WorksheetsFilipino 10 Unang Markahan: Panimulang Pagtataya
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita sa pangungusap.
Pandiwa
Pangngalan
Pang-ugnay
Pang-abay
Ito ay kilala rin sa katawagang TALINHAGA. Ito ay mga turo ni Kristo upang akayin ang tao tungo sa tamang landas.
Parabula
Mitolohiya
Anekdota
Sanaysay
Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging epekto ng pagiging mausisa sa kabataang tulad mo?
Maaaring maging matagumpay sa lahat ng inuusisang bagay.
Magkakaroon ng maraming kaalaman at kaibigan dahil sa pagiging mausisa.
Maaaring maging bunga ng kaalaman, maaari ring maging bunga ng kapahamakan.
Magkakaroon ng tahimik na buhay at kapayapaan kung lahat ng tao ay mausisa.
Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon?
May masusing pagtimbang sa paksang bibigyan ng opinyon.
Makisali sa lahat ng usapan dahil naniniwala kang ang opinyon mo ay mahalaga.
Makinig saglit at magsalita agad upang maibigay mo ang iyong opinyon.
Pakinggan ang isang bahagi ng istorya ibigay ang opinyon agad-agad.
Ito ang mahalagang matutunan sa pagtatapos ng binasang kuwento o bahagi sa parabula na maaaring maibahagi sa tunay na buhay.
Tauhan
Tagpuan
Aral
Banghay
Ito ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
Alamat
Dagli
Epiko
Mitolohiya
Isa ito sa mga elemento ng parabula na tumutukoy sa oras, panahon at lugar na pinagdausan ng kuwento at istorya. Maaari itong maging dalawa o higit pa.
Aral
Banghay
Tagpuan
Tauhan
Sino ang itinuturing na diyosa ng kagandahan ng mga Romano?
Athena
Hera
Hestia
Venus
Piliin ang dalawang kinabibilangan ng mito sa Pilipinas.
Alamat
Kuwentong-Bayan
Epiko
Ritwal
Saan karaniwang matatagpuan ang mga kuwento sa parabula?
Bibliya
Kagubatan
Karagatan
Tagpuan
