NEW
Font size
WorksheetsPAGBABALIK-ARAL SA AP9-EKONOMIKS-IKAAPAT NA MARKAHAN
Total questions: 20
Worksheet time: 19mins
Ang __________ ay tumutukoy sa KAKAYAHAN ng isang bansa na SUPORTAHAN ang lahat ng pangangailangan ng tao o Mamamamaya para sa isang maayos na pamumuhay.
Katarungan
Kaunlaran
Kasaganahan
Kasiyahan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng isang maunlad na bansa?
Pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa bawat mamamayan
Pag-lobo o paglaki ng bilang ng mga mamamayang walang trabaho
Pagbaba sa bilang ng krimen sa bawat rehiyon ng bansa
Pagkakaroon ng mga makabagong imbensyon na magagamit sa pag-unlad ng bansa
Sino ang ekonomistang nagpahayag na ang "PAG-UNLAD ay progresibo at aktibong proseso"
Feliciano Fajardo
Michael Tadoro
Amartya Sen
Stepehen Smith
Binigyang pansin nila Michael Tadoro at Stephen Smith ang Tradisyonal at Makabagong Pananaw ng Pag-unlad. Alin sa mga sumususnod ang nagbibigay diin sa MAKABAGONG pananaw ng Pag-unlad?
Pagtaas ng Kita ng bansa
Pagbabago ng sistemang panlipunan
Pagkawala ng korupsyon sa bansa
Pagkakaroon ng maraming tarabaho sa bansa
Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng makabagong TEKNOLOHIYA sa pambansang kaunlaran?
Napapadali ang paggawa ng mga manggagawa
Nakatutulong sa pagdami ng dolyar sa bansa
Maayos na napapamahalaan ang mga produkto at serbisyo
Nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo sa bansa
Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansa. Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong pagiging MAKABANSA upang makatulong na matamo ng bansa ang Pambansang Kaunlaran?
Pagmamahal sa bansa
Pag-awit ng maayos ng Lupang Hinirang
Pagsunod sa mga batas na pinatutupad ng bansa
Pagtangkilik o pagbili ng mga lokal na produkto ng bansa
Isa sa mga gampanin ng mamamayan ng bansa sa pagtamo ng pambansang kaunlaran ay ang pagiging MAALAM (Matalino). Alin ang nagpapakita ng halimbawa nito?
Pagsunod sa mga batas ng bansa
Tamang pagpili ng taong iboboto sa eleksyon
Paggamit ng po at opo sa pag-uusap
Pagtangkilik ng mga produktong lokal ng bansa
Dahil sa kahirapan ay natuto ni JB na maghanap ng trabaho sa murang edad. Mula sa maliit na tindahan ay lumaki ito at ngayon ay mayroon na siyang isang sariling negosyo. Anong estratehiya sa sama-samang pagkilos ng mamamayan ang pinakita ni JB upang matamo ang kaunlaran?
Matapang
Makabansa
Maabilidad
Maalam
Ang pagsali o pakikilahok sa pampublikong paglilingkod tulad ng pagtakbo sa eleksyon para nakatulong sa pambansang kaunlaran ay halimbawa ng anong estratehiya sa sama-samang pagkilos sa pambansang kaunlaran?
Maalam
Makabansa
Matapang
Maabilidad
Mayroong tatlong pangunahing sektor sa bansa. Alin sa mga ito ang sektor na pinagmumulan ng PAGKAIN at HILAW NA MATERYALES na magagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo?
Agrikultura
Impormal
Industriya
Paglilingkod
Bakit tinawag na PRIMARYANG SEKTOR ang Agrikultura?
Dahil maraming mamamayan ang naghahanap-buhay dito
Dahil malaking kita ang naipapasok sa mga gawaing ito
Dahil agrikulturang bansa ang Pilipinas
Dahil pinagmumulan ito ng pagkain at hilaw na materyales
Ang mga sumusunod ay KAHALAGAHAN na natatamasa ng bansa sa sektor ng Agrikultura MALIBAN sa _________________
Pinagkukunan ng pagkain
Pinagmumulan ng Hilaw na Materyales
Nagbibigay hanap-buhay sa mamamayan
Nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng bansa
Sino ang kasalukuyang KALIHIM (secretary) ng Department of Agriculture?
Lisa Honteveros
Benhur Abalos
Ferdinand Marcos Jr.
Sarah Duterte
Ang pag-aalaga ng baboy, baka, manok at pato ay kabilang sa anong gawain sa sektor ng agrikultura?
Paghahalaman
Paghahayupan
Pangingisda
Paggugubat
Mayroong apat na gawain sa Sektor ng Agrikultura. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang?
Paghahalaman
Paghahayupan
Paglilingkod
Pangingisda
Ang mabilis na pagkasira ng ani ng mga magsasaka ay isa sa mga problemang kinahaharap ng mga magsasaka sa bansa. Bakit nangyayari ang sitwasyong ito?
Hindi gumagamit ng pataba o fertilizer ang mga magsasaka
Walang sapat na kagamitan ang mga magsasaka sa pagsasaka
Kakulangan sa maayos na imbakan ang mga magsasaka
Dala ng sobrang init ng panahon kaya nasisira ang mga ani ng magsasaka
Ano ang magiging epekto sa mga mamamayan ng bansa kung patuloy ang pagkakasakit ng mga hayop at peste sa mga pananim ng bansa?
Tatataa ang bilang ng suplay ng karne at palay sa pamilihan
Bababa ang suplay ng karne at palay sa pamilihan
Mawawalan ng benta ang mga naghahanap-buhay sa pamilihan
Mawawalan ng hanap-buhay ang mga manggagawa sa Agrikultura
Ang LAND REFORM ACT OF 1955 ay isinabatas sa panunugkulan ni dating pangulong RAMON MAGSAYSAY. Ano ang layunin ng batas na ito?
Bumili ng pribadong lupa at ibenta sa mga magsasaka na walang lupain
Bumili ng pribadong lupa at ibigay sa mga magsasaka na walang lupain
Bigyan ng limang ektarya ng lupa ang mga magsasaka na walang lupain
Bigyan ng mga kagamitan ang mga magsasaka para may magamit sa pagsasaka
Noong panahon ni dating pangulong Diosdado Macapagal ay naisabatas ang isang batas na may layuning bigyan ng mahabang installment plan ang mga magsasaka sa pagbili ng lupa. Ano ang batas na ito?
Land Reform Act of 1995
Code of Agrarian Reform
Agricultural Land Reform Code
Comprehensive Agrarian Reform Law
Bilang tulong sa mga magsasaka noong panahon ng panunugkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr ay naisabata ang Code of Agrarian Reform. Ano ang layunin ng batas na ito?
pagbili ng pribadong lupa at ipagbili sa mga magsasaka
pagkakaloob ng mahabang installment plan sa paglilipat ng lupain
pagkakaloob ng limang ektarya ng lupa sa kanilang sinasaka
pagbibigay ng mga makabagong kagamitang pangsaka
