NEW
Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao-8
Total questions: 62
Worksheet time: 32mins
Painumin ng softdrinks ang taong maysakit.
Tama
Mali
Siguro
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
paaralan
pamilya
pamahalaan
barangay
“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
1. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao.
TAMA
MALI
2. Isa sa mga paraan ng pagtuturo sa isang bata na ang paggalang at pagsunod ay ang pagpapakita ng halimbawa ng mga nakatatanda.
TAMA
MALI
3. Hindi mahalaga ang pagsunod at paggalang sa mga taong nasa awtoridad.
TAMA
MALI
4. Mahirap ituwid ang pagkakamali ng isang bata na tatlong taon.
TAMA
MALI
5. Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katuwiran at ng kakayahang magpasakop.
TAMA
MALI
6. Ang paggalang sa mga kagamitan ng mga magulang ay nagpapakita ng respeto.
TAMA
MALI
7. Makakatulong ang hindi paglabas sa panahon ngayon upang makabawas sa mga alalahanin ng ating mga magulang.
TAMA
MALI
8. Ang hindi pagsusuot ng facial mask ay makakatulong sa ating kalusugan sa panahon ngayon.
TAMA
MALI
9. Lagi nating ipanalangin ang mga taong may awtoridad na sila ay gabayan ng Diyos sa kanilang mga gawain.
TAMA
MALI
10. May mga patakarang sadyang mahirap sundin.
TAMA
MALI
1. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan nang barkada kahit ito ay taliwas sa pinapatupad ng mga awtoridad.
SANG-AYON
DI-SANG AYON
2. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo at pagtugon sa kanilang pangangailangan sa abot ng makakaya.
SANG-AYON
DI-SANG AYON
3. Pagbibigay halaga sa mga taong nakapaligid sa iyo.
SANG-AYON
DI-SANG AYON
4. Pagkilala sa mga taong naging bahagi na ng iyong buhay.
SANG-AYON
DI-SANG AYON
5. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa pagsunod at paggalang.
SANG-AYON
DI-SANG AYON
Ano ang nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at pakikitungo sa kapwa.
Pagdarasal
Pakikipagkaibigan
Bukas na komunikasyon
Mabisang pakikipag-ugnayan
Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya
Bahagi ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglaban ngunit hindi nagagampanan ang tungkulin
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ginagampanang papel ng pamilya sa lipunan?
Bayanihan
Kapatiran
Pagsulong sa karapatan
Pagsasarili
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ginagampanang papel ng pamilya sa lipunan?
Bayanihan
Kapatiran
Pagsulong sa karapatan
Pagsasarili
1. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
Barangay
Paaralan
Pamahalaan
Pamilya
Katuwang ng Diyos sa paglikha ng tao.
Ama
Guro
Ina
Magulang
Bakit mahalaganag maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?
Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
Upang maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya
Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon na nakapag-iisa ng isip at puso ng dalawang tao.
Katarungan
Katatagan
Pagmamahal
Pag-unawa
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay:
Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
Makakapagtatag sa ugnayan ng mga mag-asawa
Maipapakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
Natural na institusyon ang pamilya. Alin sa mga sumusunod ang dahilan?
Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan
Ang mga institusyoon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at magsama nang habambuhay
Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
Ano ang dahilan kung bakit natural ang pagtutulungan sa isang pamilya?
Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta sa bawat isa
Sapagkat kusa ang pagtulong ng pamilya sa bawat isa ayon sa kanilang makakaya
Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na nasang mabuting kalagayan ang pamilya
Dahil wala naman magtutulungan kundi ang magkakapamilya
Ang pangunahing layunin ng pamilya bilang institusyon:
magkaroon ng tahanan
magkaroon ng mga anak o procreation
magkaroon ng nanay at tatay
magkaroon ng papel sa lipunan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan ng isang pamilya?
Likas at pangunahing paaralan
Dito natutuhan ang pakikisalamuha at pagbibigay galang
Pinag-uugatan ng pagkamakasarili at pagbabalewala sa kapwa
Nagtuturo sa mga kasapi ng katotohanan at mga pagpapahalaga
Ito ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata.
Buhay
Edukasyon
Kalusugan
Pagkain at tirahan
Ang ________________ ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at _______________ ang pinakamataas.
Katarungan at Pagmamahal
Kataasan at Pagmamalaki
Katalinuhan at Pag-unawa
Kaayusan at Pagiging tapat
Bakit mahalaga ang komunikasyon sa loob ng pamilya?
Upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng impormasyong gusting ibalita
Upang bawat kasapi ay makapagpahayag ng kanyan pag-alala at pagmamahal para sa isa’t isa
Upang matuto ang bawat kasapi ng kasanayan sa mabisa at tapat na komunikasyon at ugnayan sa pamilya at kapwa
Upang palaging masaya ang ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya
Ano ang nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at pakikitungo sa kapwa.
Pagdarasal
Pakikipagkaibigan
Bukas na komunikasyon
Mabisang pakikipag-ugnayan
Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya
Bahagi ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglaban ngunit hindi nagagampanan ang tungkulin
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ginagampanang papel ng pamilya sa lipunan?
Bayanihan
Kapatiran
Pagsulong sa karapatan
Pagsasarili
Ito ang maliit na yunit ng lipunan.
Relihiyon
Pamilya
Gobyerno
Ekonomiya
Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang nagpapatunay dito?
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal.
Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda
Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.
Ang mga sumusunod ay ang 3P's na dapat taglayin at papairalin ng mga kasapi ng isang pamilya maliban sa ______________.
Pagmamahal
Pagsusumikap
Pananampalataya
Pagtutulungan
Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
Pagiging maalalahanin sa ibang tao
Huwag makinig sa payo ng mga magulang
Maging magalang sa nakatatanda at panauhin
Umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Dahil;
may bukas na komunikasyon ang pamilya
may respeto ang bawat miyembro ng pamilya
may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa
Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
pagtanaw ng utang na loob sa ina
pagpapakita ng pagkamatulungin
pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
hinahatid sa eskwelahan
laging binibigyan ng pera ang anak
pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;
Maging matatag ang pamilya.
Maayos ang pagtrato sa bawat isa.
Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.
Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.
Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
pagtanaw ng utang na loob sa ina
pagpapakita ng pagkamatulungin
pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.
pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.
Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito. Piliin ang pinakaangkop na pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan.
Pag-iwas
Pananahimik
Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan. Piliin ang pinakaangkop na pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan.
Pag-iwas
Pananahimik
Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan? Piliin ang pinakaangkop na uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay nagpaalam sa kanyang lola, hindi ito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Ngunit tumakas ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay:
kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba
kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan
kawalan ng pagpapahalaga sa sarili
kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas
Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan
pagsunod sa batas ng may awtoridad
pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party
pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito
Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
mangmang ang taong walang alam sa batas
makukulong ang taong walang alam sa batas
payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa
hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan ukol rito
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at pagmamahal sa magulang?
Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
Hindi humihingi ng kapatawaran sa Ina si Jean tuwing nagkakamali.
Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
hindi pagtalima sa mga nais ng kaibigan
paghingi ng payo sa mga magulang sa pagpapasya
pakikipag-usap ng pabalang
umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang
