WorksheetsKabanata 1: Heograpiya ng Daigdig
Total questions: 42
Worksheet time: 56mins
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig at ang impluwensiya nito sa pamumuhay ng tao.
Heograpiya
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig tulad ng mga anyong lupa, anyong tubig, klima, at likas na yaman.
Heograpiyang Pisikal
Heograpiyang Pantao
Lugar
Rehiyon
Ito ay nakatuon naman sa pag-aaral ng mga prosesong panlipunan na bahagi ng pag-akma ng tao sa pisikal na kapaligiran tulad ng kultura, wika, kabuhayan, kasaysayan, at iba pang aspektong nauukol sa paraan at sistema ng pamumuhay ng tao.
Heograpiyang Pisikal
Heograpiyang Pantao
Lugar
Rehiyon
Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang particular na lugar sa mundo.
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ito ang paggamit ng paraang bisinal at insular para mailarawan ang lokasyon ng isang partikular na lugar.
Relatibong Lokasyon
Absolutong Lokasyon
Lokasyong Bisinal
Lokasyong Insular
Ito ang paggamit ng paraang digri latitud at digri longhitud para mailarawan ang lokasyon ng isang partikular na lugar o bansa.
Relatibong Lokasyon
Absolutong Lokasyon
Lokasyong Bisinal
Lokasyong Insular
Ito ang pagtukoy sa kinaroroonan ng isang lugar na nakabatay sa mga pangunahing anyong lupa o mga bansang nakapaligid dito.
Relatibong Lokasyon
Absolutong Lokasyon
Lokasyong Bisinal
Lokasyong Insular
Ito ay distansiyang angular sa pagitang ng dalawang parallells.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Ito ang tawag sa mga imahinaryong linyang kaagapay ng ekwador.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Tinatawag din itong parallels of latitude.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Ito ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang meridyano.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Ito ang tawag sa mga imahinaryong linyang kaagapay ng pangunahing/punong meridyano.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Tinatawag din itong meridians of longitude.
Latitud
Longhitud
Parallels
Meridyano
Ito ay tumutukoy sa natatanging katangian ng isang partikular na pook sa daigdig.
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Nakatuon ang temang ito sa mga proseso at sistemang isinasagawa ng tao bilang bahagi ng kaniyang pag-angkop sa likas na kondisyon at mga pagbabago sa kaniyang kapaligiran.
Ugnayan ng Tao sa Kapaligiran
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ito ay tumutukoy sa anumang proseso ng paglipat ng tao, maging mga hayop mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga lugar o bansa na may magkakatulad, magkakabahagi, at magkakaugnay na katangiang pisikal at kultural upang makabuo ng isang yunit.
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ito ay nabuo bunga ng pakikipag-ugnayan at interaksiyon ng mga magkakalapit na lugar na maaring nakabatay sa kultura, ekonomiya, politika, at kasaysayan.
Rehiyon
Functional Region
Formal Region
Verbacular Region
Nabuo ang rehiyong ito sa pamamagitan ng pagtatakda sa opisyal na hangganan ng teritoryo ng bawat bansa, lingsod, at lalawiga ang batayan.
Rehiyon
Functional Region
Formal Region
Verbacular Region
Ito ay mga rehiyong nabuo mula sa tradisyonal na pagtatakda ng direksiyon--ang hilaga, timog, silangan, kanluran ganyundin ang malapit, malayo, at sentral.
Rehiyon
Functional Region
Formal Region
Verbacular Region
Nagiisang daigdig na siyang tuwirang panirahan ng mga tao, hayop, at mga halaman.
Venus
Mars
Saturn
Earth
Ito ang panlabas na bahagi o pabalat ng daigdig.
Crust
Mantle
Core
Inner Core
Ito ang pinakamalaking suson ng daigdig na umaabot ang kapal sa 3000 kilometro.
Crust
Mantle
Core
Inner Core
Ito ang pinaka loob -loobang bahagi ng daigdig.
Ito ay naihahalintulad sa isang bolang lubhang mainit.
Crust
Mantle
Core
Inner Core
Ito ay nasa sentro at ang pinakamaliit na bahagi ng daigdig.
Crust
Mantle
Outer Core
Inner Core
Ito ay napakainit na bahagi kung kaya't ang mga metal na naririto ay nasa anyong likido.
Crust
Mantle
Outer Core
Inner Core
Ito ang linyang humahati sa globo sa Hilagang Hatingglobo at Timog Hatingglobo.
Longhitud
Latitud
Ekwador
Punong Meridyano
Ito ang linyang humahati sa globo sa Silangang Hatingglobo at Kanlurang Hatingglobo.
Longhitud
Latitud
Ekwador
Punong Meridyano
Ito ay nakatakda sa 0 digri.
Longhitud
Latitud
Ekwador
Punong Meridyano
Ito ay imahinaryong linyang nasa 23.5 digri sa Hilagang Hatingglobo.
Tropiko ng Kaprikorn
Tropiko ng Kanser
Ekwador
Punong Meridyano
Ito ay imahinaryong linyang nasa 23.5 digri sa Timog Hatingglobo.
Tropiko ng Kaprikorn
Tropiko ng Kanser
Ekwador
Punong Meridyano
Ang mga karaniwang katangian ng klimang ito ay ang mga panahong basa at tuyo.
Climactic Zone
Torrid Zone
Temperate
Frigid Zone
Katamtaman ang klima rito na may apat na panahon-ang tag-init, taglamig, taglagas, at tagsibol.
Climactic Zone
Torrid Zone
Temperate
Frigid Zone
Ang sonang ito ng daigdig ay hindi nakakakuha ng sapat na sikat ng araw kung kaya't nagyeyelo at malamig ang pangkalahatang klima.
Climactic Zone
Torrid Zone
Temperate
Frigid Zone
Ang panahon kung kailan pantay ang haba ng araw at gabi.
Equinox
Torrid Zone
Temperate
Frigid Zone
Isang imahinaryong linyag tumatawid mula sa Hilagang Polo hanggang Timog Polo.
Ito ay nagsisilbing decmarcation line upang maitakda ang araw sa magkabilang bahagi ng mundo.
Longhitud
Latitud
IDL
Punong Meridyano
Ito ang ibig sabihin ng IDL.
Internationals Date Line
International Dates Line
International Date Line
International Date Lines
Ilang porsiyento ng kalupaan ang binubuo ng daigdig.
29.1
29.2
29.3
29.4
Ilang porsiyento ng katubigan ang binubuo ng daigdig.
70.6
70.7
70.8
70.9
Ito ang pinakamalaking anyong tubig.
Golpo
Bukal
Delta
karagatan
Ito ang pinakamalaking anyong lupa.
Tangway
Lambak
Kapatagan
kontinente
Ang Asya at Europa ay nasa iisang lupalop lamang na kung tawaging _______.
Aspa
Asyrope
Eursia
Eurasia
