wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP REVIEWER

Total questions: 141

Worksheet time: 1hrs 16mins

Name
Class
Date
1.

Suriing mabuti ang mga katanungan sa ibaba at piliin ang naangkop na kasagotan.


Ang isip ay walang kapangyarihang mag-alaala.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang isip ay walang kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

a)

Tama

b)

Mali

5.

II. Pag unawa base sa nailagay ninyo kung isip o kilos-loob ito.


Ang may kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos.

a)

Isip

b)

Kilos-loob

6.

Ang may kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili

a)

Isip

b)

Kilos -loob

7.

Ang may kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan

ang pasya

a)

Isip

b)

Kilos-loob

8.

ang may kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi

ang nadarama

a)

Isip

b)

Kilos-loob

9.

Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang _____.

a)

kabutihan

b)

katamaran

c)

katotohanan

d)

kayabangan

10.

Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob ng tao?

a)

mag-isip

b)

umunawa

c)

magpasiya

d)

kumilos

11.

Sa Kaniya nagmula ang katotohanan at kabutihan.

a)

guro

b)

Diyos

c)

batas

d)

mga magulang

12.

Ayon sa kaniya ang kilos-loob ay ang makatwirang pagkagusto.

a)

Diyos

b)

Santo Tomas De Aquino

c)

Sean Covey

d)

Thomas Alba Edison

13.

Ang layunin ng ___________ ay mapabuti ang sarili at ang ibang tao.

a)

isip

b)

puso

c)

kilos-loob

d)

konsensya

14.

Hindi kailanman nanaisin ng kilos-loob ang masama sapagkat ito ay laging panig sa

a)

tao

b)

sarili

c)

mabuti

d)

nakararami

15.

Ito ay isa sa mga imahe ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na may kakayahan upang makaalam ng mga bagay na totoo.

a)

isip

b)

kilos-loob

c)

puso

d)

konsensya

16.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili, magpasya, at isakatuparan ang napili?

a)

isip

b)

kalayaan

c)

dignidad

d)

kilos-loob

17.

Walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?

a)

May limitasyon ang pag-iisip ng tao.

b)

Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hangga’t sila ay nabubuhay.

c)

Patuloy ang hilig ng tao hanggang matuklasan niya ang kaniyang kapaligiran.

d)

Hindi perpekto ang tao at ang kaniyang isip ay walang kakayahan na malaman ang katotohanan.

18.

Saan nagkakatulad ang tao at hayop?

a)

parehong responsable

b)

parehong may damdamin

c)

parehong nakakaalam ng tama

d)

parehong may kakayahang magdesisyon

19.

Ano ang nagpapahigit sa tao sa ibang nilalang?

a)

Siya ay may damdamin.

b)

Siya ay may isip at kilos-loob.

c)

Siya ay nilikha ng Diyos.

d)

Siya ay mahal ng Diyos.

20.

Ito ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang moral, o kagalingan.

a)

katalinuhan

b)

kagalingan

c)

kabutihan

d)

katarungan

21.

Ito ang pangunahing gamit ng isip.

a)

umunawa

b)

magmasid

c)

magmahal

d)

kumilos

22.

Ito ang pangunahing gamit ng kilos-loob.

a)

umunawa at umintindi

b)

magmasid at magsiyasat

c)

magmahal at magpatawad

d)

kumilos at gumawa

23.

Ito ang tunguhin ng kilos-loob.

a)

kabutihan

b)

kalayaan

c)

katotohanan

d)

karangalan

24.

Ito ang tunguhin ng isip.

a)

kabutihan

b)

kalayaan

c)

katotohanan

d)

karangalan

25.

Ang kilos-loob ay umaasa sa impormasyong ibinibigay ng isip. Ang pahayag ay:

a)

tama

b)

mali

c)

parehong tama o mali

d)

minsan tama, minsan mali

26.

Saang libro sa Bibliya nakasaad ang paglikha ng Diyos sa buong sanlibutan kabilang ang mga hayop at mga tao?

a)

Genesis

b)

Exodus

c)

Deuteronomy

d)

Numbers

27.

Ilang araw nilikha ng Diyos ang sangkalibutan?

a)

5

b)

7

c)

6

d)

3

28.

1. Sinasabi na ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ano ang kahulugan ng salitang kawangis.

a)

A. Kapantay

b)

B. Kasama

c)

C. Kamukha

d)

D. Ka-agapay

29.

2. Ano-ano ang mahahalagang sangkap na taglay ng tao?

a)

A. isip, kamay at katawan

b)

B. puso, damdamin, isip

c)

C. isip, puso, kamay at katawan

d)

D. isip, puso, kamay at damdamin

30.

3. Kung ang gamit ng isip ay umunawa, ano naman ang gamit ng kilosloob?

a)

A. gumawa

b)

B. mag-isip

c)

C. magpasya

d)

D. magpatawad

31.

4. Nang pauwi na si Arjay ay nakita niya ang isang wallet sa ilalim ng upuan ng kanyang kamag-aral. Mag-isa na lamang siya na natira noon sa loob ng silid-aralan. Kinuha ni Arjay ang wallet at binuksan niya ito laking gulat niya sapagkat may laman itong malaking pera at alam niya na ito ay sa kanyang kamag-aral. Maysakit noon ang kanyang ama at kinakailangan na makainom na gamot upang hindi lumala ang kanyang sakit. Baon na sila sa utang kung kaya’t hindi regular ang pag-inom ng kanyang ama ng gamot. Naisip niya na kuhanin ang pera. Tama ba o Mali ang kanyang ginawa?

a)

A. Tama, dahil kailangan ng kanyang ama ng tulong sa oras na yaon.

b)

B. Tama, dahil maaaring lumala ang sakit ng kanyang ama kung hindi ito makaiinom ng gamot.

c)

C. Mali, dahil hindi naman niya obligasyon na ibili ng gamot ang kanyang ama.

d)

D. Mali, dahil ang pera na iyon ay hindi naman sa kanya kaya wala siyang karapatan na kuhanin iyon.

32.

5. Sa pagpapasya kinakailangan na ito ay makabubuti sa__________.

a)

A. sarili, kapwa at pamilya

b)

B. sarili, kapwa, pamayanan

c)

C. sarili, pamilya, pamayanan

d)

D. kapwa, pamayanan

33.

6. Ano ang tunguhin ng kilos-loob?

a)

A. Kabutihan

b)

B. Katarungan

c)

C. Katotohanan

d)

D. Kapayapaan

34.

7. Ano ang tunguhin ng isip?

a)

A. Kabutihan

b)

B. Katarungan

c)

C. Katotohanan

d)

D. Kapayapaan

35.

8. Ang pangunahing gamit ng isip ay _____________.

a)

A. magpasya

b)

B. umunawa

c)

C. mag-isip

d)

D. mangatwiran

36.

9. Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa kanyang___________.

a)

A. anyo, katangian at kakayahan

b)

B. kakayahan, anyo at kapangyarihan

c)

C. kabutihan, kakayahan at kapangyarihan

d)

D. kapangyarihan, kakayahan, at kabutihan

37.

10. Ang tao ay mayroong mga ____________ na nagpapabukod-tangi sa kanya.

a)

A. kakayahan

b)

B. kalakasan

c)

C. talino

d)

D. sangkap

38.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatwiran

39.

Para sa bilang 2 at 3: Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustung-gusto niya ito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?

a)

Ang tao ay may kamalayan sa sarili

b)

Malaya ang taong pumili o hindi pumili

c)

May kakayahan ang taong mangatwiran

d)

May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

40.

Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a)

Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon

b)

Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin

c)

Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit

d)

Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi

41.

"Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob." Ano ang kahulugan nito?

a)

Walang sariling paninindigan ang kilos-loob

b)

Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip

c)

Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti

d)

Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

42.

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan sa isip

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

43.

"Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto," ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito

b)

Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan

c)

May kasama ako na makakita sa katotohanan

d)

Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

44.

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?

a)

Kakayahang mag-abstraksiyon

b)

Kamalayan sa sarili

c)

Pagmamalasakit

d)

Pagmamahal

45.

Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?

a)

Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo

b)

Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa

c)

Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip

d)

Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob

46.

Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon?

a)

Pagmamahal

b)

Paglilingkod

c)

Hustisya

d)

Respeto

47.

Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kanyang paligid. Mayroon din itong pakiramdam. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?

a)

Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

b)

Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili

c)

Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito

d)

Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

48.

Disiplinahin ang sarili at pigilin ang matinding emosyon kung kailangan

a)

Isip

b)

Kilos-loob

49.

Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang umunlad

a)

Isip

b)

Kilos-loob

50.

Humanap ng impormasyon

a)

Isip

b)

Kilos-loob

51.

Magsaliksik ng karagdagang datos kung kulang ang impormasyon

a)

Isip

b)

Kilos-loob

52.

Mag-isip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap

a)

Isip

b)

Kilos-loob

53.

Sino sa mga nilikha ang obra maesta ng Diyos?

a)

Halaman

b)

Hayop

c)

Tao

d)

Lahat ng nabanggit

54.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatwiran

55.

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan sa isip

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

56.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Panloob na pandama maliban sa:

a)

Kamalayan

b)

emosyon

c)

memorya

d)

imahinasyon

57.

Ayon sa kanya, ang tao ay may dalawang kakayahan: Pangkaalamang pakultad at Pagkagustong pakultad.

a)

Robert Edward Brenan

b)

Manuel Dy

c)

Santo Tomas de Aquino

d)

Fr. Roque Ferriols

58.
Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a)
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b)
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
c)
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d)
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
59.
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a)
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b)
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c)
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d)
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
60.
Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a)
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b)
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c)
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d)
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
61.
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a)
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b)
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c)
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d)
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
62.
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a)
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
b)
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c)
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d)
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
63.
Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
a)
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
b)
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c)
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d)
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
64.
Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a)
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b)
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c)
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d)
d. Wala sa nabanggit
65.
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a)
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b)
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
c)
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
d)
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
66.
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a)
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b)
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c)
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d)
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
67.
Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a)
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b)
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
c)
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d)
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
68.

1.    Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

a)

a.      Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.

b)

b.      Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.

c)

c.      Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.

d)

d.      Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.

69.

2.    Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

a)

a.      Sa paningin ng Diyos at ng lipunan

b)

b.      Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya

c)

c.      Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito

d)

d.      Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

70.

3.    Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:

a)

a.      Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b)

b.      Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c)

c.      Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon

d)

d.      Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

71.

4.    Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

a)

a.    Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

b)

b.    Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.

c)

c.    Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.

d)

d.    Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.

72.

5.    Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a)

a.    Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na

b)

b.    Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong

c)

c.    Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan

d)

d.    Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

73.

Ito ay salitang Latin na Dignitas mula sa Dignus.

(a)  

74.

Ito ay salitang Latin na DIGNITAS mula sa salitang DIGNUS na nangangahulugang karapat-dapat

a)

Paggalang

b)

Dignidad

c)

Kalayaan

d)

Karapatan

75.

Ito ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.

a)

Birtud

b)

Gawi

c)

Pagpapahalaga

d)

Likas na Batas Moral

76.

Nagmula sa salitang Latin na valore na ibig sabihin ay pagiging malakas o matatag sa pagbibigay halaga sa anumang bagay na may saysay o kabuluhan.

a)

Intelektuwal na BIrtud

b)

BIrtud

c)

Gawi

d)

Pagpapahalaga

77.

Isang uri ng kaalaman na nilalapat ang nakalap na kaalaman sa kilos. Tinuturing na ina ng mga birtud.

a)

Pag-unawa

b)

Sining

c)

Maingat na Paghuhusga

d)

Agham

78.

Ito ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.

a)

Katarungan

b)

Pag-unawa

c)

Karunungan

d)

Katatagan

79.

Ito ay isang uri ng birtud na may kinalaman sa pag-uugali ng tao at may kaugnayan sa kilos-loob.

a)

Moral na Birtud

b)

Ganap na Pagpapahalagang Moral

c)

Pagpapahalagang Kultural na Panggawi

d)

Intelektwal na Birtud

80.

Pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Tinatawag din na Gawi ng Unang Prinsipyo.

a)

Pag-unawa

b)

Pagtitimpi

c)

Karunungan

d)

Agham

81.

Galing sa salitang Latin na virtus o vir na ibig sabihin ay "pagiging tao". Ito ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.

a)

Gawi

b)

Birtud

c)

Sining

d)

Pagpapahalaga

82.

Uri ng pagpapahalaga na nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

a)

Pagpapahalagang Moral

b)

Intelektuwal na Birtud

c)

Kultural na Panggawi

d)

Moral na BIrtud

83.

Uri ng pagpapahalaga nagmula sa labas ng tao. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.

a)

Moral na Birtud

b)

Pagpapahalagang Moral

c)

Kultural na Panggawi

d)

Intelektuwal na Birtud

84.

Uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao.

a)

Intelektuwal na Birtud

b)

Pagpapahalaga

c)

Gawi

d)

Moral na BIrtud

85.

Anong birtud ito?

a)

Agham

b)

Sining

c)

Katatagan

d)

Pag-unawa

86.

Anong birtud ito?

a)

Katatagan

b)

Karunungan

c)

Katarungan

d)

Katapangan

87.

Anong pagpapahalaga ang pinapakita rito?

a)

Kaibigan

b)

Pag-aaral

c)

Pagkain

d)

Pamilya

88.

Anong pagpapahalaga ang pinapakita rito?

a)

Pamilya

b)

Pag-aaral

c)

Kaibigan

d)

Pagtulong sa Kapwa

89.

Anong birtud ito?

a)

Pagtitimpi

b)

Sining

c)

Katatagan

d)

Agham

90.

Latin na nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas.

(a)  

91.

Ito ng pagpapaunlad ng kaalaman at karunungan na siyang gawain ng ating isip.

(a)  

92.

Ito ang pagpapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob

(a)  

93.

Tinatawag ito ni Santo Tomas de Aquino na Gawi ng Unang Prinsipyo (Habit of First Principles)

(a)  

94.

Ito ay ang itinuturing na agham ng mga agham.

(a)  

95.

Kaalaman sa mga bagay sa kaniyang huling layunin (last cause) o sa kaniyang kabuuan.

(a)  

96.

Kaalaman sa mga bagay sa kaniyang malapit na layunin (proximate cause) o sa isang bahagi nito.

(a)  

97.

Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

(a)  

98.

Kung ang maingat na paghusga ay wastong paghusga tungkol sa mga bagay na dapat isagawa, ang (a)   ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin

99.

Ang (a)   ay isang uri ng kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng tao

100.

Ito ang pinakawagas na birtud ng kaalaman.

a)

Karunungan

b)

Pag-unawa

c)

Sining

d)

Agham

101.

Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos

a)

habit o gawi

b)

birtud

c)

pagpapahalaga

d)

pagpapakatao

102.

Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa.

a)

Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosang tao.

b)

Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir

c)

Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos

d)

Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao

103.

Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.

a)

Pagpapahalaga

b)

Birtud

c)

Gawi o Habit

d)

Pagpapakatao

104.

Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa:

a)

Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.

b)

Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming

c)

Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao

d)

Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)

105.

Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?

a)

Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan

b)

Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti ang ginagawa sa tao

c)

Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit

d)

Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud

106.

Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay di wasto.

1. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan.

a)

T

b)

M

107.

Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran.

a)

T

b)

M

108.

Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.

a)

T

b)

M

109.

Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan ang daan upang makamit ito.

a)

T

b)

M

110.

Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.

a)

T

b)

M

111.

Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi MALIBAN sa

a)

Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama.

b)

May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan

c)

May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng iba.

d)

May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng iba.

112.

Pinanggalingang salita sa Latin ng virtue.

a)

virtus

b)

virtual

c)

virtu

d)

veertus

113.

Sa orihinal na salitang pinanggalingan ng virtue o birtud, ano ang ideyang ibinibigay nito?

a)

pagiging disiplinado

b)

pagiging tao

c)

paggawa ng tama

d)

pagsunod

114.

Anu-ano ang dalawang uri ng  birtud?

a)

intelektwal at emosyonal

b)

moral at emosyonal

c)

intelektwal at moral

d)

moral at sosyal

115.

Pangunahing birtud.

a)

Agham

b)

Karunungan

c)

Sining

d)

Pag-unawa

116.

Ina ng lahat ng birtud.

a)

katarungan

b)

Maingat na paghuhusga

c)

katatagan

d)

pagtitimpi

117.

Anong salitang Latin ang pinanggalingan ng values o pagpapahalaga?

a)

virtus

b)

valor

c)

valore

d)

virtuous

118.

Kailan natin masasabing mabuti ang isang bagay?

a)

Kapag masaya itong gawin

b)

Kapag nagbibigay ito ng kaligayahan (joy) sa iba

c)

Kapag marami ang gumagawa nito

d)

Kapag tanggap sa lipunan

119.

Ang isang bagay ay masasabi nating mali o masama kapag __________.

a)

Kung ito ay daan sa pagdurusa ng iba

b)

Kung ito ay 'di nagpapasaya sa iyo

c)

Kung ito ay kinaaadikan mo

d)

Kung ito ay 'di pinapansin ng ibang tao

120.

Ito ang uri ng pagpapahalaga na nagmumula sa labas ng tao at ibinigay ng Diyos.

a)

Absolute High Values

b)

Cultural Moral Values

c)

Intercultural Moral Values

d)

Absolute Moral Values

121.

Ito ang uri ng pagpapahalaga na nagmumula sa tao.

a)

Cultural Behavioral Values

b)

Intercultural Behavioral Values

c)

Cultural Moral Values

d)

Intercultural Moral Values

122.

Bakit may kakayahan ang tao na buuin ang kanyang sariling pagkatao?

a)

Sapagkat ang tao ay may ibat ibang taglay na kakayahan.

b)

Ang tao ay may angking lakas upang matupad ang kanyang mga gusto sa buhay.

c)

Sapagkat ang tao ay nilikhang kakaiba sa lahat ng mga nilikha ng Diyos.

d)

Ang tao ay maituturing na pinakamakapangyarihang nilalang ng Diyos.

123.

Ang tao ay nilikha ayon sa kanyang wangis. Ano ang tawag dito?

a)

Obra Maestra

b)

Espesyal na nilalang

c)

Nilikha

d)

Nilikhang hindi tapos

124.

Ito ang kilos ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.

a)

Malayang kilos

b)

Kilos ng tao

c)

Kilos- loob

d)

Makataong kilos

125.

Ayon kay Agapay, ang ____________ ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

a)

Dignidad

b)

Kalayaan

c)

Kilos- loob

d)

Isip

126.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kilos ng tao (acts of man)?

a)

Paglalaro ng ML

b)

Pangongopya tuwing may pagsusulit

c)

Paghihikab dahil inaantok

d)

Pagsagot sa mga tanong sa aralin

127.

Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?

a)

Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

b)

Tumulong sa kilos ng isang tao.

c)

Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip

d)

Umunawa at magsuri ng impormasyon

128.

Baakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?

a)

Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

b)

May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.

c)

May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.

d)

Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.

129.

Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.

a)

Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

b)

Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya.

c)

Nakakahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.

d)

Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.

130.

Isang matandang babe ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store ngunit walang barya. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Ano salik nkakaapekto sa sitwasyong ito?

a)

Masidhing damdamin

b)

Karahasan

c)

Kamangmangan

d)

Takot

131.

Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?

a)

Ang pagnanakaw nga kotse

b)

Ang pag-iingat ng doctor sa pag-oopera

c)

Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit

d)

Ang pag-ilag ni Manny sa suntok

132.

Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kanya?

a)

Kilos-loob

b)

Di-kusang loob

c)

Kusang-loob

d)

Walang-kusang loob

133.

Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa

rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas

mataas na pananampalataya pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas nabatayan

ng kilos?

a)

Batas Positibo

b)

Batas ng Diyos

c)

Likas na batas Moral.

d)

Ang sampung Utos ng Diyos

134.

Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?

a)

Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan.

b)

Upang matiyak na hindi na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isipan.

c)

Lahat ng nabanggit.

d)

Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin nsa lahat ng pagkakataon.

135.

Ang mga sumusunod ay katangian ng likas na batas Moral maliban sa:

a)

Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.

b)

Ito ay nauunawaan ng kaisipan

c)

Ito ay sukatan ng kilos

d)

Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.

136.

Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?

a)

Respeto

b)

Hustisya

c)

Paglilingkod

d)

Pagmamahal

137.

Ano ang nagtulak sa taong maglingkod at tumulong sa kuwapa?

a)

pagmamahal

b)

pagmamalasakit

c)

kamalayan sa sarili

d)

kakayahang mag abstraksiyon

138.

"Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob”. Ano ang kahulugan nito?

a)

Walang sariling paninindigan ang kilos-loob

b)

Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti

c)

Nakadepend ang kilos-loob sa binibigay na impormasyon ng isip

d)

Hindi maaaring maghiwlay ang isip at ang kilos-loob dahil magkaugnay ang mga ito.

139.

Si Kate ay mahilig sa tsokolatate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a)

hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay

natatangi

b)

kailangang maging maingat ang tao s pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang

pagkakasakit

c)

ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin

d)

magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang damdamin,at emosyong at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon

140.

Si Kate ay mahilig sa tsokolatate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Kate na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?

a)

ang tao ay may kamalayan sa sarili

b)

may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

c)

may kakayahan ang taong mangatwiran

d)

malaya ang taong pumili o hindi pumili

141.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

mangatwiran

b)

maghusga

c)

makaunawa

d)

mag-isip