wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ortograpiyang Filipino

Total questions: 12

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa ibaba ang may tamang baybay sa paggamit ng "de" bilang unlapi?

a)

de-lata

b)

delata

c)

de lata

2.

Alin sa ibaba ang may tamang baybay o ispeling sa pag-uulit ng mga salita?

a)

anu-ano

b)

ano-ano

c)

anuano

d)

ano-anu

3.

Napapansin natin ang paggamit ng "e.g" sa mga pangungusap kapag nagbibigay ng halimbawa. Ano ang ibig sabihin ng e.g.?

a)

exempli gratia

b)

est grat

c)

et gratia

4.

Ano ang tamang ispeling ng salitang "teacher" sa Filipino?

a)

titser

b)

tetser

c)

tiser

5.

"Lumilipad ang makukulay na ____ ." Ano ang tamang ispeling ng salitang tinutukoy sa patlang?

a)

paru-paro

b)

paruparo

c)

paro-paro

d)

paroparo

6.

"Sa mga ____, paborito niya ang Hawaiian." Alin ang tamang ispeling nga salita sa puwang?

a)

pitsa

b)

petsa

c)

picha

d)

pizza

7.

"Paborito ko ang ____ sa Filibee." Ano ang tamang ispeling ng salita sa patlang?

a)

french fries

b)

prents prays

c)

frents frays

d)

pritong pranses

8.

Alin ang tamang salin batay sa konteksto?

Plant rice

a)

magtanim ng bigas

b)

magtanim ng palay

c)

magtanim ng kanin

d)

magtanim ng sinaing

9.

Alin ang tamang salin ng nagsasaalang-alang ng pagtitipid?

"Carry in the armpit"

a)

Dalhin sa kilikili

b)

isingit

c)

kipkipin/ikipkip

d)

ipitin sa ilalim ng braso

10.

Alin ang tamang salin?

I am going to give this back to her.

a)

Ako ay magbibigay pabalik nito sa kanya.

b)

Ibabalik ko ito sa kanya.

c)

Magbibigay ako nito pabalik sa kanya.

d)

Ako ay magsasauli nito sa kanya.

11.

Alin sa mga sumusunod ang tamang ispeling batay sa pangungusap na ito?:
"Dumalo ako sa isang ____ noong nakaraang linggo."

a)

conferecia

b)

kumperensiya

c)

komperensiya

d)

konperens

12.

Alin sa mga sumusunod ang may kamalian sa pagkakasulat?
"Nagpunta ako sa nueva vizcaya."

a)

Nagpunta

b)

ako

c)

sa

d)

nueva vizcaya