WorksheetsGrade 6 Q1 Review Test
Total questions: 26
Worksheet time: 39mins
Sino-sino ang nag-uusap tungkol sa climate change?
Sina Bb. Noble at Dr. Nucio
Sina Bb. Noble at Kokoy
Sina Dr. Nucio at Kokoy
Sina Bb. Noble, Dr. Nucio, at mga bata
Ano ang madalas na kalamidad na nararanasan sa Pilipinas?
Bagyo
Baha
Daluyong Bagyo (Storm Surge)
Lindol
Anong bansa ang madalas dalawin ng bagyo?
India
Japan
Pilipinas
Thailand
Anong ahensiya ng gobyerno ang nanaliksik tungkol sa climate
change?
Department of Health (DOH)
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA)
Kailan nagaganap ang climate change?
Nagaganap ito kapag nagbabago ang panahon.
Nagaganap ito kapag hindi tayo nagtatanim ng puno o halaman.
Nagaganap ito kapag basta na lamang tayo nagtatapon ng
basura.
Nagaganap ito kapag tumaas ang greenhouse gases na
nagpapainit ng mundo.
Sa iyong pagkaunawa, ano ang climate change?
Ito ay nagdudulot ng sakuna.
Ito ay pagbabago ng klima o panahon.
Ito ay ang tag-init at tag-ulan na panahon sa ating bansa.
Ito ang dahilan kung bakit maraming bagyo sa ating bansa.
Ano-ano ang naging epekto ng climate change sa ating mundo?
Nagdudulot ito ng sakuna.
Nagdadala ito ng kalamidad.
Nakaapekto ito sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.
Naghahatid ito ng sakuna na nakakaapekto sa ating kalusugan,
kabuhayan, at kaligtasan.
Sino-sino ang dapat magtulungan para hindi na lumala pa ang
problema sa climate change?
Gobyerno
Kabataan
Mamamayan
Lahat na nabanggit
Pagsunod-sunurin ang mga hakbang kung paano maiiwasan ang climate change.
A. Pangangalaga sa mga hayop at yamang-tubig.
B. Palawakin ang mga imprastraktura na luntian.
C. Bawasan ang carbon footprint.
D. Bawasan ang paggamit ng plastik.
E. Pagtatanim ng mga puno.
C-E-D-B-A
C-B-E-D-A
C-B-D-E-A
C-D-B-E-A
Ano ang kahulugan ng katangian ni Dr. Nucio batay sa isinasaad na kilos at pahayag sa loob ng kahon?
"Salamat, Bb. Noble. Mga bata, makatutulong tayo sa suliraning ito kung marunong tayong magtanim ng mga puno sa ating mga bakuran, iwasan din nating ang pagsunog ng mga basura, at ugaliing ireseklo ang mga kagamitang sa tingin natin puwede pang magamit muli."
Si Dr. Nucio ay _______________________________.
makakalikasan
maka-diyos
makabansa
makatao
"Naghahatid ang climate change ng iba’t ibang sakuna gaya ng heat wave, pagbaha o tagtuyot."
Ayon sa pahayag ni Bb. Noble sa sitwasyon, ano ang kahulugan ng kilos niya?
pagpapaliwanag
pagtatanggol
pagpapaalala
pagkampi
"Ang climate change ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit ng mundo."
Alin ang pangngalang pantangi sa pangungusap?
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Philippine Atmospheric
Philippine Atmospheric, Geophysical
Greenhouse gases
"Ang bansang Pilipinas ay madalas dalawin ng bagyo." Alin ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
bansa
pilipinas
bansang pilipinas
Ang bansang pilipinas
"Ang lahat ng mamamayan ay dapat na makialam na mabawasan ang problema tungkol sa climate change kaya halina’t kumilos at magsagawa ng mga bagay na kaiga-igaya."
Aling pangngalan ayon sa konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng isang uri ng tao, hayop, o bagay?
mamamayan
problema
ligaya
walang sagot
Sa pangungusap na: "Mga bata, may mga epektong dulot ang climate change sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan. "
Aling pangngalan ayon sa tungkulin ang tumutukoy sa mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap?
kalusugan, kabuhayan, kaligtasan
kalusugan, kabuhayan, kagitingan
kalusugan, kabuhayan, kasiyahan
kalusugan, kabuhayan, kalinisan
Ano ang panauhan at kailanan ng kami sa pangungusap na: "Ano-ano po ba ang dapat gawin upang makatulong kaming malutas ang suliraning ito?"
una- maramihan
Una- Isahan
Ikalawa- Isahan
Ikatlo- Isahan
"Kaugnay ng iyong katanungan, may ipapakilala akong isang dalubhasa sa larangang ito."
Ano ang kailanan at panauhan ng panghalip na nakasalungguhit sa pangungusap?
Isahan-ikalawa
Isahan-una
Dalawahan-ikalawa
Maramihan-ikatlo
"Siya si Dr. Nucio. Pakinggan ninyong mabuti ang kaniyang ibabahagi. "
Anong uri ng panghalip ang siya?
Panao
Pamatlig
Panaklaw
Pananong
Ano ang ibig sabihin ng idyoma o sawikain?
lahat ng mga nabanggit ay tama.
may kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito.
isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino.
may taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa, pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan.
"Ano-ano po ba ang dapat gawin upang makatulong kaming malutas ang suliraning ito? Bukal sa loob namin ang tumulong."
Ano ang kahulugan ng sawikain o idyomang may salungguhit sa pangungusap?
taos-puso
pusong-bato
puso sa puso
pusong-buo
Bakit importante ang mga sawikain?
Ang mga ito ang nagpapaalaala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino.
Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
Nakaaaliw ang mga ito.
Hindi naman importante ang mga ito.
Anong aklat sanggunian ang angkop na gagamitin kung nagbalik – tanaw ang mga mag-aaral tungkol sa mga trahedya at sakunang naganap sa ating bansa noong taong 2013?
Almanac
Atlas
Ensayklopedia
Diksyonaryo
Anong pangkalahatang sanggunian ang gagamitin ni Kokoy para alamin ang distansiya mula Bacolod City hanggang Infanta, Quezon?
Atlas
Ensayclopedia
Almanac
Mapa
Nais ni Kokoy na mapagbigay-alam sa kanyang mga kanayon tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang mga sakuna kagaya ng bagyo, pagguho ng lupa, pagbaha at tagtuyot.
Anong pangkalahatang sanggunian ang dapat niyang gamitin sa paghahanap ng impormasiyon?
Ensayclopedia
Almanac
Atlas
Peryodiko
Basahin ang talata. Sagutin ang tanong pagkatapos.
Naiwang nakatiwangwang ang halos mga kalbong kabundukan. Hindi naglaon, dahil naubos ang kagubatang taga-imbak ng tubig sa ilalim ng lupa, ang ilog na dating may dumadaloy na malinaw at malinis na tubig ay natuyo. Kapag malakas ang ulan, ang lupa mula sa kalbong kabundukan ay natatangay ng agos ng tubig patungo sa ilog at sa dagat.
Ang mga bahura at halamang dagat na pinagkakanlungan ng mga isda at iba pang lamang dagat ay natatabunan at namamatay. Sa pagkasira ng kalikasan, humina ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.
25. Alin sa sumusunod ang angkop na paksang pangungusap sa binasang talata?
Naiwang nakatiwangwang ang halos mga kalbong kabundukan
Ang mga bahura at halamang dagat na pinagkakanlungan ng mga isda at iba pang lamang dagat ay natatabunan at namamatay.
kapag malakas ang ulan, ang lupa mula sa kalbong kabundukan ay natatangay ng agos ng tubig patungo sa ilog at sa dagat.
naubos ang kagubatang taga-imbak ng tubig sa ilalim ng lupa
Bilang isang lasalyanong mag-aaral, paano ka makatutulong upang maiwasan ang suliranin ukol sa climate change?
Ipahayag ang iyong saloobin, reaksiyon, opinyon sa loob lamang ng limang pangungusap na may wastong gamit ng pangngalan at panghalip.
