Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 - QUARTER 1 - PINAGMULAN NG PILIPINAS

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging mahalagang kontribusyon ng pagkakatuklas ng bungo ng Taong Tabon sa kweba sa Palawan sa kasaysayan at kulturang Pilipino?

a)

Pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas

b)

  Pinatutunayan na mahusay ang mga siyentipiko na nagsaliksik sa kweba ng Tabon

c)

Pinatutunayan na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino

2.

Ano ang rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas sa kontinenteng Asya?

a)

Timog Asya

b)

Timog Kanlurang Asya

c)

Timog Silangang Asya     

d)

Timog Hilagang Asya

3.

Ano ang wastong pagpapaliwanag ng Teorya ng Continental Drift ni Alfred Wegener?

a)

  Ang teoryang ito ay tungkol sa pumutok na mga bulkan sa ilalim ng karagatan kung kaya’t lumitaw ang Pilipinas.

b)

Ang teoryang ito ay tungkol sa pinaniniwalaang ang kontinente ng daigdig ay nabuo sanhi ng diyastropismo o ang paggalaw ng solidong bahagi ng mundo.

c)

Ang teoryang ito ay tungkol sa paglalang ng Diyos sa mundo.

d)

Ang teoryang ito ay tungkol sa pagkatunaw ng yelo kung kaya’t natabunan ang mga tulay na nagdurugtong sa Timog-Silangang Asya.

4.

Ito ay tawag sa isang malaking masa o super continent na pinagmulan ng Pilipinas.

a)

Gondwanaland

b)

Pangaea     

c)

Laurasia

d)

Crust

5.

Paano nagsimula ang Pilipinas ayon sa Teoryang Bulkanismo?

a)

Nahati ang malaking kalupaan sa maraming kontinente.

b)

Umangat ang mga pulo sa karagatan dahil sa pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng karagatang pasipiko.

c)

Bumaba ang sea level at ito ang dahilan sa pag-angat ng lupa.

d)

  May mga makakapal na uri ng bato na gumagalaw dulot ng paggalaw ng init sa ilalim ng Asthenosphere.

6.

Ayon sa teoryang ito, dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo ng Pilipinas sa isa’t isa.

a)

Teorya ng Bulkanismo   

b)

Teorya ng Continental Drift

c)

Teorya ng Tectonic Plate

d)

Teorya ng Tulay na Lupa

7.

Ang ________ ay ang masusing pananaliksik sa isang bagay o pangyayari.

a)

Teorya          

b)

Paniniwala  

c)

Migrasyon

d)

Kultura

8.

Suriin sa mga nabanggit na pangungusap ang tungkol sa pag-aaral ni Dr. Fritz of Voss na sumusuporta sa teorya ni Dr. Willis.

a)

Mayroong tulay na kung saan ginamit ng mga unang tao upang makarating sa iba’t ibang kontinente o lugar sa mundo.

b)

Maraming aktibong bulkan ang matatagpuan sa Karagatang Pasipiko.

c)

May mga nabubuong anyong lupa dahil sa paggalaw ng kontinente sa ilalim ng lupa.

d)

Magkaugnay ang mga bansa dahil sa isang fossil ng halaman na makikita sa isang kontinente.

9.

Ang Pilipinas ay kasama sa Pacific Ring of Fire, alin sa mga sumusunod ang dahilan kapag ang isang bansa ay bahagi nito?

a)

Mataas na temperatura tuwing tag-init.

b)

May paglindol at pagsabog ng mga bulkan.

c)

Nabubuo ang bagyo mula sa dako ng Pacific Ocean.

d)

Pagkakaroon ng dalawang uri ng panahon.

10.

Gunitain ang nakasaad sa libro ng Genesis, ayon sa paggawa ng Diyos sa daigdig, alin sa mga pangungusap ang nakasaad dito?

a)

Ang lahat ay mawawala pagdating ng panahon.

b)

Nagtulungan ang mga tao at ang Diyos sa paggawa ng daigdig.

c)

  Nagtulungan ang mga hayop at ang Diyos na pagandahin ang daigdig.

d)

Ang lahat ng iyong nakikita mula sa itaas hanggang lupa ay gawa ng Diyos.

11.

Paano mo ilalarawan ang Teorya ng Tulay na Lupa ni Fritz of Voss?

a)

  Ito ay tungkol sa paggalaw ng plates, may mga anyong lupa ang nabubuo at may mga natural phenomena na nangyayari sa bansa.

b)

  Ito ay tungkol sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatang pasipiko.

c)

  Ito ay tungkol sa pagbaba ng sea level na naging dahilan ng paglitaw ng lupa na dati ay nakalubog sa tubig.

d)

Ito ay tungkol sa paglalang ng Diyos sa mundo na mababasa sa Bibliya.

12.

Ang mga sumusunod ay mga paniniwalang pinagmulan ng Pilipinas. Alin sa mga ito ang paniniwalang pangrelihiyon na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas?

a)

  Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.

b)

Nabuo ang Pilipinas dahil sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.

c)

Isang makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng daigdig na kung saan ang Pilipinas ay nabibilang.

d)

Ang Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupang nag-uugnay sa mga kapuluan.

13.

Ano ang pinakatamang pagpapaliwanag ng salitang Pacific Ring of Fire?

a)

  Ito ang tawag sa isang bansa na maraming anyong tubig tulad na lamang ng ilog, lawa at batis.

b)

Ito ang tawag sa isang pangkat ng tao na mahilig sumayaw gamit ang apoy.

c)

   Ito ang tawag sa isang bulkang aktibo.

d)

  Ito ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan kayat maraming paglindol at pagsabog ng bulkan ang nagaganap.

14.

Teorya tungkol sa pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa malaking bahagi ng South America at Europa dahilan upang lumubog ang ilang kalupaan ng mundo at mga tulay na lupa nito.

a)

Teorya ng Tulay na Lupa

b)

Teorya ng Bulkanismo     

c)

Teorya ng Tectonic Plate

d)

Teorya ng Continental Drift

15.

Ito ang isang patunay na dating pinagdurugtong ng mga tulay ang mga pulo sa isa’t isa at ang Pilipinas sa ilang karatig na bansa sa Timog Silangang Asya.

a)

Malalim ang mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas.

b)

Mababaw ang mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas.

c)

   Iba – iba ang mga uri ng halaman, puno at hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.

d)

  Magkakatulad ang mga uri ng halaman, puno at hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.

16.

Suriin kung papaano nagkaiba ang teorya ni Alfred Wegener sa teorya ni Bailey Willis.

a)

Naniniwala si Alfred Wegener na ang Pilipinas ay lumitaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa karagatan samantalang naniniwala naman si Bailey Willis na nabuo ang Pilipinas dahil sa ang Diyos ang siyang lumalang sa mundo.

b)

Naniniwala si Alfred Wegener na nabuo ang Pilipinas dahil sa dalawang higanteng naglabanan samantalang naniniwala naman si Bailey Willis na ang Pilipinas ay nabuo dahil sa isang ibon na pinag-away ang langit at dagat.

c)

  Naniniwala si Alfred Wegener na ang Pilipinas ay bahagi noon ng Pangaea na binubuo noon ng isang malaking kalupaan 240 milyon ng nakalipas samantalang naniniwala naman si Bailey Willis na ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng bulkanismo o pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

d)

Naniniwala si Alfred Wegener na dating pinagdurugtong ng mga tulay ang mga pulo sa isa’t isa at ang Pilipinas sa ilang karatig na bansa sa Timog-Silangang Asya samantalang naniniwala naman si Bailey Willis sa mga Manobo na ang daigdig ay nagmula sa kuko ng kanilang Diyos.

17.

Ito ang teoryang nagpapaliwanag na nagkaroon ng isang supercontinent na tinatawag na Pangaea ilang milyong taon na ang nakararaan.


(This is the theory that explains the existence of a supercontinent called Pangaea a few million years ago.)

a)

Land Bridge Theory

b)

Plate Tectonics Theory

c)

Continental Drift Theory

18.

ang teorya na ang crust ng mundo ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak ng lupa na tinatawag na ?

a)

Laurasia

b)

Continental Drift

c)

Bulkanismo

d)

Tectonic Plates

19.

Sa ilang kontinente nahahati ang mundo?

a)

9

b)

8

c)

6

d)

7

20.

Siya ang nagsabi na ang Pilipinas daw ay nabuo dahil sa pagsabog ng mga bulkan.

a)

Bailey Willis

b)

Bailey L. Wegener

c)

Alfred L. Wegener

d)

Bailey Wegener