALIBAN SA _______.

a)

Ibong Adarna

b)

The Wandering Jew

3.

Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang ibig sabihin ay (a)   ( CAPITAL LETTERS )

4.

Ang ebanghelyong pinaghanguan ni Jose Rizal ng pamagat na Noli Me Tangere ay kay _______.

a)

San Marcos

b)

San Juan

5.

Petsa ng pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan.

(a)  

6.

Si Rizal ay isang halimbawa ng isang henyo sa maraming larangan, ang sumusunod ay kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit MALIBAN SA __

a)

Napakatalino

b)

Masigasig

7.

Ang babaeng nakilala at minahal ni Rizal sa Dapitan ay siAng babaeng nakilala at minahal ni Rizal sa Dapitan ay si_____

a)

Segunda Katigbak

b)

Josephine Bracken

8.

Ang kasintahan ni Rizal na naging inspirasyon sa karakter ni Maria Clara ay si

a)

Leonor Rivera

b)

Josephine Bracken

9.

Mga unang kalungkutan ni Jose Rizal

a)

pagbitay sa GOMBURZA

b)

pagkabigo sa pag-ibig

c)

pagkamatay ng kapatid na si Concha

d)

pagkakakulong ng kanyang ina

10.

Bayan sa Laguna kung saan ipinanganak si Jose Rizal at naninirahan ang kanyang pamilya. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

11.

Bago ang pormal na edukasyon, ang naging unang guro ni Rizal ay

(a)  

12.

Ang pinaghandugan ni Rizal ng kanyang nobelang Noli Me Tangere ay ang

a)

inang bayan

b)

Gomburza

13.

Isa sa mga aklat na nagsilbing inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli ay ang The Wandering Jew. Ito ay tungkol sa __

a)

Tungkol sa lalaking kumutya kay Jesus habang patungo sa Golgota

b)

Tungkol sa babaeng sinabihan ni Jesus na huwag siyang salingin.

14.

Isa pa sa mga aklat na nagsilbing inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli ay ang Uncle Tom's Cabin na patungkol naman sa ___

a)

Tungkol ito sa batang gamo-gamo na di sumusunod sa kanyang ina.

b)

Pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro.

15.

Sa anong sakit inihambing ni Rizal ang malalang kalagayan ng bayan noong kanyang kapanahunan. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

16.

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang (a)   . ( CAPITAL LETTERS )

17.

Ang sumusunod ay ang 4 na batayan ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere, MALIBAN sa _______.

a)

Ang pagbagsak ng Espanya bilang mga mananakop na nakaranas ng pagkalugi sa “Galleon Trade.

b)

Impluwensiya ng mga kaibigang Pilipino sa Europa.

c)

Pagsibol ng kaalamang kaugnay sa prinsipyo ng kalayaan.

d)

Nasaksihang pang-aabuso ng mga prayle.

18.

Ang sumusunod ay totoo tungkol sa pagkakalimbag ng Noli Me Tangere, Pumili ng tatlo

a)

Hindi naging madali ang pagkakasulat nito dahil sa kakulangan ng salapi at upang makatipid ay inalis niya ang Kabanatang "Elias at Salome."

b)

Sa kasalukuyan ay nasa pag-iingat ng National Library ang orihinal na kopya nito

c)

Pinahiram siya ni Maximo Viola ng 300 para malimbag sa Imprente Lette ang unang 2000 kopya nito.

d)

Inialay niya ito sa GOMBURZA.

19.

Paano naging mabisa ang Noli Me Tangere sa mambabasa? *

a)

Iminulat nito ang kamalayang panlipunan ng mga tao.

b)

Ipinakita niya ang kanyang kagalingan sa pagsulat.

20.

Makisig na binatang nag-aral sa Europa na kumakatawan at nangangarap para sa kinabukasan ng San Diego. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

21.

Mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio at martir sa pabayang asawa.

(a)  

22.

Magandang dalaga na laging laman ng puso ni Crisostomo Ibarra na pinalaking maka Diyos. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

23.

Magaspang ang pag-uugali, isang paring Pransiskano na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa sementeryo ng mga Intsik. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

24.

Isang tulisang magaling na bangkero, at naging kaibigang tapat ni Ibarra. ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

25.

Pilipinang mapagpanggap na ilitista. Napangasawa ng Espanyol na si Don Tiburcio ( CAPITAL LETTERS )

(a)  

26.

Lakambini ng mga guardia sibil. Asawa ng Alperes. (CAPITAL LETTERS )

(a)  

27.

Pransiskanong pari na may lihim na pagtingin kay Maria Clara. Ang kura ng San Diego na kilala bilang mapanlinlang at ginagamit ang posisyon upang lumakas ang impluwensya sa lipunan.

(a)  

28.

Tinyente ng mga guardia sibil, magalang at mataas ang respeto sa pamilyang Ibarra.

Siya ang nagsalaysay kay Crisostomo sa tunay na nangyari kay Don Rafael. ( CAPITAL LETTERS)

(a)  

29.

Ang ama ni Crisostomo Ibarra na isa sa pinakamayaman sa San Diego ngunit nakulong at namatay sa bilangguan. (CAPITAL LETTERS. )

(a)  

30.

Ang HINDI kabilang sa anim na nakipaglibing kay Don Rafael

a)

Elias

b)

Maria Clara

31.

Ang asawa ni Kapitan Tiyago, at ina ni Maria Clara na yumao pagkapanganak sa kanya. *

a)

Donya Pia Alba

b)

Tiya Isabel

32.

Asawa ni Donya Victorina na mapanlinlang at nag-aastang manggagamot na naniningil ng mahal sa mga pasyente.

a)

Don Santiago Delos Santos

b)

Don Tiburcio De Espadana

33.

Kinikilalang ama ni Maria Clara na pinakamayaman sa Binundok, malapit sa simbahan at pamahalaan ngunit sunud-sunoran sa anumang nais ng Kura.

a)

Don Santiago Delos Santos

b)

Don Anastacio

34.

Matandang tagapayo ng mga taong nakapag-aral sa San Diego. Tinatawag na pilosopo at baliw dahil sa kakaibang gawi o paniniwala.

a)

Don Santiago Delos Santos

b)

Pilosopo Tasyo

35.

Panganay na anak ni Sisa na isang sakristan

a)

Basilio

b)

Pedro

36.

Bunsong anak ni Sisa na pinagbintangang nagnakaw ng ilang onsang ginto.

a)

Crispin

b)

Basilio

37.

Pabaya at sugarol na asawa ni Sisa

a)

Lucas

b)

Pedro

38.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ginanap ang pagtitipon para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra. (Tama O Mali )

(a)  

39.

Si Pilosopo Tasyo ang nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa nangyari kay Don Rafael. (Tama O Mali )

(a)  

40.

Si Padre Salvi ang nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael. (Tama O mali )

(a)  

41.

Ang tanging alaala ni Ibarra na iniingatan ni Maria Clara ay isang sulat.  *(Tama O Mali )

(a)  

42.

Si Padre Salvi ang unang Kura Paroko ng bayan ng San Diego na naglingkod ng 20 taon. (Tama O Mali )

(a)  

43.

Ayon kay Ibarra, ang nakakapasong gamot ay pansamantalang lunas lang sa ugat ng sakit.(Tama O Mali )

(a)  

44.

Sa pagbabasbas ng unang bato sa itatayong paaralan ay niligtas ni Elias si Crisostomo. *(Tama O Mali )

(a)  

45.

Sa Pananghalian, hindi na nakapagtimpi si Crisostomo sa muling pagyurak ni Padre Damaso sa alaala ng kanyang ama, kung hind napigilan ni Maria Clara ay nasaksak niya ang Kura.

(Tama O Mali )

(a)  

46.

Ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso. (Tama O Mali )

(a)  

47.

Iniutos ni Elias kay Crispin na sunugin ang bangkay nila ni Sisa.(Tama O Mali )

(a)  

48.

"Bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay siya hindi kung patay na." *( sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Tenyente Guevarra

b)

Pilosopo Tasyo

49.

"Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng mga may puso lamang."(sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Guro ng San Diego

b)

Guro ni Crisostomo

50.

"Lahat tayo ay may kalaban mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may muwang, mula sa pinakahamak hanggang sa pinakamariwasa at pinakama-yaman. Ang pakikipangtunggali ay siyang batas ng buhay"(sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Kapitan Tiago

b)

Elias

51.

"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan."(sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Elias

b)

crisostomo ibarra

52.

Ipinanganak si Jose Rizal noong

a)

Hunyo 19, 1861

b)

Disyembre 30, 1861

53.

"Kung ang isalubong sa'yong pagdating ay masayang mukha't may pakitang giliw,

pakaingan at kaaway na lihim."(sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Don Filipo

b)

Pilosopo Tasyo

54.

“Ang bayan ay hindi dumadaing sapagkat siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos sapagkat natutulog.”( sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Kapitan Heneral

b)

Pilosopo tasyo

55.

“Dapat ko bang unahin ang aking pag-ibig o ang dangal ng aking amang-turing at banal na pangalan ng aking amang tunay.” ( sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag.)

a)

Maria clara

b)

EElias

56.

Mamamatay akong hindi man lamang nakikita ang bukang-liwayway sa aking bayan,

kayong makakakita nito ay salubungin ninyo siya't huwag kalimutan ang mga nabuwal sa dilim ng gabi."

a)

kapitan heneral

b)

EElias

57.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.”  *

a)

Guro ni Crisostomo

b)

CCrispin

58.

“Ang umilag sa punglo ay hindi karuwagan, ang masama ay sumagupa dito at malugmok sa huli.”

a)

Crisostomo Ibarra

b)

Pilosopo Tasyo

59.

Ayaw kong matulad ka sa tinuran ni Baltazar na "parang isang halamang lumaki sa tubig, daho'y nalalanta munting di madilig at ikinaluluoy ang sandaling init."

a)

Florante

b)

Don Rafael