wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

CBAR (Filipino 9)

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang kura ang mamamahala sa pista na gaganapin sa ating bayan. Ano ang kahulugan ng salitang "kura"?

a)

Pulis

b)

Gwardya Sibil

c)

Alkalde Mayor

d)

Pari

2.

Pinag-uusig ng mga gwardiya sibil si Crisostomo Ibarra. Ano ang kahulugan ng salitang "pinag-uusig"?

a)

pinapatago

b)

pinaghahanap

c)

pinagpapanggap

d)

pinag-uutos

3.

Nagpagunita sa mga alaala ni Sisa ang mga panahong kasama niya ang kaniyang mga anak. Ano ang kahulugan ng salitang "nagpagunita"?

a)

nagpasabik

b)

nagpatuloy

c)

nagpaalala

d)

nanatili

4.

Ang kamangmangan ay walang lugar sa lipunan, kailangan mong maging maalam. Ano ang kahulugan ng salitang "kamangmangan"?

a)

kahusayan

b)

kahangalan

c)

kakulangan sa pera

d)

kawalan ng kaalaman

5.
  • Nalugmok siya nang makita ang kaniyang minamahal na ikakasal sa iba. Ano ang kahulugan ng salitang "nalugmok"?

a)

namutla

b)

namatay

c)

napaiyak

d)

napahandusay

6.
  • Patuloy siyang pinagbibintangan na tinuligsa niya ang pamahalaan. Ano ang kahulugan ng salitang "tinuligsa"?

a)

tinalikuran

b)

siniraan

c)

sinisiyasat

d)

pinagbawalan

7.

Hindi matanggap ng anak ang nangyaring pagkapiit ng kaniyang ama. Ano ang kahulugan ng salitang "pagkapiit"?

a)

pagkahuli

b)

pagkabilanggo

c)

pagkabugbog

d)

pagkatakwil

8.
  •  Sinasaliwan ng awit ang mahinang musika habang ang iba'y nakikinig lamang. Ano ang kahulugan ng salitang "sinasaliwan"?

a)

hinihintuan

b)

binibigyan

c)

kinakantahan

d)

sinasabayan

9.
  • Nais kong umiyak nang malakas nang sa gayo'y maparam ang sakit na aking nadarama. Ano ang kahulugan ng salitang "maparam"?

a)

makalimutan

b)

malimot

c)

mawala

d)

mabawi

10.

Ang pag-indak ng mga tao'y mas nagpasaya ng pista sa San Diego. Ano ang kahulugan ng salitang "pag-indak"?

a)


pagtayo nang matuwid

b)

pagtalon nang mataas

c)

pagkumpas ng kamay

d)

paggalaw ng katawan

11.

Lumulan si Maria Clara sa kalesa patungo sa simbahan para dumalo ng misa. Ano ang kahulugan ng salitang "lumulan"?

a)

tumungo

b)

sumakay

c)

pumasok

d)

tumigil

12.

Isinakdal siya bilang erehe at pilibustero kahit hindi naman totoo. Ano ang kahulugan ng salitang "isinakdal"?

a)

inakusahan

b)

binitay

c)

tinago

d)

inalipusta

13.

Nakalagay sa nakabunton na kahoy ang pinaglalagyan ng pera na ibinilin ni Elias. Ano ang kahulugan ng salitang "nakabunton"?

a)

nakatambak

b)

nakaayos

c)

nakatago

d)

nakasara

14.

Siya lamang ang may karapatan sa luklukang kaniyang iniingatan. Ano ang kahulugan ng salitang "luklukan"?

a)

mesa

b)

kayamanan

c)

upuan/pwesto

d)

patungan

15.

Naisiwalat sa buong bayan na si Crisostomo Ibarra ang namamahala sa pag-aaklas. Ano ang kahulugan ng salitang "naisiwalat"

a)

naibunyag

b)

nasabi

c)

nakita

d)

naibigay