wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 5: AP Quiz 1

Total questions: 50

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

TAMA o MALI: Ang Pilipinas ay isang archipelago na may sukat na 300,000 kilometro kwadrado.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pulo ng Visayas?

a)

Cebu

b)

Panay

c)

Samar

d)

Romblon

3.

Ano ang lapit o layo ng mga lugar lugar sa isa't isa?

a)

pulo

b)

distansiya

c)

absolute

d)

relative

4.

Ang (a)   ay isang simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng pangunahin at pangalawang direksiyon.

5.

Ano ang tumutukoy sa tiyak na kinaroroonan ng isang bagay o lugar?

(a)  

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pulo ng Mindanao?

a)

Siargao

b)

Tawi-Tawi

c)

Catanduanes

d)

Sulu

7.

Mayroong tinatawag na north arrow o isang simbolo na laging nakaturo sa direksiyong pahilaga.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Nais makita ni Bianca ang kinaroroonan ng bansang New Zealand sa mapa, pati na rin sa globo. Ano ang dapat niyang gamitin sa mapa o globo?

(a)  

9.

Tumutukoy ito sa kaugnay, kalapit, o katabi ng lokasyon.

a)

absolute

b)

pagtalunton

c)

grid

d)

relatibo

10.

Tumutukoy ito sa tiyak o tumpak na lokasyon.

a)

distansiya

b)

relatibo

c)

absolute

d)

pagtalunton

11.

Ito ay tumutukoy sa paghahanap, pagtukoy ng isang lugar o bagay.

a)

relatibo

b)

pagtalunton

c)

grid

d)

distansiya

12.

Tama o Mali: Ang bawat linya ng latitud ay may katumbas na bilang na 15° hanggang 90° mula sa ekwador patungo sa magkabilang direksiyon na pahilaga at patimog.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Kumpletuhin ang analohiya.

(a)   : patayong linya sa globo

latitud: pahalang na linya sa globo

14.

Ang tawag sa linyang pahalang na makikita sa globo o mapa.

(a)  

15.

Ang tawag sa distansiya sa pagitan ng dalawang parallel.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

grid

d)

meridian

16.

Sa loob ng klarum, may napansin si Tricia na isang bagay. Tinatawag ito na pabilog na representasyon at pinakamodelo ng mundo. Ano kaya itong kapansın ni Tricia?

(a)  

17.

Pumunta si Agnes sa National Bookstore upang maghanap ng palapat na representasyon ng daigdig. Ano ang dapat niyang hanapin at bilhin?

(a)  

18.

Punan ang patlang. Piliin ang Tamang sagot.

Ang katumbas na digri sa bawat longhitud na magsisimula sa ________ meridian sa magkabilang direksyon na pakanan (pasilangan) at pakaliwa (pakanluran).

a)

10°

b)

20°

c)

d)

100°

19.

Saan nagtatagpo ang mga linyang parallel at meridian?

a)

absolute

b)

longhitud

c)

grid

d)

distansiya

20.

Ano ang anyong lupa tulad ng kontinente, kapuluan, pulo, bundok, at iba pa?

a)

katubigan

b)

daigdig

c)

kalangitan

d)

kalupaan

21.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga espesyal na guhit latitud?

a)

Meridian

b)

Tropic of Cancer

c)

Equator

d)

Arctic Circle

22.

Ano ang likhang-isip na linya na humahati sa globo sa direksiyong pahalang. Sa linyang ito nagsisimula ang pagbilang ng digri pababa at pataas.

a)

Tropiko ng Capricorn

b)

Ekwador

c)

Tropiko ng Cancer

d)

Kabilugang Artiko

23.

Punan ang analohiya.

Kabilugang Artiko: ang linyang nasa 66.5° hilagang latitud

_____________: ang linyang nasa nasa 66.5° timog latitud

a)

Tropiko ng Cancer

b)

Tropiko ng Capricorn

c)

Ekwador

d)

Kabilugang Antarctic

24.

Ano ang linyang nasa 23.5° hilagang latitud?

a)

Tropiko ng Capricorn

b)

Kabilugang Artiko

c)

Kabilugang Antarctic

d)

Tropiko ng Cancer

25.

Ano ang linyang nasa 23.5° timog latitud?

a)

Tropiko ng Capricorn

b)

Kabilugang Artiko

c)

Kabilugang Antarctic

d)

Tropiko ng Cancer

26.

Ano ang ang tawag sa linyang patayo o pababa; nagmumula ito sa Hilagang Polo (North Pole) at nagtatapos sa Timog Polo (South Pole)?

(a)  

27.

Ito ang distansiya sa pagitan ng meridian. Ito ay nasusukat ayon sa digri ng layo nito pakanan

o pakaliwa mula sa prime meridian

(a)  

28.

Ito ay espesyal na meridian na nagsisimula 0° mula sa Greenwich, England at may kabuoang sukat na 180°.

a)

Prime Meridian

b)

Absolute Meridian

c)

Meridian

d)

North Meridian

29.

Ano ang espesyal na linya na nagtatakda ng araw at oras sa mga lugar at bansa sa mundo?

a)

International Degree Line

b)

International Dot Line

c)

International Date Line

d)

International Day Line

30.

Punan ang analohiya.

Silangang Hatingglobo: (a)  

Kanlurang Hatingglobo: Western Hemisphere

31.

Ang __________ ay nakabatay as pagtukoy ng mga katubigan na nakapaligid sa isang lugar o bansa.

a)

basinal na lokasyon

b)

relatibong lokasyon

c)

prime meridian

d)

insular na lokasyon

32.

Ang ____________ ay nakabatay as mga kalupaan o mga bansang nakapalibot sa isang lugar.

a)

meridian

b)

bisinal na lokasyon

c)

relatibong lokasyon

d)

insular na lokasyon

33.

Punan ang analohiya.

Hilaga: (a)  

Kanluran: Kanlurang Dagat Pilipinas (West Philippine Sea) at Timog Dagat Tsina (South China Sea)

34.

Alin sa mga sumusunod na kalupaan ang hindi makikita sa hilaga ng Pilipinas?

a)

Taiwan

b)

Japan

c)

Vietnam

d)

Timog Korea

35.

Punan ang analohiya:

Silangan: Dagat Pilipinas (Philippine Sea) at Karagatang Pasipiko

(a)   : Dagat Celebes at Dagat Sulu

36.

TAMA o MALI: Mahalaga ang konsepto ng direksiyon sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng isang lugar o bansa.

a)

Tama

b)

Mali

37.

TAMA o MALI: Ang Dagat Pilipinas (Philippine Sea) at Karagatang Pasipiko ay ang mga makikitang katubigan sa timog ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Ang mga katubigan katulad ng Dagat Pilipinas (West Philippine Sea) at Timog Dagat Tsina (South China Sea) ay matatagpuan sa anung bahagi ng Pilipinas?

a)

Kanluran

b)

Hilaga

c)

Silangan

d)

Timog

39.

TAMA o MALI: Sa kasalukuyang panahon, mas mabilis na ang pagtukoy sa tiyak na kinarooonan ng isang lugar gamit ang konsepto ng Global Positioning System (GPS), mga interactive map, mga navigation app, at iba pang uri ng makabagong teknolohiya.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Punan ang analohiya:

Mga pulo ng Guam at Hilagang Mariana (USA): (a)  

Indonesia: Timog

41.

Punan ang analohiya:

Hialagang-Kanluran: Tsina (People's Repubic of China)

(a)   : Ang pulo ng Borneo (Malaysia)

42.

TAMA o MALI: Ang Pusan Point sa Caraga at Davao Oriental ay ang silangang hangganan (extreme points) ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

43.

TAMA o MALI: Ang Frances Reef sa Sitangkai at Tawi-Tawi ay ang hilagang hangganan (extreme points) ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Punan ang analohiya.

Pulo ng Mavulis (Y'ami) sa Itbayat, Batanes: (a)  

Frances Reef sa Sitangkai, Tawi-Tawi: Timog

45.

TAMA o MALI: Ang Balabac Great Reef sa Balabac, Palawan oPulo ng Pag-asa (bahagi ng Kalayaan Island Group), Palawan ay ang kanlurang hannganan (extreme points) ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

46.

TAMA o MALI: Kung manggagaling sa kanluran patungon silangan, magdaragdag ng isang araw pagdaan sa IDL. Kung mula naman sa silangan papuntang kanluran magbabawas ng isang araw pagkatawid sa IDL.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pulo ng Luzon?

a)

Batanes

b)

Marinduque

c)

Catanduanes

d)

Siquijor

48.

TAMA o MALI: Mayroong mahigit na 7,641 na malilit at malalaking pulo sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Punan ang analohiya.

linyang

pataas mula sa ekwador: hilagang latitud

pababa mula sa ekwador: (a)  

50.

Punan ang analohiya.

(a)   : silangan ng prime meridian

Kanlurang Hatingglobo: kanluran ng prime meridian