NEW
Font size
WorksheetsMAPEH 4 Quarter 4 Reviewer
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Ano ang tawag sa paulit-ulit na rhythmic pattern o melodic pattern na ginagamit bilang pansaliw sa awitin?
melody
ostinato
harmony
texture
Anong uri ng tempo kabilang ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”?
presto
largo
piano
forte
Aling elemento ng Musika ang maaaring ilarawan sa pamamagitan ng kilos ng katawan?
tempo
texture
harmony
ostinato
Alin sa sumusunod na awitin ang may tempong largo?
“Paruparong Bukid”
“Ako ay Pilipino”
“Leron-Leron Sinta”
“Lupang Hinirang”
Anong elemento ng musika ang nabubuo sa pag-awit ng 2-part vocal?
melody
harmony
texture
tempo
May paligsahan sa pag-awit sa inyong lugar. Ang contest piece ay 2-part vocal. Kung ang inyong paaralan ay sasali, ilang pangkat ang awit sa paligsahan?
isang pangkat
dalawang pangkat
tatlong pangkat
apat na pangkat
Ano ang tempo ng awiting "Sa Ugoy ng Duyan"?
mabilis
masigla
mabagal
mataas
Lahat maliban sa isa ay nagbibigay ng makapal na texture sa Musika. Alin sa mga ito ang may manipis na texture?
round singing
solo singing na a cappella
Madrigal Singers singing "Bahay Kubo"
solo singing with minus one accompaniment
Ito ay binubuo ng 2 magkaugnay na tone na inaawit o tinutugtog nang sabay.
rhythmic pattern
melodic pattern
melodic ostinato
harmonic interval
Aling measure ang may harmonic third interval?
Paano inaawit o tinutugtog ang harmonic intervai?
paisa-isa
sunod-sunod
magkahiwalay
magkasabay
Ito ay tumutukoy sa mabagal na tempo sa isang awitin.
presto
largo
forte
piano
Anong lugar sa Pilipinas ang tinatawag na “Banig Capital of the Philippines” na gumagamit ng buri sa paggawa ng magagandang banig?
Ilo-ilo
Romblon
Tawi-Tawi
Basey, Samar
Sa mga Samal ng Sulu, anong disenyo ng kanilang mga banig ang sumisimbolo sa alon ng dagat?
Stripes
Pa-zigzag
Checkered
Parisukat
Ang tawag sa tradisyunal na paraan ng pagkukulay ng tela na nagmula sa kasiningan sa Java, Indonesia na ginagawa sa pamamagitan ng pagguhit ng mga tuldok at linya gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na “tjanting”.
kimono
batik
paghahabi
paglalala
Ang bansang gumagamit ng telang cotton at wool na mula sa Cashmere goat at ang pangunahing paraan ng kanilang pagdidisenyo ay ang pagtitina ng fiber at emroidery.
Pilipinas
India
China
Japan
Anong disenyo ng paglalala ng banig ang may kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo?
Disenyong parisukat
Disenyong checkered
Disendyong stripes
Disenyong pa-zigzag
Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?
pasalit-salit
paulit-ulit
paekis-ekis
parayos-rayos
Ano ang pangunahing hakbang sa tie-dyeing?
paglubog sa solusyon
pagtatali ng tela
paglalagay ng kulay
pagpapatuyo ng tela
Ang inyong guro ay magpapagawa ng banig. Anong pamamaraan ang dapat mong gawin?
paglilok
pagkuskos
paglalala
paglilimbag
Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?
gamitin ang matingkad at malamlam na kulay
gamitin ang malamlam na kulay
gamitin ang itim na kulay
gamitin ang makulay na kulay
Ano ang dapat mong maramdaman kapag pinuna ang iyong tinapos na gawaing sining?
magmayabang
masaya
galit
malungkot
Bakit kailangan ang matiyagang pag-iingat sa paglalagay ng kulay sa damit?
para mapuri ng guro
para di patapunan ng timplang tina
para maiwasan ang pagkalat ng kulay
para mapansin ng kamag-aral
Anong kulay ang nabubuo kapag pinaghalo ang pula at asul sa pagtitina?
dalandan
lila
bughaw
itim
Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot, at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari.
Bilis(Speed)
Liksi(Agility)
Power
Reaction Time
Ito ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa, kumilos sa sariling espasyo at patag na lugar o sa pag-ikot sa ere.
bilis
liksi
koordinasyon
balanse
Ito ay pagsubok na pinatatatag ang puso sa tuloy-tuloy na paghakbang.
Stork Balance Stand Test
Push-up
50m Run Sprint
3-Minute Step Test
Alin sa mga sumusunod ang hakbang ng Three Step Turn?
step point R, step point L
step R, step L, step R
step R, step L, step R, pause
step R, step L, step R, step L
Ito ay isang masiglang sayaw na nagmula sa Cabugao, Ilocos Sur.
Pandanggo sa Ilaw
Itik-itik
Ba-Ingles
Tinikling
Ano ang pormasyon ng magkapareha sa sayaw na Ba-Ingles?
magkaharap na nakaluhod na may layong apat na talampakan ang pagitan
magkatapat na nakatayo na may layong anim na talampakan ang pagitan
magkatalikod na nakatayo na may layong dalawang talampakan ang pagitan
magkahawak kamay na nakaharap sa madla
Anong kasuotan ng mga mananayaw ng Ba-Ingles?
damit ng Ilokanong magsasaka
baro at saya
uniporme ng sundalong Amerikano
katutubong kasuotan ng mga Ifugao
Bakit mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa mga hakbang at mga termino ng sayaw?
upang lalong maipakita na ikaw ay matalino
upang patunayan na ikaw ang pinakamarunong sumayaw sa klase
upang mapagbuti ang pagsasayaw at mapaunlad ang koordinasyon ng mga kamay at paa.
upang may maipagyabang sa mga kaibigan
Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nararapat tularan upang mapanatiling ligtas ang pagsasagawa ng mga gawaing pisikal?
Bumuo ng sariling mga hakbang sa pagsasagawa ng gawaing pisikal.
Mag-eehersisyo tuwing katanghaliang tapat.
Huwag kumain ng agahan.
Ipinagbibigay alam kung may nararamdaman bago makilahok sa anumang gawaing pisikal.
Puwersa na maibubuhos sa pagtalon ng mataas
Vertical Jump
Shuttle Run
3-Minute Step Test
Speed Test
Anong ahensiya ang nagtatakda kung gaano kalakas ang lindol?
MMDA
PAGASA
NDRRMC
PHILVOCS
Anong ahensiya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng signal upang malaman ang lakas at bugso ng hangin dala ng bagyo?
DOST
DOH
PAGASA
DILG
Ayon sa balita, may namumuong bagyo sa Pilipinas, ano ang dapat gawin?
Ipagwalang bahala.
Yayain ang mga barkada para manood ng sine.
Antabayanan ang susunod na balita tungkol sa bagyo.
Pumunta sa tabing dagat at matyagan ang galaw ng alon.
Alin ang mapanganib na pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng pagbagsak ng malalaking gusali?
sunog
lindol
baha
bagyo
Ito ang pagguho o pagbagsak ng lupa at bato mula sa mataas na lugar.
storm surge
sink hole
lindol
landslide
May naaamoy kang tagas ng gasul sa loob ng bahay. Ano ang HINDI mo dapat gawin?
Tawagan ang nanay.
Sindihan ang kalan.
Takpan ng basahan ang gasul.
Buksan ang pinto at bintana ng bahay.
Nasa second floor ka ng mall at naabutan ka ng lindol. Ano ang iyong gagawin?
Humanap at sumilong sa matatag na mesa.
Tumalon pababa ng mall.
Tumakbo pababa ng escalator.
Sumigaw at umiyak.
Ang bagyo ay nasa Signal No. 1, anong antas ng mag-aaral ang otomatikong walang pasok sa paaralan?
preschool
sekondarya
elementarya
kolehiyo
Aksidenteng naputukan ang kamay ng inyong kalaro. Ano ang dapat mong gawin?
Hugasan ng malinis ng tubig ang sugat.
Ibalot ang damit sa sugat.
Tumakbo at magtago.
Sermonan ang kalaro.
Lumindol sa inyong lugar at may ilang taong nadaganan sa pagguho ng ilang bahay. Anong ahensiya ng pamahalaan ang mabilis na tutugon upang matulungang iligtas ang mga biktima?
Barangay Tanod
NDRRMC
DOH
PNP
May nag-aaway na mga lasing na may mga armas o patalim. Ano ang iyong gagawin?
Lumayo sa kanila.
Lumapit at awatin sila.
Mag-live sa facebook at i-video sila.
Tawagin ang kapitbahay.
