Font size
WorksheetsREVIEW QUIZ: DIGNIDAD NG TAO
Total questions: 15
Worksheet time: 20mins
Ano ang dapat gawin kung may suliranin sa pag-unawa sa mga aralin?
Makipag-ugnayan sa guro.
Gumamit ng hiwalay na papel.
Huwag sulatan ang modyul.
Mag-aral nang mag-isa.
Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay?
Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
Dahil sa pagiging angat sa iba
Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
pagmamalasakit at pag-unawa
pagpapahalaga at paggalang
pagkalinga at paggalang
pagkilala at pagtulong
“Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang,” ayon kay Immanuel Kant. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kanyang isip at kalayaan.
Ang tao ay may angking talento at galing.
Ang tao ay may kakayahang kumilos.
Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
“Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag?
Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
Ang tao ay nilikha ng Diyos.
Ang tao ay pantay-pantay.
Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang minamahal at nagmamahal?
Paggalang
Pagmamahal
Pagmamalasakit
Pagtitiwala
Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?
dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa.
dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay.
upang maging mabuting halimbawa sa kapwa.
upang makilala sa lipunang ginagalawan.
Ano ang itinuturing na pagiging moral?
Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog sa Likas Batas Moral.
Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng moral na pamumuhay?
Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang makita ng ibang tao.
Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga kaibigan.
Pagbibigay tulong na may hinihintay na kapalit.
Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak
Suriin ang Sitwasyon 1: Nagmula si Julius sa isang mayamang pamilya. Gayonpaman, inaatasan pa rin siya ng kaniyang magulang na tumulong sa gawaing-bahay kahit sila ay may mga kasambahay. Sa kaniyang libreng oras, tumutulong siya sa paglilinis ng kuwarto, pagluluto at pag-aalaga ng kanilang aso. Sa oras ng pagkain, inaanyayahan niyang sumabay sa kaniya ang mga kasambahay.
Suriin ang Sitwasyon 2: Habang namamasyal sa parke si Mark, isang lalaking may kapansanan ang hindi inaasahang natumba. Nahulog ang kaniyang mga dalang gamit. Agad na lumapit si Mark upang tulungang makatayo ang lalaki. Pinulot at nilinis din niya ang mga nalaglag na gamit. Inalalayan niya ito sa pinakamalapit na upuan at binilihan pa ng maiinom na tubig.
Suriin ang Sitwasyon 3: Tunay na nangyari ang sitwasyong ito sa isang sikat na network ng telebisyon: Isang tanyag at iginagalang na field news reporter si Alvin. Sa isang programang pantelebisyon, naatasan siyang magpanggap bilang pulubi o taong grasa. Gagawan niya ito ng dokyumentaryo at susubukan ang kakayahan ng mga tao na tumulong at magmalasakit sa kapuwa. Nang magpalit-anyo si Alvin, ang mga dating pagbati at papuri sa kaniya bilang kagalang-galang na news reporter ay napalitan ng pag-iwas at walang galang na pagtaboy.
Suriin ang Sitwasyon 4: Isa sa mga pinakasikat na manlalaro ng basketball si Mikey sa kanilang paaralan. Isang araw habang siya ay naglalakad papunta sa locker sa kanilang gym, hindi sinasadyang nabangga siya ng isang lalaki. Napagtanto niya na ito ay isa sa mga manlalaro ng nakalaban nilang koponan ng basketball. Sa kasamaang-palad, natalo sila sa larong iyon. Sa inis niya, sinigawan at hinamon niya ng suntukan ang lalaki.
Suriin ang Sitwasyon 5: Na-promote si Eric bilang department head sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Dahil ito sa kaniyang sipag at tiyaga noong ordinaryong empleyado pa lamang siya. Naalala niya na noong siya’y nagsisimula pa lamang, madalas siyang mapagsabihan at mapagalitan ng kaniyang boss. Ito ang ginamit niyang motibasyon upang paunlarin ang sarili at higit na magsumikap. Tiniis niya ang paghihigpit ng kaniyang boss. Ngayon ay retired na ito at namumuhay na lamang nang simple. Nabalitaan nito ang kaniyang promotion at agad na nagpadala ito ng pagbati sa kaniya sa text message at e-mail. Pinili ni Eric na hindi ito sagutin o magpasalamat man lamang. Naisip niyang hindi na niya ito kailangan dahil nakuha na niya ang hinahangad na posisyon.
