NEW
Font size
WorksheetsAwiting-Bayan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Anong awiting-bayan ang inaawit sa lamay bilang pagpapahayag ng pakikiramay?
Oyayi
Pasyon
Paharaya
Tagumpay
Si Aling Maria ay marahang humuhuni ng isang awit habang karga-karga ang kaniyang sanggol upang patulugin ito. Anong uri ng awiting bayan ang kanyang inaawit?
Oyayi
Paharaya
Pasyon
Balac
Si Mang Juan at ang kanyang mga kasamahang bangkero ay naglalayag sa gitna ng ilog habang masiglang inaawit ang isang kanta upang magbigay ng sigla habang sila'y sumasagwan. Ano ang kanilang inaawit?
Pasyon
Paharaya
Tagumpay
Soliranin
Matapos manalo sa isang labanan, ang mga mandirigma ng barangay ay sama-samang nagdiwang at umawit upang ipahayag ang kanilang pagkapanalo. Anong uri ng awit ang kanilang inaawit?
Pasyon
Tagumpay
Balac
Paharaya
Si Kardo ay umawit ng isang makatang kanta habang nanliligaw sa kanyang iniibig na si Maria. Anong uri ng awiting bayan ang ginamit niya upang ipahayag ang kanyang damdamin?
Pasyon
Tagumpay
Balac
Paharaya
Ang mga kaanak ng yumaong si Aling Rosa ay nagtipon upang magluksa at umawit ng awit ng pagdadalamhati bilang bahagi ng kanilang tradisyon. Anong awit ang kanilang inaawit?
Pasyon
Tagumpay
Balac
Paharaya
Tuwing Mahal na Araw, ang pamilya ni Mang Pedro ay sama-samang umaawit ng kanta na nagpapakita ng kanilang pananampalataya at paggunita sa sakripisyo ni Hesukristo. Anong uri ng awit ito?
Pasyon
Tagumpay
Balac
Paharaya
Ito ay awiting-bayan na inaawit ng mga bangkero o mangingisda kung namamangka at sumasagwan. Anong uri ng awit ito?
Pasyon
Tagumpay
Paharaya
Soliranin
Ito ang awitin na inawit nina Aliguyon at Pumbakhayon paktapos ng 36 na buwang labanan. Anong awitin ito?
Pasyon
Tagumpay
Balac
Pahayara
Bawat awiting-bayan ay may tiyak na layunin. Ang oyayi upang magpatulog ng bata, soliranin upang magpalakas ng loob ng mga mangingisda, balac upang magpahayag ng pag-ibig sa nililigawan, tagumpay upang ipagbunyi ang pagkapanalo sa labanan, paharaya upang maghatid ng pagdadalamhati para sa namatayan at pasyon upang magpahayag ng pananampalatayang kristiyano.
Ang pahayag ay TAMA
Mayroong bahagi ng pahayag na TAMA
Ang pahayag ay MALI
Mayroong bahagi ng payahag na MALI
