Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Likas na Yaman

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga ugat ng puno ay sumisipsip ng tubig at pumipigil sa pagbaha at pagguho ng lupa. Marami ring uri ng gamot ang nagmumula sa mga ugat nito.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Nagagamit ang mga dahon ng puno upang malinis ang maruming hanging tinatawag na carbon dioxide at makapagpalabas naman ng malinis na hanging tinatawag na oxygen.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Maraming likas na yaman ang nagmumula sa mga hayop tulad ng karne, gatas, itlog, at materyales tulad ng balat o leather para sa iba't ibang kagamitan.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Sa palay nanggaling ang asukal na ginagamit upang mapatamis ang maraming produkto.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang ginto ay mahalagang mineral na ginagamit sa pagpapatakbo ng mga sasakyan at ng mga makina sa mga parbika.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Nagtutulong-tulong ang buong pamilya nina Rina sa pagtatanim ng mga puno at halaman sa kanilang bakuran.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Nagpabili si Joan ng Palawan talking mynah sa kanyang nanay para gawing alaga kahit pa alam niyang isa ito sa mga hayop na nanganganib nang maubos.

a)

b)

8.

Hindi nagdadala ng eco bag si Raquel kapag namimili. Supot na plastik o papel pa rin ang ginagamit niya.

a)

b)

9.

Iniingatan ni Peter ang paggamit sa kanyang lapis at papel. Alam na kasi niya ngayon na galing pala sa puno ang mga ito.

a)

b)

10.

Kinakain at iunuubos ni Pearl ang baon niyang gulay. Masarap ang gulkay na mula sa mga tanim nila sa bakuran.

a)

b)

11.

Hanapbuhay ng tatay ni Carding ang pangunguha ng tahong at talaba na ipinagbibili naman ng nanay niya sa palengke.

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

12.

Maraming huling hipon at alimango si Mang Mario mula sa kanyang palaisdaan.

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

13.

May mga perlas na nakuha ang mga maninisid mula sa ilalim ng dagat.

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

14.

Malalaki at matatamis na mangga ang inani ni Lala mula sa kanilang taniman.

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

15.

Masarap at masustansiya ang karne mula sa mga bakang pinakakain ni Mang Gringo ng sariwang damo.

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig