Font size
WorksheetsMga Batas sa Pangangalaga ng Kalikasan
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ang Revised Forestry Code of the Philippines ay tungkol sa pagpoprotekta, pagpapaunlad, at rehabilitasyon ng mga lupaing pang kagubatan (forest lands) at kakahuyan sa bansa.
(a)
Ito ay ang Philippine Clean Water Act of 2004. Ang batas na ito ay para sa proteksiyon, preserbasyon, at pagpapanumbalik (revival) ng kalidad ng malinis na tubig sa bansa at maging ng tubig-dagat.
(a)
Ang batas na ito ay regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng maiilap na hayop at pagsuporta ng mga pag- aaral tungkol sa konserbasyon ng biological diversity.
(a)
Ang batas na ito na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte ay naglalayong amyendahan o susugan at palakasin ang 24-taong gulang na National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act.
(a)
Ito rin ay tumutukoy sa Department of Energy Act of 1992. Upang makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng enerhiya at makatutugon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa, itinatag ang Kagawaran ng Enerhiya (Department of Energy o DOE).
(a)
Nilalayon ng kagawarang ito na isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng gobyerno na may kaugnayan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at konserbasyon ng enerhiya.
(a)
Ito ay ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ito ay ukol sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tirahan na mahalaga upang mapaunlad ang ecological balance at ecological diversity.
(a)
Tinutukoy ng Water Code of the Philippines ang tubig sa karagatan na nasa hurisdiksiyon ng Pilipinas. Pangunahing nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa konserbasyon ng tubig.
(a)
Hinahangad din ng batas na ito na matukoy ang mga karapatan at obligasyon ng mga gumagamit ng tubig gayundin ang proteksiyon ng mga nasabing karapatan.
(a)
Ito ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang mga batas ay nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba't ibang pamamaraan upang makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid waste sa bawat barangay.
(a)
Ito ay ang Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act of 2018 na nagpapalakas ng proteksiyon at nagdaragdag ng higit sa 100 na mga protektadong lugar sa bansa, kabilang ang Philippine Rise Marine Resource Reserve.
(a)
Ito ay kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ang batas na ito ay kumikilatis sa kritikal na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba sa kapaligiran.
(a)
Ito ay tumutukoy sa Philippine Clean Air Act of 1999. Sa pamamagitan ng batas na ito, itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.
(a)
Kinikilala ng estado ang karapatan ng mga mamamayang makalanghap ng malinis na hangin at magamit nang kasiya-siya ang lakas ng yamang-likas.
(a)
Ito ay tinatawag ding Philippine Mining Act of 1995. Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa lupaing pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang ekonomiko ng Pilipinas bilang pag-aari ng estado..
(a)
