wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Module 1 Grade 5

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.
  1. Ano ang nakasanayang pagbati ng paggalang ng mga Lasalyanong mag-aaral?

a)
  1. Pagyakap sa kaibigan

b)
  1. Paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib at bahagyang pagyuko ng ulo

c)
  1. Pagmamano sa mga guro at nakatatanda.

2.

Alin ang hindi kabilang sa katangian ng mahusay na pagsasalaysay?


a)

Gawing kawili-wili ang pagkukwento.


b)

Mahalaga ang paksang tinatalakay.


c)

Maging maligoy ang pangyayari.


3.

Ano ang dapat tandaan sa pagkukuwentong muli ng nabasa o napakinggan?


a)

Basahing lahat ang kuwento.


b)

Kailangan itong maging kawili-wili.


c)

Ibigay lamang ang aral ng kuwento.


4.

Aling pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?


a)

Base umano sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), noong 2016, nasa 10,000 bata ang nasangkot sa    krimen. 


b)

Ginagamit ng sindikato ang probisyon sa RA 9344 of the Juvenile Justice    and Welfare Act of 2006 na nag-aabsuwelto sa mga nasa edad 15-pababa.


c)

Para po sa akin, hindi solusyon ang pag-ako ng isang krimen sa napakamurang edad dahil naniniwala ang inyong lingkod na ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang pagsagip sa mga child offender lalo na ang pagbigay ng kabuuang pangangalaga para sa makabuluhang pagbabago ng mga ito.


5.

Alin sa sumusunod ang ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon?


a)

Ayon sa batas…….


b)

Batay sa pananaliksik……


c)

Kung ako ang tatanungin…..


6.

Kung ikaw ay sumasang-ayon sa isang reaksyon, ano ang maaaring mong gamiting simula ng iyong pahayag?


a)

Mariin kong tinututulan.....


b)

Hindi ito nakabubuti....


c)

 Sang-ayon ako sa iyong pahayag.....


7.

Alin ang hindi ginagamit sa pagbibigay ng pasalungat na ideya?


a)

Totoong maganda ang iyong paninindigan.


b)

Tumututol ako sa iyong pahayag.


c)

Hindi ganyan ang opinyon ko.


8.

Saang karanasang naaakma ang Salawikain sa ibaba?

      Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.


a)
  1. Ako ay hindi pinahiram ng aking ate ng laptop pero kapag siya ay nangailangan ay pahihiramin ko siya.

b)
  1. Ako ay hindi pinahiram ng aking ate ng laptop kaya hindi ko rin siya pahihiramin.

c)
  1. Ako ay hindi pinahiram ng aking ate ng laptop kaya isusumbong ko siya kay nanay para siya ay mapagalitan.

9.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa ibaba?

“Kapag may isinuksok, may madudukot”


a)
  1. Mag-ipon ng pera upang makabili ng mga gusto kahit hindi naman ito kailangan.

b)
  1. Mag-ipon ng pera at ng may magamit sa oras ng pangangailangan.

c)
  1. Mag-ipon ng pera upang makabili ng mga bagong damit at sapatos.

10.

Ano ang pinakaangkop na reaksyon sa sitwasyon sa ibaba?

            May umiiyak na bata sa inyong kapitbahay dahil siya ay nagugutom at wala ng pambiling pagkain ang kanyang magulang. Ano ang sasabihin mo?


a)

Naku! Nakakaawa naman ang bata, dadalhan ko siya ng pagkain.


b)

Naku! Ang ingay naman ng batang iyon, nakakaistorbo sa aking pag-oonline.


c)

Naku! Makapunta nga sa bahay ng aking lola para hindi ko marinig ang ingay ng aking kapitbahay.